THE IMPATIENT PATIENT Part A

1.8K 37 4
                                    

ALYSSA'S POV

Hi, ako nga pala si Alyssa Caymo Valdez, isang nurse sa isa sa pinakamalaki at sikat na hospital sa bansa. Ang Ravena-Valdez Medical Center at anak ako nina Ruel at Lita Valdez, isa sa mga may-ari nitong hospital, 40% ng shares of stocks ang hawak nila. Kung nagtataka kayo kung bakit ako nagtratrabaho bilang nurse dito kung pwede namang hindi na dahil sa yaman namin ay ito marahil ay dahil sa gusto kung gamitin ang kursong tinapos ko. Kung bakit nursing ang tinapos ko ay dahil passion ko ito at bata pa lang ay gusto ko nang maging nurse ay dahil dito na rin ako halos lumaki.

John Vic: Hoy tulala ka na naman diyan, halika na at kailangan tayo sa emergency room.

Alyssa: Huh? Ah ganon bah? Sige mauna ka na at susunod ako agad.

Yun nga pala ang kaibigan kong si John Vic de Guzman, classmate ko sa college at bestfriend. Naging close kami dahil nakikita ko sa kanya ang childhood bestfriend ko na anak nina tito Bong at tita Mozzy Ravena, ang founder at major stock holder nitong hospital, 50% shares yung hawak nila while sa RVMCEmCo (Ravena-Valdez Medical Center Employees Cooperative) naman ang natitirang 10% of shares. Yung panganay nilang anak ang kaibigan ko. Magkaedad lang kami at magkaklase simula pre-school hanggang 6th grade, pero pagkatapos ng graduation ay pumuntang U.S. para dun mag-highschool at college.

"Ano bang klaseng mga nurse kayo? Bakit ang tagal niyong asikasohin ang mga pasyente n'yo? Nasaan na yung mga doctor? Tulog bah? Ganito ba talaga kayo dito? How incompetent!"

Kahit nasa pintuan pa lang ako ng ER ay rinig ko na ang bulyaw nito bago naming pasyente.

Alyssa: Anong nangyayari dito?

John Vic: (pabulong) Ly mabuti't nandito ka na. Ang init ng ulo ng pasyente natin, walang ka-pasepasensya, ikaw na nga kumausap at maging ako ay nag-iinit na rin ang ulo ko.

Impatient patient ha? Hhmmm, ako talaga ang hinaharap nila sa tuwing may ganitong pasyenteng walang pasensya. Napapalamig ko kasi ang ulo ng mga ito.

Alyssa: Sir ano nga pala ang nangyari sa inyo?

Impatient Patient: Anong nangyari? Nakikita mo ngang puro galos ang braso at binti ko nagtatanong ka pa? Ikaw ba ang Head Nurse dito?

Alyssa: No sir isa lang ako sa mga nurse dito. Yung Head Nurse namin ay on-leave.

Impatient Patient: Whaattt? On-leave? Isa lang ba Head Nurse n'yo dito at walang ka-relyibo?

Alyssa: May emergency po kasi sa kanila sir, tsaka kaya naman naming.....

Impatient Patient: Kaya? Eh ang tagal niyo ngang dumating lalo ka na. Dapat sa inyo pagsisibakin para mapalitan ng mas professional, sayang lang pinapasweldo sa inyo.

John Vic: Ang yabang mo ah, at sino ka para magpatanggal sa amin ha? FYI, ang mga may-ari at mga anak lang nila ang pwede magpatanggal sa'amin dito.

Impatient Patient: Exactly, i am Kiefer Isaac Crisologo Ravena. Anak lang naman ako nina Bong at Mozzy Ravena, ang majority owner ng hospital na 'to.

Napansin kong nagbago ang expression sa mukha ni John Vic, kung kanina ay namumula sa galit, ngayon naman at namumutla sa gulat, pangamba at takot. Ako naman at nanlambot sa narinig ko, si Kiefer na ba talaga to? And childhood bestfriend ko? Sa panlalambot ng tuhod ko ay muntik pa akong bumagsak, buti na lang ay mabilis akong nahawakan ni John Vic at inakbayan.

Alyssa: Kief, ikaw na ba talaga yan?

Kiefer: How did you know my nickname and why are you calling me that? Only close friends are allowed to call me that.

Alyssa: Kief it's me Alyssa, your childhood bestfriend.

Kiefer: Ly? Ah kaya pala ang yabang nitong boyfriend mo, may kapit pala. Hanep ah, kahit sa harap nang pasyente kung makaakbay sobra. Well to tell you frankly Mister, kahit anak pa ng isa sa mga may-ari ang girlfriend mo kaya pa rin kitang tanggalin since kami ang major stock holder dito.

KIEFLY ONE SHOTS (A Collection of KiefLy One Shot Stories)Where stories live. Discover now