Chapter 2
Cali
"Buti nalang pala nakapasok tayo dito sa CVSU noh? Ang ganda dito grabe!" sabi ni Sheena. CVSU stands for Cavite State University. We decided to study here since libre ang tuition dito. Buti nga pinayagan kami na mag-enroll dito sa main at mag-apartment nalang.
"Hey, it's already 9 na. Let's find our classroom nab ago pa tayo ma-late." Paalala ni Michael.
Nakarating na kami sa classroom naming at kinabahan agad ako nang makitang ang dami nang estudyante sa loob. I really don't have an idea if makakaya ko bang makapasa dito. BS in Psychology nga pala yung kinuha naming kurso. Balak kasi naming gamutin yung sari-sarili naming sakit sa utak. Hahaha! Umupo na kami at nakinig doon sa prof naming na kapapasok lang.
"Good Morning Everyone! I'm Ms. Castro and I will be your teacher in Social Development." Pagpapakilala nya. Nag-orientation lang naman siya at maaga kaming pinalabas.
After class, pumunta agad kami ng Canteen dahil nagugutom na kami. Nasa pila na kami nang may marinig kaming bulungan sa likod namin.
"Ang kapal ng mukha ni Jane noh? Akala naman niya papatulan siya ni Ram." Bulong nung babae sa likod namin.
"Oo nga. Hindi na siya nahiya eh halata namang hindi pa nakaka-move on si Ram sa ex niya." Bulong pa nung isa. Hm.. Sino kaya iyong pinag-uusapan nilang Ram? Pogi kaya? Hahaha!
Nang maka-order na kami naghanap na agad kami ng pwesto pero imbis na mauupuan ang mahanap namin, may nakita kaming isang babae na nakaluhod sa lalaki. Nakatalikod yung lalaki kaya hindi ko Makita kung pogi.
"Ram, please! Ako nalang! Just.. just try to be with me at kapag hindi nag work, lalayo na ako." Oh. I think she's Jane. Iyong pinagtsitsismisan kanina sa pila.
"No." napairap nalang ako dun sa lalaki. Grabe ah! Ang bastos.
"Ram ano ba?! Matagal na siyang wala! Matagal ka na niyang iniwan! It's been years pero hindi mo pa din siya makalimutan. Ano bang meron sa malanding iyon?!" napasinghap kaming lahat nang tapunan nung Ram si Jane ng inumin na hawak niya.
"Tara na guys. Wag na tayo makitsismis. Kumain na tayo nagugutom na talaga ako." Mabuti nalang at sumunod na sila dahil nagugutom na talaga ako.
"Grabe iyong babae noh? Kung ako yun hindi na ako maghahabol sa ganoong lalaki.." komento ni Sheena.
BINABASA MO ANG
Almost A Love Story
Mystery / ThrillerHe was my great love, but never my true love. He sacrificed, and I suffered. I am Cassandra Lianne Dela Fuente, and I fell in love with a man that I know I shouldn't loved at the first place. And that's the start of our story