Chapter 4
Cali
I can't believe it! Bakit nya naman ako pipicturan? Napailing ako. Tama, baka kailangan lang talaga niyang picturan ako dahil nagpeperform ako. Tama, tama. Napatango ako habang tinatapik yung mukha ko.
"Anyare sayo te?" tanong ni Sheena.
"Wala,wala. Uwi na tayo." Pag-aya ko sa kanila.
Habang naglalakad kami palabas ng campus, may tumawag sakin.
"Lianne." Napatigil agad ako. Iiisa lang naman tumatawag sa akin ng Lianne. Nilingon ko sya.
"C...can I talk to you?" Nahihilo ako.
"Michael, stop it! Nakakahilo kaya!" saway ko kay Michael. Kanina pa ako niyuyugyog. Kilig na kilig dito sa nasa harapan namin.
"Su...sure. What is it?" sagot ko.
"Alone." OH MY GHOD! ANONG GAGAWIN NAMIN?! Charr. Hahahaha!
"Ay, okay. Let's go na, Sheena girl. Nakakaistorbo tayo sa kanila." Pagyaya ni Michael.
"Humayo kayo at magpakarami!" mapang-asar na dugtong naman ni Sheena.
Nang makaalis na sila, hinarap ko na si Ram.
"Uhm.. Sorry about that. Ano bang pag-uusapan natin?" panimula ko.
"What's your favorite song?" Tinaasan ko lang sya ng kilay. Anong klaseng tanong iyon?
"I'm just curious." Napairap ako. Palagi nalang siyang curious ah? Pansin ko lang.
"Wala eh. Lahat paborito ko." Nakangiting sagot ko
"Why did you sing that song, last night?" he asked.
"Huh? Ah, yung Here I Am?" I asked him, and he nodded.
"Iyon kasi yung last song na pinakinggan ko bago ako mag-perform nun." Paliwanag ko.
"Okay." Napakunot ako ng noo.
"Yun lang?" tumango lang sya. Pisti! Akala ko pa naman aamin siyang gusto niya ako. Charr.
"Hm. Una na ako. Bye!" paalam ko at umalis na.
Naglalakad na ako pauwi, walking distance lang naman iyong apartment na tinutuluyan naming mula dito sa school.
Stay. Away. From. Him!
Napatigil ako nang may marinig na naman akong bulong. It was the same voice that I heard kanina sa labas ng gym. Kinilabutan ako at binilisan nalang ang paglalakad para makauwi na, but I feel like someone's following me. Nilibot ko ang paningin ko para makita kung tama ba ang hinala ko pero wala naman.
"Creepy." Mahinang sabi ko.
"Who's creepy?" muntik ko nang masampal ang kung sinong bigla nalang nagsalita sa likod ko.
"Hey, it's me." Nagulat ako nang makita si Ram.
"Are...are you following me?" I asked and I saw him blushed.
"Uh... I was just making sure na safe kang makakauwi." He explained. Tumango nalang ako nagpatuloy na sa paglalakad.
"You know what?" panimula ko nang usapan dahil mukhang may balak pa siyang ihatid ako hanggang sa apartment.
"Lately, I always feel like someone is watching me, pero kapag titingnan ko kung meron talaga, wala akong nakikita." Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa sinabi ko.
"W..what?" Hindi ko alam kung ano iyong iniisip nya ngayon pero ipinagpatuloy ko nalang ang pagkekwento.
"Tsaka I always heard this voice, telling me to stay away from whoever this boy is. Basta dalawang beses na akong nakakarinig ng bumubulong sa akin, like it's giving me a warning that I should stay away from this guy." I just shrugged and continue walking. Hindi siya nagsalita at sumunod nalang sa akin.
"You're R.A" napalingon agad siya sa akin nang sabihin ko iyon.
"I saw the pictures you took last night sa Bulettin Board." I said and looked at him.
"P..pwede ko bang hingiin iyong mga pictures ko? Noong kumakanta ako. Ang ganda kasi talaga nung kuha mo." Sabi ko sa kanya.
"Huh? Uh... Sure, ibibigay ko nalang saiyo bukas." Napahampas ako sa hangin
"Nagtatagalog ka naman pala eh! Kulang nalang dumugo ilong ko kaka-English mo diyan." Sabi ko sakanya habang tumatawa-tawa pa. Napakamot nalang siya sa ulo niya.
"Oh, Nandito na tayo. Pasok na ako sa loob." Paalam ko.
"Okay. See you tomorrow, Good night." Paalam niya at pinapasok na ako sa loob.
Nakapatay na ang mga ilaw nang makapasok ako sa loob. I think tulog na sila. Pumunta muna ako sa kusina para tingnan kung may pagkain ba silang tinira para sa akin. Kumain na ako at hinugasan ko agad ang pinagkainan ko.
Papunta na ako sa kwarto nang may marinig akong kaluskos.
Cassandra Lianne Dela Fuente, I will make your life a living hell.
Narinig ko na naman ang bulong ng isang babae. I look around and saw no one maliban nalang sa isang nanlilisik na mga mata na nagtatago sa dilim.
Tumakbo agad ako sa paakyat habang umiiyak. Is that a ghost? It was my first time encountering that creepy incident.
What was that?
BINABASA MO ANG
Almost A Love Story
Mystery / ThrillerHe was my great love, but never my true love. He sacrificed, and I suffered. I am Cassandra Lianne Dela Fuente, and I fell in love with a man that I know I shouldn't loved at the first place. And that's the start of our story