Chapter 6

12 1 0
                                    

Chapter 6

Cali

Nagising ako sa sinag araw. Ugh! I hate sunlight, ang sakit sa mata.



Wala kaming pasok ngayon kaya napagdesisyonan ko nalang na umuwi sa baahay ngayon. Nag-ayos nalang ako ng mga gamit na dadalhin ko sa bahay at umalis na.



"Maaa!" Sigaw ko para ipaalam sa kanila na nakauwi na ako.



"Ang ingay naman neto." Sinamaan ko agad ng tingin ang hampaslupang nagrereklamo.



"Problema mong strikeland ka?" Pasigaw kong tanong sakaniya.



"Maaa! Si Cassie, nagmumura!" Napairap nalang ako nang magsumbong siya.



He's Cloud Ezekiel Dela Fuente, my brother. Mas matanda siya sakin pero ewan ko kung bakit parang mas mukhang ako iyong panganay sa aming dalawa. Graduating na din siya sa course na Civil Engineering.



"Cali? Hindi ka nagsabing uuwi ka." Salubong sa akin ni Mama.



"Wala po kasi akong magawa sa apartment. Wala din naman akong kasama doon kaya umuwi nalang po ako." Paliwanag ko kay Mama.



"Kumusta naman sa school? Mahirap ba? Nakakasunod ka naman ba?" Sunod-sunod na tanong ni Mama.



"Nako, Ma. May jowa na daw iyan sabi ni Sheena." Nakita ko si Kuya na kakalabas lang ng kusina. Napataas ako ng kilay.



"Nag-uusap kayo ni Sheena." Nakita ko ang pagpula ng tenga niya. Hm. I smell something fishy sa dalawang 'to.



"May boyfriend ka na, 'nak?" Tanong ni Mama.



"Wala po!" Sagot ko at umakyat na sa kwarto para makaiwas sa mga follow up questions ni Mama.



Paagdating ko sa kwarto ay sumalampak agad ako sa kama. Sobrang napagod ako sa byahe. Cavite pa kasi kami nakatira, and sa Indang ang CVSU main kaya medyo mahaba haba iyong byahe.



Maya-maya narinig ko na iyong sigaw ni mama. Napatayo agad ako kasi kakain na. Kanina pa ako nagugutom.



Pagkalabas ko palang ng kwarto, amoy na amoy ko na iyong niluto ni Mama.

Almost A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon