Chapter 5
Cali
Kinaumagahan nauna maaga akong pumasok at hindi na nagpaalam kina Sheena para hindi na nila ako tambakan ng sangkatutak na tanong kung bakit namamaga ang mata ko. Nagsuot nalang ako ng eyeglasses at nilugay nalang ang buhok para hindi masyadong halata iyong pamumula ng mata ko.
Naglalakad na ako papasok sa school nang may tumawag sa akin.
"Cali!" Lumingon ako at nakita si Sean na tumatakbo pa papunta sakin kasama si Oshwald. I smiled and waved at them.
"Kumusta? Ang aga natin ngayon ah?" tanong niya habang lumilingon lingon sa likod ko na parang may hinahanap.
"Uh.. Wala pa sila Sheena." I saw him blushed. Pinaningkitan ko siya ng mata nang makita iyon.
"H..hindi ko naman tinatanong!" pagde-deny niya at nilagpasan na ako. Oshwald just chuckled and followed Sean.
Dun ko lang napansin na nasa likod pala nila Sean si Ram. He's busy looking at his camera while holding some pictures.
"Hey.." Pagbati ko para makuha ang atensyon niya. He looked at me and just nodded.
"Here's your pictures." Sabay abot niya nung hawak niya kaninang pictures.
"Oh, thank you!" sabi ko sa kanya habang tinitingnan ang mga pictures na kinuhanan niya. Ang ganda talaga! Nag-angat ako ng tingin at nahuli siyang kinukuhanan ako ng picture. I just smiled when I saw him blushed.
"Uhm... Pwede ko makita iyong iba mo pang kuha?" pagpapaalam ko. Ibinigay niya naman sa akin iyong camera.
Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mapalingon sa paligid ko nang may naramdaman na naman akong nakatingin sa akin. Palagi nalang ganito. Bawat galaw ko parang may nanonood pero sa tuwing titingnan ko naman kung meron ba, wala naman akong makikita.
"Do you want to borrow it?" narinig kong sabi ni Ram.
"T..talaga?!" agad nagliwanag ang mata ko nang tumango siya.
"Thank youuu!" nakangiting sabi ko sakanya.
"Uhm..did you cry?" napatigil ako sa tanong niya. Halata padin ba? Shit, pano ko itatago 'to kila Sheena. Mag-aalala iyon panigurado.
"H..hindi! Puyat lang. Tama! Napuyat lang ako kagabi. Hehe." Palusot ko. Sana kapani-paniwala.
"Okay." Tumango siya at nauna nang maglakad. Hindi man lang nagpaalam.
Nakangiting naglalakad ako habang papunta sa room. Sinubukan kong magpicture-picture pero ang pangit talaga ng kuha ko. Hayaan mon a, magpapaturo nalang ako kay Ram. Tutal mukhang close naman na kami eh.
BINABASA MO ANG
Almost A Love Story
Mystery / ThrillerHe was my great love, but never my true love. He sacrificed, and I suffered. I am Cassandra Lianne Dela Fuente, and I fell in love with a man that I know I shouldn't loved at the first place. And that's the start of our story