Chapter 3
Cali
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi at nakakainis kasi may pasok pala kami ngayon. Hindi ko kasi talaga makalimutan iyong mga tingin ni Ram sa akin kagabi. I feel like he wants to talk to me pero hindi niya magawa. Pagkatapos ko pala magperform kagabi nauna na akong umuwi kila Sheena kasi hiyang-hiya talaga ako.
"Oh, girl. Puyat na puyat?" natatawang tanong ni Sheena. Tipid lang akong ngumiti sakanya at dumiretso na sa kusina.
"Cali, breakfast na." yaya ni Michael sa akin.
"Sino nagluto?" tanong ko. Bread, bacon at egg ang breakfast na niluto nila.
"Si Sheena girl." Sagot ni Michael. Tumango ako at pumunta sa may sink para magtimpla ng Energen.
"Cali, kape ang itimpla mo para magising ka. Hindi Energen." Pagpigil sa akin ni Sheena.
"Hindi nga ako nagkakape diba?" paliwanag ko.
"Oo nga pala. Pero kasi...." Tinalikuran ko na sya para di na niya ako matalakan. Inaantok talaga ako at ayoko ng maingay.
Sabay sabay na kaming pumasok at wala naman magandang nangyari. Nagklase lang kami pero wala akong naintindihan, ni hindi nga ako nakapag-notes dahil umiikot mata ko sa sobrang antok. Kasalanan to ni Ram eh. Kokopya nalang ako kina Sheena.
"Girls, hindi muna ako sasabay sainyo maglunch ah? I need to sleep." Paalam ko sa kanila.
"Huh? Hindi ka magla-lunch?" Sheena looks so worried.
"Bibili nalang ako bread." Sheena sighed at tumango nalang.
Bumili na ako ng bread at kumakain habang naghahanap ng pwedeng tulugan. 11 a.m palang naman 2:00 p.m pa next class ko so pwede pa akong makatulog. Habang naghahanap ako ng matutulugan napadaan ako sa may Bulletin Board. I saw our pictures last night sa South 81, but something caught my attention and that was me. It's a stolen pictures taken during my performance last night. Nakakahiya!
Bago ako umalis doon, may nakita akong sign sa ibaba....
R.A
BINABASA MO ANG
Almost A Love Story
Mystery / ThrillerHe was my great love, but never my true love. He sacrificed, and I suffered. I am Cassandra Lianne Dela Fuente, and I fell in love with a man that I know I shouldn't loved at the first place. And that's the start of our story