Isang nakakasilaw na liwanag ang nabungaran ni Scylla sa pagmulat ng kanyang mga mata, dahilan para bigl siyang mapabangon. Iniharang niya ang isang kamay sa bandang noo para maski paano ay masanggahan ang nakakasilaw na liwanag. Pulos puti ang paligid. Iyon ng nakikita niya. Marahil dahil na rin sa liwanag na nakakalat sa buong paligid. Pero nasaang lugar ba siya? Bakit masyadong maliwanag? Kaninong kama ang kinauupuan niya ngayon? Bakit hindi iyon kasinlambot ng kanyang kama?
Nang bigla siyang matigilan! Napaurong siya nang bahagya matapos mapagsino ang katawang nakahimlay sa kama na nasa kalagitnaan ng walang hanggang liwanag. Dumudugo ang noo at ilong nito at may malaking sugat sa pisngi. May malaking sugat din ang noo na pinanggalingan ng umaagos na dugo sa nagmamantsa na sa cover ng puting-puting kama. May mga pasa rin, galos at sugat sa braso.
Nakaramdam ng matinding panic si Scylla. Sa kabila ng mga galos, sugat, at pasa nakilala ni ang katawang nakahimlay. Siya ang nakahiga sa kama! Pero bakit? Bakit nakikita niya ang sarili? Kung siya ang nakahiga sa kama, sino siya na nakaupo naman doon?
Biglang naalala ni Scylla ang huling pangyayari. Malalim na ang gabi. Nagmamaneho siya ng sasakyang iniregalo sa kanyang Kuya Timothy nang nakaraang birthday niya. Dapat daw ay sa graduation niya ibibigay ang kotse pero dahil halos naghabol ng oras si Kuya Timothy sa paghatid-sundo sa kanya sa unibersidad, minabuti nitong maski nasa ikatlong taon pa lang siya sa kolehiyo ay ipagkaloob na ang minimithi niyang sasakyan. Tutal ay disinuwebe anyos naman na siya, awtorisado nang magmaneho. Isa pa, noon pa mang disasais siya ay tinuruan na siya ng kapatid na magmaneho. Kaya ngayon, masasabi na niyang magaling na magaling na siya sa larangang iyon.
Bilang graduating student sa kursong Business Management, napakaraming tinatapos na requirements ang mga tulad ni Scylla. Ewan ba kung anong bitamina sa utak ang ginagamit ng mga professor nila sa unibersidad at kung kailan last minute na ay saka pa sila tinatambakan ng maraming requirements. Tuloy, parati na siyang ginagabi sa pag uwi. Parati na rin tuloy nag aalala ang kanyang kuya.
Sila na lang ang magkapatid ang magkasama sa buhay. Sabay na namatay sa isag vehicular accident ang mga magulang nila noong nas ikatlong taon palang sila sa high school si Scylla. Mabuti na lamang at graduating na si Kuya Timothy.
Sa mga panahon ng kuya niya sa kolehiyo ay panaka naka na itong itine-train ng kanilang ama sa kompanya. Kaya nang iwan sila ng mga magulang ay nakapag adjust si Kuya Timothy sa pag take over ng business nila.
Naging spoiled si Scylla sa kuya pero at the same time ay protective din sa kanya. Wala na siyang mahihiling pa sa kapatid. He kept an eye on her when their parents left them. Nangako raw kasi ito sa puntod ng mga magulang nila na aalagaan at poprotektahan siya sa abot ng makakaya.
At tinutupad naman iyon ng kanyag kapatid. Sa katunayan, labis sa kanyang kailangan ang ibinibigay nito. Tinutumbasan naman niya iyon ng pagmamahal at hanggang maaari ay ayaw niya itong pag aalalahanin. Ipinangako niya sa sarili na tutumbasan ang lahat ng kabutihan ni Kuya Timothy. Sila na lang ang magkapamilya kaya wala na talagang mag aalaga sa isa't isa kundi sila rin lang.
Alas onse y medya na noon nang tignan ni Scylla ang kanyang wristwatch. Malalim na ang gabi pero masikip pa rin ang kalsada dahil sa traffic. Minabuti niyang mag shortcut. May eskinita siyang dinadaanan na kayang lumusot ang kanyang kotse. Kapag naiipit sa traffic ay doon siya dumadaan. Yon nga lang, hindi siya parating dumadaam dahil delikado. Pugad daw iyon ng mga drug addict at iba pang masasamang tao. Pero gusto na niyang makauwi. Hindi lang para makapag pahinga kundi para na rin makapag kita sa kanyang kapatid. Nakailang tawag na ito sa kanya kanina at tinatanong kung nasaan na siya. Malamang na naunahan na naman siya nito sa pag uwi.
Napabuntong hininga na lang si Scylla. Malapit na siyang makalabas ng eskinita. Sadulo ng highway. Pagkalabas roon, siguradong hindi na gaanong masikip ang lansangan. Malapit na rin iyon sa kanilang subdivision.
Subalit habang papalapit ng papalapit sa dulo ng ng eskinita, bigla naman ang pagbundol ng kakaibang kaba sa kanyang dibdin. Hindi niya alam kun bakit o saan nanggaling ang pakiramdam na may panganib na nakaamba sa dulo ng eskinita. Ilang beses na kasi siyang nakadaan doon at safe na nakalabas.
Pinilit palisin ni Scylla ang kakaibang kaba na bumabalot sa kanya. She focused on driving.
Malapit na siya.
Makakalabas na siya.
Wala siyang dapat ipag alala.
Subalit dahil nababalot ng tensyon nang mga sandaling iyon ay hindi na niyang naiwasang maging paranoid. Panaka naka siyang lumilinga sa magkabilang gilid, sa madilim na paligid, para siguraduhing wala talagang nakaambang panganib. Naipagdasal niyang sana ay walang humarang sa daraanan niya na masamang tao.
She was so relieved when she finally got there. Sumungaw na rin sa wakas nag nguso ng kotse s bungad ng eskinita. She was safe now. Nakaramdam lang siya matahil ng paranoia siya dahil naalala niya ang sabi sabi ng kanyang mga kaklase na ang eskinita na iyon ay mapanganib. Ikinukwento kasi niya sa mga close friends niya ang na may alam siyang shortcut. At iyon nga ang, nalaman niyang hindi safe doon.
Pero hindi na niya iyon dapat isipin pa. Makakalabas na siya. Risk taking man na masasabi ang kanyang ginawa, pero at least, makakauwi na siya.
Napabuntong hininga na muling umabante si Scylla para tuluyan nang makalabas sa eskinita nang isang humahagibis na truck ang hindu niya namalayang paparating. Hindi kasi iyon bumusina. At bago pa niya maiatras ang kotse ay nakakasilaw na liwanag ang bumalandra sa kanya.
No!
To be continued....
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
So here my new story guys hope you'll like it. This is a not so good story guys but still hope you'll vote comment support this story.
Also support my other stories guys
-The badass and the hottie
-The legendary princessHope you guys enjoy this chapter. Comment down if you want to be dedicated to the next chapter. I'll wait for the comment of yours before I publish my next chapter.
YOU ARE READING
Connected
VampireOnce a vampire promised a lifetime, she knew that promise won't be broken. Saan man sila dalhin ng kanilang pag-ibig, basta magkasama sila, wala nang magiging problema.