Pero iba ang kaso ng babaeng kaharap niya. Hindi nito ginusto ang paghiwalay sa katawan. Gusto niya itong tulungan. Pero ang ibig sabihin din niyon ay isasalin niya ang enerhiya rito. Hindi pwede. Wala na siyang maibigay dahil malaki ang nawala sa kanya niya kanina sa isang Avergou. Ni hindi pa nga siya nakakapag hunt nang sapat para sa kailangan ng kanyang katawan.
Dapat ay pumapasok na siya sa panaginip ng isang mortal para makakain. Tutal naman ay nagapi na niya ang soul sucker na nakadestino sa lugar na iyon- ang lugar kung saan siya nakatokang magbantay. Pero paano siya kakain kung may isang kaluluwa na iyak nang iyak sa harap niya at nararamdaman niyang nangangailangan ng tulong? Kung hindi man kanyang tulong ay tulong ng iba. Pero paano? Paano niya ito tutulungan?
Sa kauna unahang pagkakataon ay tila may kung anong mabigat na damdaming nararamdaman si Lathan habang naririnig ang pag iyak ni Scylla. Hindi siya dating ganoon. Ang mga tulad niya ay binansagang ruthless and heartless. Mga walang awang humihigop ng enerhiya ng mga tao. Mga walang pusong nagbibigay ng mga masasamang panaginip sa mga mortal. Ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng awa aa kanyang naging mga biktima. Ngunit si Scylla, hindi pa nga niya nagiging biktima ay tila may kung ano nang pinipiga sa loob ng kanyang dibdib habang umiiyak ito.
Sa pakiwari niya, hindi nararapat na umiyak ang isang tulad ni Scylla. Napakaganda nito. Hindi nararapat na lumuha ang taglay nitong magandang mata.
Hindi naman dating issue kay Lathan kung mabuti o masama ang kanyang biktima. Ang mahalaga ay nakakakain siya. Kaya ngayong nararamdaman niya ang aura ng magandang dalaga at pinagtutuunan iyon ng pansin, parang nais niyang magtaka sa sarili. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit masyado siyang naapektuhan ng presensiya at pagtangis ni Scylla? Bakit may malaking bahagi niya ang nagnanais na tulungan ito?
Isang mortal si Scylla, source of food para sa mga tulad niya. Hindi siya dapat nagkakaroon ng pakialam kay Scylla o sa kahahantungan nito.
Kaya lang...
Nakakapunit ng damdamin ang bawat tunog ng hikbi at pananagis ni Scylla. Ang pagbukal ng masaganang luha mula sa kulay mainit ng tsokolate nitong mga mata... Napakaganda ng mga iyon na s kanyang paningin ay hindi nararapat na malunod sa mga luha.
Napabuntong hininga na lang si Lathan, saka nilapitan si Scylla na nasa astral form. Nasa pisikal na katawan siya. Pero dahil isa siyang astral vampire, may kakayahan siyang makita ang mga astral body kahit nasa ganoon siyang anyo.
"Huwag ka nang umiyak. Makakahanap ka rin ng solusyon. Makakabalik ka rin sa katawan mo at bantayan iyon. Protektahan mo laban sa mga masamang elemento."
Huminto sa pag iyak si Scylla. "You mean, demon?" nagtatakang tanong nito.
Tumango si Lathan. "Alam mo naman siguro na dahil kaluluwa ka ngayon, ibig sabihin ay nakatawid ka sa kabilang dimensyon ng mundo. At ang mundo na kinatawiran mo ay binubuo ng mga mapangabib na elemento. May mabubuti, subalit mas marami ang masasama."
"Pero mabuti ka naman, di ba?" pagkumpirma nito.
Napaisip si Lathan. Mabuti nga ba siya? Mabuti bang maiturinh ang nabubuhay sa pakikihati sa enerhiya ng mga tulad ni Scylla? Siguro, mabuti rin silang maituturing dahil inililigtas nila ang mga tao sa higit na masama kaysa sa kanila. Pero hindi niya masabi kung mabuti nga siya. Dahil bali baligtaran man ang mundo, inaagawan pa rin nila ng enerhiya ang mga taong dapat ay tahimik na namumuhaya mundo.
Nagkibit balikat na lang siya. "I'm called a demon too, you know."
Nakita niya ang iba' ibang damdamin sa mga mata ng babae- takot, pangamba, pagtataka. Ngunit mas nangibabaw ang huli.
"I'm Lathan. I'm a vampire."
The lady's jaw dropped. "No." mahinang sambit nito sa namimilog na mga mata, tila ayaw maniwala.
Hindi alam ni Lathan kung ituturing na mabuting bagay iyon. Kung hindi naniniwala si Scylla, hindi ito matatakot sa kanya. Ayaw niya sa ideyang matatakot ito sa kanya dahil...
Dahil ano nga ba?
Dahil gusto niyang makilala pa nang lubos si Scylla. Gusto niya itong makasama at makausap. Hindi niya alam kung bakit. Pero sa tinagal tagal na nila sa mundo bilang mga astral vampire- na sa totoo lang ay may anim na daang taon na rin- ay hindi siya nakaramdam ng ganoong klase ng paghahangad na makasama ang isang astral body.
Hindi kailanman.
Kaya nakapagtataka talaga ang naramdaman niya sa mga sandaling ito.
Gustong tanungin ni Lathan ang sarili kung bakit ganito ang kanyang nararamdaman subalit wala naman siya mahagilap na sagot. Basta isa lang ang sigurado niya: gusto niya ang pakiramdam na natatakot ito sa kanya.
Pero hindi naman niya maililihim ang katotohanan kung anong uri ng nilalang siya. Matatakot si Scylla, oo. Pero mas mabuting alam nito ang totoo. Na ang kaharap nito ay isang parasite, isang bampira.
"Yes... I'm a dreamscape vampire, also known as an astral vampire." pagtagapat ni Lathan. Bahala na kung ano ang isipin ni Scylla. Ang mahalaga, alam nito ang totoo. Besides malilimutan din naman ni Scylla ang natuklasan nito kapag bumalik na ito sa sariling katawan.
Pero mayamaya ay nahimasmasan siya. Ngayon lang ata siya naging tanga sa buong panahon ng existence niya. Bakit hindi niy naisip agad ang bagay na iyon. Malilimutan din siya ni Scylla kapag nakabalik na ito sa katawan, kaya big deal pa ba kung magsabi siya ng totoo o magsinungaling?
"No!" giit pa rin ni Scylla sa nahihindik na reaksyon.
Naalarma si Lathan. Iyon na nga ba ang ayaw niya. Ang makaramdam si Scylla ng takot sa kanya. Hindi niya gusto ang pakiramdam na natatakot ito sa kanya.
Nagkibit balikat na lang siya. Kailangan niyang ipakita na wala sa kanya ang reaksyon ni Scylla. Maybe it will lessen the panic and fright brought on by the thought that she was facing a beast right now.
"Go back to your body and protect it. I need to eat."
Kumilos na si Lathan upang iwan ang nagugulantang na kaluluwa. Hindi niya kayang tignan ng matagal sa ganoong reaksyon si Scylla. Parang biglang bumaba ang kanyang self esteem.
Nah! Kulang lang siya sa pagkain. Maiging kumain muna. Nakakagutom ding makipaglaban sa isang soul sucker, bakit ang mga Avergou pa ang lumitaw sa bansang ito at nakikiagaw sa kanilang pagkain? Ang mga Avergou na siyang pinakamalakas na angkan sa lahat ng mga soul sucker sa mundo! Hindi tuloy sila makakain na sapat dahil malalakas ang kalaban.
To be continued...
YOU ARE READING
Connected
VampireOnce a vampire promised a lifetime, she knew that promise won't be broken. Saan man sila dalhin ng kanilang pag-ibig, basta magkasama sila, wala nang magiging problema.