Chapter 4-Connected

9 2 0
                                    

Natigil sa kung ano anong iniisip si Scylla. Noon lang niya naunawaan kung anong sitwasyon mayroon siya. Isa siyang kaluluwa, pero bakit nakakausap niya ang lalaking ito? Paano nito nagawang makatalon nang gaanong kataas at ganoon kabilis para maabot ang rooftop ng five storey building ng hospital? Maski mag elevator sila ay hindi nila iyon ganoon kabilis mararating.

"S-sino ka? Bakit nakikita mo ako? Bakit nahahawakan mo ako? "

Noon tila nahimasmasan ang lalaki. Dagli siya nitong binitawan at sa nagtatakang anyo ay tinitigan siya. Ilang sandali sa ganoong posisyon nang ang lalaki na mismo ang nagpasyang magbawi ng tingin.

"Bumalik ka na sa katawan mo. Maski kaluluwa ka, hindi ka ligtas sa mga kakaibang nilalang na nagtatago sa dilim. "

Hindi maintindihan ni Scylla ang kausap pero wala siyang pakialam sa sinasabi nito. Nakikita siya nito. Naririning at nahahawakan. Kung gayon, hindi siya hihiwalay rito. Kailangan niya ang lalaking ito dahil sa maraming bagay at katanungan sa kanyang isip. Mga bagay na gusto niyang masolusyunan. At sa puntong iyon, ngayon niya mas kailangan ng kausap.

"Hindi ako makabalik. Tulungan mo ako. Bakit mo ako nakikita? Sino ka? Paano mo nagawa lahat ng iyon? Kaluluwa ka rin ba? Naaksidente ka rin ba tulad ko? Paano tayo babalik sa katawan natin?" sunud sunod na tanong niya nang magtangaka nang tumalikod ang lalaki.

Marahas na bumuntong hininga ito. "Hindi ko rin alam ang sagot sa mga tanong mo. Mabuti pang bantayan mo na lang ang katawan mo bago pa iyon mapakialaman ng iba. Madadagagan pa ang trabaho ko kung pati iyon ay ako pa ang gagawa." At dagli na itong tumalon.

Gilalas na lumapit si Scylla sa railings ng rooftop. Nang tumunghay siya sa ibaba, nakita niya kung paano natalon ng lalaki ng ganoon kadali ang floor by floor ng hospital building hanggang sa mag landing ito sa lupa. Mula naman sa ibaba ay tila may nahagip ang paningin ng lalaki, saka mabilis na tumakbo at lumundag upang habulin ang kakaibang nilalang na kanina ay nakita niyang humahalik sa babaeng nasa parking area ng ospital. Nagpambuno ang dalawa hanggang sa mawala na sa kanyang paningin.

Ang nakakatakot na nilalang na nakita ni Scylla kanina ay tinatawag na soul sucker ng gwapong lalaki na nagdala sa kanya sa rooftop. Hindi niya mauawaan kung paano nito nasabi na soul sucker iyon. Bakit tinutugis nito ang soul sucker? Anong klaseng nilalang nagdala sa kanya sa rooftop, ano ito? Bakit siya binabalaan nang ganoon? At bakit nakikita, nakakausap, at nahahawakan siya ng lalaki kung hindi naman ito kaluluwa?

Bigla niyang naalala ang nangyari sa babaeng kahalikan ng nakakatakot na lalaki... Hindi kaya... totoo? Hinigop nito ang kaluluwa ng babae kaya bumulagta na lang bigla.

Nakaramdam na naman ng kilabot si Scylla. Maski kaluluwa siya ay hindi naman siya nawalan ng damdamin.

Ano na ang gagawin niya? Kailangan niyang makababa.

Mula sa kinaroroon ay pumikit siya nang mariin at naghanda nang tumalon. Gusto niyang malaman kung kaya niya ring tumalon o kung lulutang ba siya, makakalipad, o kung ano pa na pwedeng mangyari. Besides, kaluluwa siya, hindi masasaktan. Pwede niyang subukan kahit gaano pa ka risky.

Tumimo sa kanyang isip ang kagustuhang makalutang. Kaya naman nang magdesisyon na siyang magpatihulog mula sa rooftop ay nagulat na lang siya ng makitang ang sarili na lumulutang sa himpapawid. Nakakalutang siya! Pero paano siya bababa?

Sinubukan niyang kumapit sa mga haligi ng building pero hindi niya maabot. Anong gagawin niya? Magpapalutang lutang lang siya ba roon? Paano kung bigla na lang siyang daklutim ng nakakatakot na soul sucker?

"Isipin mo na unti unti kang bumababa." Isang tinig mula sa madilim na bahagi sa fifth floor ang narinig niya.

"Sino ka?"

"Basta gawin mo na lang kung ayaw mong magpalutang lutang diyan," demanding na saad ng tinig. "Mag concentrate ka."

Ewan ba at naisipan ni Scylla na magtiwala sa tinig. Nag concentrate siya at inisip ag scenario na unti unti siyang bumababa mula sa kinalulutangan sa tapat ng fifth floor ng ospital sa Quezon City
Ilang sandali pa ay naramdaman niyang bumababa na siya. Napangiti siya. Tama ang desisyon niyang magtiwala sa tinig. Tiningala niya ang ikalimang palapag at mula sa madilim na bahagi roon kung saan niya narinig ang tinig ay isang mabilis na bagay ang bumaba malapit sa kanya.

Lumitaw sa harap niya ang napakagwapong mukha ng lalaking nagdala sa kaniya kanina sa rooftop.

"Astral traveler ka, hindi ba?"

"Ha?"

"Nasa astral form ka. Ibig sabihin, astral traveler ka. Ang mga astral, nakikita namin maski hindi kaluluwa. At nakakasama namin kapag nasa astral form din kami."

"Teka, ano ka ba?"

Hindi agad nakapagsalita ang lalaki. Mataman lang siyang tinitignan.

"Hindi naman ako traveler. Wala akong planong maglamyerda na ganito ang sitwasyon ko. Ako nga pala si Scylla, pronounced as Sky-La. Okay? Sky-La. "

"Sky-La" pag uulit ng lalaki. "Ah, whatever, " tila naiinis na sabi nito.

Mabuti na lang pala at hindi niya sinabi kung paano ipronounced ang second name niya. Bakas mas maimbyerna pa ito. Kung gaano kasimple ang pangalan ng kanyang kapatid ay ganoon naman kakomplikado ang sa kanya. Scylla Aeka was pronounced as Sky-la Ey-cuh. Masyadong maarte pero iyon ang trip ng kanyang mga magulang.

"Ano bang ginagaea mo sa labas ng katawan mo? Tsk! Iyan ang problema sa nga astral traveler na hindi sumasampa sa kani kanilang astral plane at kung saan saan pa sumusuot. Alam nyo naman na mapanlinlang ang magandang liwanag ng buwan. Hindi porke maganda ang isang bagay ay wala na itong masamng itintago. Kung minsan, kung alin ang napakaganda, iyon ang maraming ikibukubling masama."

"Ha? Hindi nga sabi ako traveler. "

"Kung hindi, bakit wala ka sa katawan mo? Sana, nanaginip ka na lang ngayon habang natutulog kaysa lumabas ka pa sa pisikal mong katawan." Tila tuluyan nang nayamot sa kanya ang lalaki. Nagmura pa nang mahina.

"Kayong mga astral traveler, dinadagdagan nyo ang trabaho namin. Alam nyo naman na maraming masasamang elementong lumilitaw sa kabila ng mundo nyo. At parati niyong ginagawa ang tumawid. Para ano? Maka experience ng mga kakaibabg bagay? Eh, kung nagpopokus na lang sana kayo sa mga safe na astral plane?" Nagmura na naman ito. "Ginagawa niyo lang pain ang mga sarili ninyo para mas maraming mabiktima ang masasamang nilalang. Hindi ba talaga kayo nag iisip?"

Iritadong iritado na ang lalaki. Pero sa kabila ng iritasyon ay hindi iyon nakabawas maski kaunti sa kakisigan nito.

Ipinilig ni Scylla ang ulo. Nasa mahirap na sitawasyon na nga siya, pero hayun, kung ano ano pa ang kanyang iniisip. At talagang nagawa pa niyang i appreciate ang kagwapuhan nito, ha?

"Naaksidente ako," pagtatapat niya. "Humiwalay ako sa katawan ko. At hindi ko alam kung paano ako babalik."

Tumitig siya sa kaharap na halatang nagulat."Kung alam ko lang sana kung paano babalik, ginawa ko na. Gusto ko na ring bumalik sa katawan ko, pero hindi ko alam kung paano."

Nanatiling tahimik ang lalaki. Dagli niyang inabot ang kamay nito. "Tulungan mo naman ako."

Umawang ang bibig ng lalaki subalit wala namang lumabas maski isang salita.

"Please... "pakiusap pa niya.

Bumuntong hiniga ito. "Ang kaya ko lang gawin ay mag interlope sa mga panaginip nga mga tao at kontrolin ang panaginip nyo. Hanggang doon lang."

Muli na namang naramdaman ni Scylla ang kagustuhang umiyak. Natatakot siya at nalilito. May nakakakit nga sa kanya at nakakausap siya pero hindi naman nito alam kung paano siya tutulungan.

Tuluyan nang kumawala ang kanyang mga luha. At mahinang pag iyak ay nauwi sa hagulhol.

"Hindi pa ako pwedeng mamatay? Paano na ang kuya ko? Malulungkot siya nang husto kapag iniwan ko siya. Baka habambuhay niyang sisihin ang sarili niya kapag hindi na ako nagising pa."


To be continued...

ConnectedWhere stories live. Discover now