Chapter 2-Connected

7 1 0
                                    

Biglang nahimasmasan si Scylla. Noon nagkaroon ng imahe ang lugar na kanina ay tila walang hanggang liwanag lamang at walang ibang naroroon kundi ang kama na kinahihigaan ng kanyang katawa... At siya...

Siya ay kaluluwa na!

Patay na ba siya?

Hindi! Hindi siya pwedeng mamatay!
Lumitaw ang mga nagkakagulong nurse, doctor, at hospital staff para daluhan siya. Dagli siyang napatayo mula sa kama at lumayo sa takot na mabunggo ng mga ito. Kung ano anong tubo ang ikinabit sa kanyang katawan pati na oxygen, siguro para tulungan siyang huminga. Subalit hindi yata ito gumagana. Dahil kung gumagana, sana ay hinigop na siya ng kanyang katawa. Pero hindi. Naroroon pa siya at nakatayo.

Isang tila kulay-pink na tali ang napansin ni Scylla sa kanyang tagiliran na nakakonekta sa ulo ng kanyang pisikal na katawan. Kanina ay malabo iyon sa kanyang paningin pero habang tinititigan ay lumilinaw ang hitsura ng tali.

Makinang ang mahabang linya at binubuo ng tila mahiwagang enerhiya. Samu't sari ang kulay na tulad ng ball of aurae ng isang tao. Aura na tanging ang mga may psychological capacity lamang ang nakakakita.

Pinagmasdan niya ang pinakaloob ng tali. Noon niya napansin na ang mga tila ball of aurae ay binubuo pala ng maliliit na butil na may iba't ibang shades ng partikular na kulay. Tulad ng isang ball of aurae na kulay-asul sa biglang tingin, binubuo iyon ng maliliit na butil ng iba't ibang uri ng kulay na asul.

Mahiwaga ang bawat paggalaw ng mga iyon na tumatapon sa iba't ibang direksyon subalit hindi naman lumalagpas sa mismong pinaka-wall ng linya.

Sinubukan ni Scylla na hawakan ang tali na nag-uugnay sa kanya at sa kanyang pisikal na katawan. Subalit tumagos lang ang kanyang kamay, kasabay tila siya napahawak sa grounded na linya ng kuryente. Dagli niyang binawi ang kamay dahil sa impact niyon sa kanyang buong sistema.

Napakagandang tignan ngunit ano nga ba iyon? Bakit may ganoon siya?

Bigla niyang naalala ang pinag-aralan nila noon sa Psychology. Ang tao raw, kapag humiwalay ang kaluluwa sa katawan ay may nakakonektang linya na nagsisilbing lifeline. It was called silver cord.

Kung ganoon, ito na marahil iyon. Hindi niya kaagad napansin pero ngayon, alam niyang iyon na nga iyon. Kung konektado pa ang kanyang silver cord sa kanyang katawan, ibig sabihin ay buhay pa siya.

May pag-asa pa siya!

Dagling lumapitbsi Scylla sa kama. Humiga siya at iniayos ang sarili sa posisyon ng katawang nakahimlay. Subalit bakit ganoon?

Hindi siya makapasok!

Inire-reject siya ng sariling katawan.

Bakit? Anong nangyayari?

Nagulantang si Scylla nang magkakagulo uli at dumoble ang bilis ng kilos ng mga nasa silid. Bumaba siyang muli ng kama at nalilitong pinapanood ang mga nagkakagulo.

May nagpa-pump sa kanyang dibdib. May nag-aabot ng kung anu-ano sa doktor na nag aasikaso sa kanya. Meron ding naglilinis ng dugo sa kanyang mukha at katawan.

Napahagulhol siya sa matinding panic at takot. Itinakip niya ang dalawang kamay sa bibig at bumubulalas ng iyak.

"No! Hindi pwede! Hindi ako pwedeng mamatay! Please! Buhayin n'yo ako, parang awa n'yo na. Buhayin n'yo ako! Hindi pa akong pwedeng mamatay. Paano ang kuya ko? Malulungkot siya nang husto. Mag-iisa na siya. Kailangan ko pang mabuhay. Iligtas n'yo ako! Diyos ko! Ayoko pa pong mamatay! "

Naghihiyaw si Scylla subalit wala namang nakakarinig sa kanya. Patuloy pa rin sa pagkakagulo ang mga tao sa loob ng emergency room. Sandali pa ay narinig niya ang boses ni Kuya Timothy mula sa labas.

Sumilip siya sa glass panel upang alamin kung ang kapatid niya ang naririnig. Sumusugod ito sa emergency room subalit hindi pinapayagang makapasok. Pinakiuusapan din ito ng mga hospital staff na kumalma.

Subalit sino ang magavawang kumalma sa ganoong sitwasyon?

Napahagulhol na lang uli si Scylla habang ang kapatid ay dalawang kamay na nakahawak sa rectangular glass panel window at umiiyak na sinisilip ang kanyang katawan na nasa loob ng emergency room. Gusto niya itong payapain pero paano?

Tarantang nilapitan niya ang doktor. "Doc, tulungan n'yo po ako. Buhayin n'yo ako, parang awa n'yo na."

Alam niyang hindi siya naririnig pero gusto pa rin niyang magbaka-sakaling maramdaman nito ang kanyang presensiya.

Patuloy sa ginagawa ang doktor, pawisan na pero hindi tumitigil.

Sa isang bahagi ng ospital ay nahagip ng mata ni Scylla ang isang krus na may imahe ni Hesus na nakapako roon. Taimtim na nanalangin siya. Alam niyang walang imposible para sa Diyos.

"Diyos ko, gusto kong itanong kung bakit ako, " lumuluhang sambit niya habang matamabg nakatingin sa krus. "Pero hindi na po mahalaga iyon. Ayoko na pong magtanong kung bakit. Alam ko naman po kasing may dahilan. Ang gusto ko lang pong gawin ay humingi ng tawad sa lahat ng kasalang nagawa ko. Lahat-lahat po. Nakikiusap ako, isa pa pong pagkakataon para mabuhay ako. Isa pa po at magiging mas mabuting tao na ako. Kung kinakailangan kong mag-charity work buong buhay ko, gagawin ko po, wag N'yo lang po muna akong kunin. Kailangan pa po ako ni Kuya. Ayoko siyang iwan na mag-isa. Hindi pa ngayon. Huwag po muna ngayon."

Muling bumaling si Scylla sa glass panel. Nilapitan niya ang kapatid na hilam ang mga mata sa luha. Umakma siyang hahawakan ang glass panel subalit tumagos ang kamay niya roon. Kaluluwa na nga pala siya. Tuluyan na siyang tumagos aa pader upang mas malapitan ang kapatid.

"Kuya... " umiiyak na sambig niya.

"Huwag mo akong iwan, Scylla. Ikaw na lang ang meron ako. Wala na sina Mom at Dad, pati ba naman ikaw, iiwan ako? "puno ng paghihinagpis na sambit ni Kuya Timothy.

"Kasalanan ko ito. Hindi na lang sana kita binilhan ng kotse. Sana ipinagpatuloy ko na lang ang paglalaan ng oras para sunduin at ihatid ka. Sa pagpopokus ko ng oras sa trabaho, pinabayaan na kita. Wala ka sana sa ganitong sitwasyon kung inalagaan kita nang maayos."

Dagling umiling si Scylla. Awang awa siya sa kapatid. No, Kuya! Hindi totoo iyan. Wag mong sisihin ang sarili mo. You're the best Kuya in the world. Hindi ka nagkulang sa akin.

Isinuntok ni Kuya Timothy ang kamaosa konkretong dingding sa emergency room nang maraming ulit, hanggang aa dumugo na ang mga sugpungan ng mga butonsa kamay.

Sinubukang pigilan ni Scylla ang kapatid subalit tumagos lang siya. Hindi niya ito mahawakan. Napaiyak na naman siya. Hindi niya mahawakan ang kapatid at maalo sa pagdadalamhati. Hindi niya maiparamdam ang kanyang simpatya. Hindi niya masabing hindi nito dapat sisihin ang sarili aa nangyari.

"Sir? "

To be continued...

ConnectedWhere stories live. Discover now