Chapter 5-Connected

11 2 0
                                    

Hindi alam ni Lathan kung paano papayapain ang napakagandang babaeng umiiyak sa harap niya. Nakakatakam ang amoy ng enerhiya ng dugo nito ngunit nakakapagtakang nagagawa niyang pigilan ang sarili na tikman man lang ito. Hindi niyamagawang sumimsim kahit kaunti dahil may kung anong pumipigil sa kanya. Sa halip, mas malakas ang pagnanais niyang protektahan si Scylla.

Ano na naman ba ang napasukan niya? Dagdag trabaho na naman ba ito?

Kanina lamang ay hindi niya nagawa ang kanyang trabahong pigilan ang isang soul sucker sa paglamon sa kaluluwa ng bagong biktima. Oo, bampira. At isa rin siyang bampira.

Sa makabagong panahon ngayon, naglabasan na ang iba't ibang uri ng bampira. Hindi na lang popular na immortal vampires ang nagliliwaliw sa kabilang dimensyon ng mundo. Sa katunayan ay naglaho na ang mga ito at nagpanibagong uri.

May tatlong uri ng bampira na ngayo'y nagpapakalat-kalat sa elemental na mundo at nakikigulo na rin sa realidad.

Ang una ay mga sanguine vampire o ang mga sanguinarian. Ang mga ito ay ang maalamat na bloodsuckers, pinakamakapangyarihan at pinakamapanganib na bampira, subalit hindi sa paraan na tulad ng alamat ng mga bampira. Hindi nagliliwaliw sa mundo ang mga sanguinarian para humigop ng dugo ng mga tao. Ang mga bampirang ito ay nag aanyong physical signs ng mga sakit na may kinalaman sa kakulangan ng iron at dugo sa katawan ng tao, na ang tanging gamot ay ang pagsasalin ng dugo sa biktima. Dahil ang dugo ng biktima ay sinisipsip na ng sanguine na nasa loob ng katawan ng biktima. Poryphia ang isang halimbawa ng structure ng mga sanguinarian.

Ang pangalawa ay mga soul sucker, mga bampirang humihigop naman ng kaluluwa ng mga tao; ang uri na garapalan at pisikalan kung kumitil ng buhay. Kapag na establish ng mga ito ang eye contact sa biktima ay wala nang kawala ang biktima. Sa pamamagitan ng nakakarahuyong halik ay magagawang higupin ng soul sucker ang kaluluwa ng biktima. Nag-aanyong kaakit akit ang mga ito o di kaya ay kawangis ng kakilala ng biktima upang mas madaling makakain. Subalit kapag napunan ang pagkauhaw sa kaluluwa ay lalabas ang nakakahindik na anyo ng soul sucker, partikular ang mabalasik na mga pulang mata.

Isa na nga ang nakasagupa ni Lathan kanina. Isang Avergou. Mula sa angkan ng mga Avergou ang nakita niya kanina. Ang mga Avergou ang grupo ng malalakas at makakpangyarihang soul sucker ngayon. At patuloy sa pagpaparami ang Avergou clan. Habang dumadami ang mga ito, dumadami rin ang kakompetensiya nila sa pagkain. Dumadami rin ang mga dapat nilang paslangin. Higit sa lahat, mas tumataas ang posibilidad na maubos ang mga tao.

Ang mga soul sucker ay mahigpit na kakompetensiya ng mga dreamscape o astral vampire na tulad ni Lathan.

Dapat ay walang pakaialaman ang tatlong uri ng bampira na nasa elemental na mundo. Subalit dahil inuubos ng mga soul sucker ang dapat sana'y pagkukunan ng pagkain ng mga astral vampire, wala silang ibang pagpipilian kundi sugpuin ang mga soul sucker.

Kailangan din naman nilang mabuhay. Kung walang taong mananaginip, walang pagkain ang mga astral vampire. Kaya heto si Lathan ngayon, isa sa mga kailangang prumotekta sa mga taong pinupuntirya ng mga soul suckers.

Kung tutuusing silang mga astral vampire na ang masasabing pinakamabuti sa tatlong uri ng mga bampira. Oo nga at nauuhaw rin sila sa dugo ng tao. Subalit hindi sila literal na humihigop ng dugo dahil sa panaginip lamang ng tao sila umiimom ng dugo. Nag i invade sila sa panaginip ng tao at kinokontrol iyon para makakain. Sila ang may kagagawan ng madidilim at nakakatakot na panaginip ng mga tao. Sa paggising ay makakaramdam ang biktima ng pagod at kakulangan ng enerhiya subalit mababawi naman iyon sa pamamagitan ng pang araw araw na healthy living.

Hindi ba makatarungan pa rin naman ang paraan nila ng pagkain?

Tulad ng mga maalamat na bampira, hindi rin nila kayang lumabas at mabilad sa init ng araw. Masusunog ang kanilang mga balat. Kaya sa unaga, natutulog sika at nag aastral travel. Sa gabi, naglalamyerda sila at ginagawa ang misyong pagtugis sa mga soul sucker. But once they saw that coast was clear, bumabalik sila sa pagtulog para makakain.

Ang mga dreamscape o astral vampire ay masasabing may special bond sa mga tao. Sila rin kasi ang mga imahe sa panaginip na nakakalimutan ng mga ito sa paggising.

As for the astral travelers, sa totoo lang walang problema kung nasa astral plane ang mga ito. Mas madali para sa mga astral vampire na kumain kung nasa astral plane ang nga astral traveler; para isang bagsakan na lang. Pero kapag may astral body na nagpapakalat kalat, madali itong mapanganib; madaling mabiktima ng mga soul sucker. Kung nasa astral plane ang isang astral body, hindi iyon mapapkialaman ng mga soul sucker dahil may pumoprotekta sa astral plane. Ang mga astral vampire lang ang may kakayahang sumakay sa astral plane.

At dahil dumarami ang populasyon ng mga taong nagsasagawa ng astral projection na hindi sumakay sa astral plane, dumarami din ang mga prone sa pagiging biktima ng mga soul sucker. Kaya nga ba gustong mayamot ni Lathan sa mga pasaway na astral traveler.


-----------------------------------
Sorry ngayon lang nakapag update. Sobrang busy po kasi this month.

-niknikgandame

ConnectedWhere stories live. Discover now