Chapter 3-Connected

7 1 0
                                    

"Sir? " Isang tinig mula sa kanyang likuran.

Dagling bumaling si Kuya Timothy sa nagsalita. Ito ang doktor na tumitingin sa kanya.

"Kayo po ba ang kamag anak ng pasyente? Si.... " Tumingin ang doktor sa record na hawak ng katabing nurse. "Miss Scylla Aeka Montealto? "

"Yes, Doc. " Padaluhong lumapit sa doktor ang kuya niya. "Kapatid ko po siya. Kuya niya ako. "

Huminga nang malalim ang doktor bago muling bumaling kay Kuya Timothy. "The patient is in comma... "

Parang tumagos na lang sa pandinig ni Scylla ang patuloy na pagpapaliwanag ng doktor ukol sa maintinding head injury na kanyang tinamo sa aksidente. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman. Dapag ba niya ikatuwa iyon dahil may pag-asa pa siya? She was not dead after all. Nasa coma siya, pwede pang magising. May posibilidad pang magising. Pero ano ang pwede niyang gawin para magising ang pisikal niyang katawan? She did not have any clue as to what was going on and what she needed to do.

Sandali pa ay nagsidatingan na ang mga kaibigan nilang magkakapatid na gustong makibalita sa nagyari. Kanya-kanyang pagdadalamhati at pagdamay ang mga ito kay Kuya Timothy.

Hindi kinaya ni Scylla ang eksena, lalo na nang muling umiyak ang kanyang kuya habang nakamasid aa katawan niyang napakaraming nakakabit na tubo at inaayos na para ilipat sa ICU.

Naglakad siya palabas, palayo sa mga naroroon. Hindi niya alam kung saan pupunta o kung ano ang gagawin ngang mga sandaling iyon. Paano na? Paano siya babalik sa kanyang katawan?

"Kawawa naman yung pasyenteng nasa emergency room.Comatose daw eh." naulinigan ni Scylla na sabi ng isang nurse s nurses station na nadaanan niya.

"Oo nga eh. Paanong hindi magiging malala? Yuping yupi ang kotse niya, nakaladka ng rumaragasang delivery truck." tugon naman ng isa pang nurse.

"Tsk! Kung bakit ba kasi may kompanya na nagha-hire ng driver ng hindi ipinapa-drug test. Aba! Positive na nga sa drugs yong driver,lango pa sa alak. Dapat sa mga ganyan, di na nagda-drive."

"Oo nga. Marami tuloy nadadamay na inosente. Teka, kamusta na iyong driver? "

"Ayun, tegi na. Dead on arrival. Hindi na iyong mapapagbayad ng kasalan niya."

"Oo nga no. Kawawa talaga ang biktima."

"Mas kawawa yong kuya. Mukhang mahal na mahal niya yong kapatid niya."

Ngumisi ang kausap. "I-comfort mo. Kailangan niya iyon."

"Ano?! Ikaw talaga, kung anu-anong----"

"Gwapo niya kasi. Kung ayaw mo ako na lang."

Napailing na lang si Scylla. Bakit may mga ganoong tao, sinasamantala ang weak point ng kapwa para lang makapanlandi?

Tuluyan na siyang lumabas ng ospital nang may mamataan na kung ano. Isang mabilis na nilalang ang humahagibis na dumaan sa harap niya. Sa sobrang bilis, hindi niya sigurado kung talaga bang may nakita siyang dumaan. Maski nga ang dalawang lalaki sa isang bahagi sa labas ng ospital ay tila wala namang pumansing dumaan.

Muling naglakad si Scylla nang may maalala. Baka mabanat ng husto ang silver cord niya. Baka may makapatid niyon. Baka maputol! Kapag naputol iyon hindi na siya makakabalik!

Nang lingunin niya ang bahagi na natatandaan niyang kinakabitan ng silver cord ay wala iyon doon.

Bakit wala?

Napatakbo tuloy siya pabalik sa loob. Patay na ba siya? Bakit hindi niya makita ang silver cord niya? Pero kung patay na siya, nagkakagulo na sana sa loob. Pero hindi. Sa katunayan, inilalabas na ang katawan niya sa ER para ilipat sq ICU.

Nagpokus nang maigi si Scylla. Hindi pwedeng mawala ang silver cord niya. Dapat ay nandoon lang iyon. Nang ipokus nga niya ang atensyon sa ulo ng pisikal niyang katawan lumilinaw sa kanyang paningin ang silver cord. Deretsong deretso iyon patungo sa kanyang dibdib. Tumatagos ang silver cord sa mga pader na madadaanan at hindi sumasabit. Para iyong flow of energy na visible pero hindi mo pwedeng hawakan. At na realize niya, nawawala ang silver cord sa kanyang paningin kapag wala roon ang kanyang atensyon. Ibig sabihin, wala siyang dapat ikatakot na maaari iyong maputol o mapatid. Mapuputol lang iyon nang kusa kung...

... Patay na siya.

Muli ay naglakad si Scylla palabas ng ospital upang makapag-isip-isip, nagbabakasakaling may makakausap na kaluluwa ring naglalakad-lakad. Subalit tila naulit ang eksena kanina dahil isang mabilis na nilalang na naman ang dumaan sa harap niya. Sa pagkakataong iyon ay siguradong sigurado na siya dahil malapit na malapit sa kanya ang humagibis na nilalang. Tinalunton nito ang mahabang pathway patungo sa madilim na bahagi sa labas ng ospital. Sinundan niya ang nilalang at napag alamang parking space pala ang madilim na bahaging iyon.

Mula roon ay isang babae ang kumakaway sa kung sino at tila nagpapaalam. Ngiting-ngiti iyon. Bumaling ang babae, marahil ay upang bumalik na sa ospital matapos makapagpaalam sa kung sino nang nilalang bigla itong natigilan matapos makaharap ang nilalang na sinusundan ni Scylla. Madilim doon, nguniy sa sinag ng maliwanag na buwan ay nasisiguro niyang bulto iyon ng isang malaking lalaki.

Lumapit ang nilalang sa babae. Nakatitig lang ang mga ito sa isa't isa at pagkalipas ng ilang sandali ay hinagkan ng lalaki ang babae.

Aalis na lang sana si Scylla dahil pakiramdam niya ay out of place siya sa eksena. Kahit kaluluwa lang siya, kailangan pa rin ng mga ito ang privacy. Subalit nagulat siya ng bigla na lang bumulagta ang babae matapos pakawalan ng lalaki. Lumingon sa gawi niya ang lalaki at noon lang niya napag alaman na hindi ito ordinaryong nilalang. Nanlilisik ang mapupula nitong mata habang nakatitig sa kanya.

Nakaramdam siya ng matinding kilabot.

Nakikita siya ng nakakatakot na nilalang!

Bago pa siya makahuma ay may kung sino na ang dumaklot sa kanya. Sa isanng iglapa ay nakarating na sila sa rooftop ng hospital building.

Sila, dahil dama niya may nakahawak sa kanya.

"Anong ginagawa mo roon? Hindi mo ba alam na mapanganib ang ginawa mo? "

Napatanga si Scylla. Isang lalaking may pangilabot na aura ang natunghayan niya. Hindi niya alam kung bakit samantalang mas disente siyang tignan, taliwas sa kabilang nilalang na nakaharap niya kanina.

Actually, he looked graceful and beautiful. Subalit hindi pa rin maunawaan ni Scylla kung bakit sa kabila ng napakagwapong mukha sa ilalim ng liwanag ng buwan ay makakadama siya ng panganib.

Hindi nakakatakot ang hitsura ng lalaki. Sa katunayan ay nakakatulala pa nga sa kagwapuhan. He had a very pale complexion na kung hindi mamula mula ang mga labi ay iisipin niyang isa itong bangkay sa labis na kaputian. Ang mga mata ng lakaki, bagaman matatalim ay tila nangungusap. At tama bang asul ang kulay ng mg iyon o dinadaya lang siya ng liwanag ng buwan? Masyadong perpekto ang matangos nitong ilong at-----

"Alam mo ba ang ginagawa mo? Ipapain mo ang sarili mo sa soul sucker na iyon! Gusto mo bang matulad sa babae sa parking area? "


To be continued...

ConnectedWhere stories live. Discover now