Chapter 7: First Day of School Part 1

60 0 0
                                    

Katrina's POV

Maaga akong nagising ngayon kasi ngayon ang unang araw ng pasukan.Ngayon, nagluluto ako ng umagahan namin.

"O Trina ang aga mong nagising ah" ate

"Ate ano ka ba?. Ganito naman ang oras ng gising ko sa probinsya eh"

"Hahaha. Oo nga pala"

"Hmm? Ate halika na kakain na tayo". Umupo na kami ni ate para kumain ng umagahan.

"Ang aga nyong nagising ah. First day of school pa naman kaya pwede pang ma late pero mas ok yung hindi haha". Tita

"Haha Tita upo na po kayo. Kain na tayo." Umupo na rin si Tita at sumabay sa pagkain namin. Nauna akong natapos kumain kaya naligo na ako. Dalawa yung banyo dito. Yung isa nasa kwarto nila Tita.

Si Tita ay kapatid ni mama. May asawa na sya kaso nasa ibang bansa, matagal na si Tito doon. 3years na yata, eh hanggang 5 years yung kontrata nya kaya may 2 years pa sya.Hindi naman mahirap sila Tita hindi rin naman mayaman..yung tama lang. Tapos na akong maligo kaya pumunta na ako dun sa kwarto ko. Yes binigyan ako ni Tita ng sariling kwarto. Sabi ko share nalang kami ni Ate pero sabi nya yung bakanteng kwarto nalang daw yung gamitin ko. Dapat sa anak nila tong kwartong 'to kaya lang wala silang anak kaya akin muna daw ito pansamantala hehehe.

"Ate tara na. Sabay na tayo!"

"Saglit lang maaga pa naman eh"
Madadaanan namin yung pinapasukan ni ate kaya may kasabay ako pagpasok kahit hindi hanggang school na papasukan ko.

"Trina eto ang baon mo oh" sabay lagay sa palad ko yung 500 pesos.

"Naku! Tita hindi na po. Meron pa naman po akong natita dito." Ibinalik ko kay Tita yung pera.

"Trina.....kunin mo na eto. Kapag hindi mo ito kinuha magtatampo ako sayo". Inilagay ulit ni Tita yung pera sa palad ko.

"Thank you po Tita". Nginitian nya ako kaya ganun din ang ginawa ko.

"Sandra eto rin ang baon mo oh"
Sabay abot kay ate nung 500 din

"Tita wag na po"

"Sandra naman parang hindi ka na nasanay sa akin. Sige na kunin mo na."

"Thanks po Tita"

"Sya sige . Pumasok na kayo"

"Bye po Tita" kami ni Ate

******************************
"Bye ate"

"Bye Trina. Ingat ka ah"

"Ikaw din ate" bumaba na sya sa jeep kaya ako na mag isa papunta sa school na papasukan ko. Maya maya bumaba na rin ako dahil nasa tapat na ako ng University na papasukan ko.

"Min Ford Academy (MFA)"
Yan yung name nung University na to. Name palang pang mayaman na. Pumasok na ako sa higanteng gate. Pagpasok ko palang napanganga na ako sa ganda.

"Wahhhhhhhhhh!!!". Hala! Anong nangyayari sa mga babaeng estudyante dito?. Kung maka irit at makatakbo wagas. Ano bang meron at ganyan sila?. Pag lingon ko parang may dadaan kasi nakahawi sila. Hindi ko masyadong kita kasi nasa bandang gilid ako kaya lumapit ako para makita ko. Alam nyo na ang bida nyo. May pagka tsismosa hahaha. Nung makalapit ako nakita kong may tatlong lalake na dadaan. Aaminin ko gwapo sila. Trina ano ka ba?!. Kung ano ano sinasabi mo.

"Drake I love you!!!!!" Sigaw nung mga haliparot na babae tsk tsk tsk. Tumigil yung tatlong lalake sa tapat nung isang babae.

"Hey beautiful lady... what's your name?" Sabi nung nasa unahang lalaki kanina.

"I-im Kris"

"Can I ask something?"

"W- what?"

"Pwede bang tumabi ka sa dadaanan namin?. Nakaharang ka eh"

"Wooooooohh!!!. "Sigaw nung mga nasa paligid. Tumabi naman yung babae kanina. Napanganga ako sa sinabi nung mahanging lalaking yun. Kawawa naman yung babae kanina.

The NBSB Meet The PLAYBOYWhere stories live. Discover now