Chapter 10: Patience

68 1 0
                                    

Katrina's POV

"Anak, kamusta ka na dyan?. Kayo ng ate mo?. Ang Tita mo ayos lang ba?. Eh ang pag aaral mo?. Maayos naman ba? Ano anak?"

"Inay hinay hinay lang po. Ang dami nyo pong tanong. Una, ayos lang po ako dito. Pangalawa, ganun din po si ate at tita. Pangatlo, mas lalo ko pa pong pinagbubuti ang pag aaral ko dito. Sa madaling salita po ay maayos na maayos po ang lahat dito. Eh kayo po ni Itay? Kamusta po kayo dyan?. Pinupuntahan po ba kayo dyan in bespren Ella?"

"Anak ayos na ayos lang kami dito ng itay mo. Si Ella ba? Naku!  Araw araw nandito yun. Palagi kaming inaasikaso." Itay

"Eh si Tiya po?kamusta na po sya?" (Yung tinatawag na tiya ni Trina is nanay po ni Ella.)

"Ayos lang din. Palagi rin nandito"

"Hahaha. Mabuti naman po kung ganon"

"Ang ate mo wala pa ba dyan?. Inay

"Mamaya pa pong 5pm ang uwi nya eh"

"O sya sige mamaya nalang ulit kami tatawag kapag nandyan na ate mo" Inay

"Sige po inay. Bye po I love you po sa inyo ni Itay". Pagkatapos ng pag uusap namin ay pumunta na akong kusina at nadatnan ko si Tita na naghahanda na ng hapunan namin.

"Tita tulungan na po kita"

"Sige Trina. Ilapag mo na yung mga pinggan dyan sa lamesa". Ginawa ko yung inuutos ni Tita.

"Hi Trina. Hi Tita" si ate sabay kiss sa cheeks namin ni Tita.

"Sandra buti nandito kana at tayoy kakain na". Pagkatapos naming kumain ay nag prisinta akong ako nalang ang maghuhugas ng mga pinagkainan. Si ate naman nasa kwarto at kausap sila Inay. Pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan ay nagtungo na ako sa kwarto ko at nahiga na.

Yung nangyari kanina. Ano kayang nangyari dun sa lalaking nasa Music Room?. Pati ano bang ibig sabihin ni Kylie na hindi nila kami o sabihin na nating ako titigilan?. Aish makatulog na nga at may pasok pa bukas.

Nagising ako ng 4:30am kaya nagsaing at nagluto na ako ng umagahan namin. Matapos kong ihain ang lahat ay naligo muna ako kasi tulog pa si ate at Tita. Paglabas ko ng kwarto nakita ko si ate na bihis na rin.

"Ang bait naman ng kapatid ko. Naghanda na ng almusal." Ate Sandra

"Eh nasanay na nga kasi ako ng maagang gumising".

"Hahaha. O Tita saan po kayo pupunta?"

"Mag go-grocery lang ako. Wala na kasi tayong mga stocks eh"

"Kain na po tayo".ako
Sabay sabay na kami sa jeep. Naunang bumaba si Tita tapos si ate tapos ako na. Nasa tapat na ako ng Campus ng makita ko si Kylie kaya sabay na kaming pumunta sa room. Pagpasok namin yung mata nila Audrey sinusuri na naman kami. Kung nakakamatay ang titig siguro patay na kami ni Kylie.

"Tara upo na tayo. Huwag mo ng pansinin yang mga yan." Bulong sakin ni Kylie. Pagkaupo naman namin ay biglang dating naman nila Drake ba yun?.

"Hey! Drake!" Audrey

"What's up Auds" bati nya kay Audrey.

"Hi Luke" Lindsey

"Hello Linds"

"Good morning Stephen" Chelsie

"Morning Chelsie" Then umupo na sila sa harapan namin.

"Good morning girls *wink*" Drake

"Tsss *irap*" ako. Hay salamat at dumating na yung prof namin.

"Good morning class I'm Sir Kevin Garcia and I will be your professor this whole sem. Sir Kevin itawag nyo sa akin ah, wag masyadong pormal na pormal tsaka konting taon lang naman ang tanda ko sa inyo hahaha"

"Good morning sir!!!!" Maka sigaw? Ang lalandi talaga ng mga kaklase ko. Napatingin naman ako kay Kylie. Aba't ang luka, nagpapacute kay sir. Pati ba naman sya?. Sabagay hindi ko naman sila masisisi kasi gwapo naman talaga so sir. Parang kaidad lang din namin sya.

"Since this is the first time that I enter this classroom hindi ko pa kayo kilala kaya ngayon ay magpapakilala kayo isa isa here in front. So who wants to be first?"

"Sir meeeee!!" Silang lahat take note LAHAT pwera lang sakin at sa mga boys. Pati yung isang kong kaklaseng bakla. Hahaha.

"Ganito nalang ah.... By row nalang. Did you get me?" Ah ok gets ko.

"Yes sir!" Sila. So ayun nagpakilala na nga. Since nasa hulihan kami. Maya maya pa kami.

"Hello everyone. I'm Audrey Lee. Yun lang. I know naman that all of you already know me. Well even life. Except to you transferee girl" Tumingin muna sya akin sabay irap then naupo na sya. Sumunod naman yung kambap. " Hi. I'm Lindsey Mendoza" sabay irap. "Hi. I'm Chelsie Mendoza" umirap din sya tapos umupo. Favorite nila mang irap. Then ang dami nilang nagpakilala.

"The three boys at the back. Its your turn" Sir

"No need sir!. They know us already" Drake

"Ok fine" Sir. Tumayo na si Kylie kasi sya yung sunod. "Hi guys! I'm Princess Kylie Samonte but you can call me Kylie, that's all". Pagkaupo nya tumayo na ako.

"Hi. I'm Katrina Madrigal. I'm a transferee here."

"Oh. Saan ka nag aral before?" Sir

"Ahm sa probinsya po namin"

"Kaya pala nangangamoy probinsyana dito eh" Audrey. Nagtawanan naman yung mga kaklase kong mahadera. Pigilan nyo ako! Makakatikim sa akin tong babaeng to!. Trina hingang malalim. Mahaba ang pasensya mo kaya wag mo ng patulan.

"Ok Ms Madrigal you may take your sit." Nakakapikon yung babaitang yun ah. Psalamat sya at mahaba ang pasensya ko.

The NBSB Meet The PLAYBOYWhere stories live. Discover now