Chapter 2: Doomed

604 15 1
                                    

Pagkaparada ko pa lang ng sasakyan ay nakita ko na agad ang nakabusangot na mukha ng kaibigan kong si Langit. After PBB stint, I'm glad that we became best of friends. Siya ang kasama ko sa lahat ng struggles ko when I went out in that yellow house. She taught me a lot of things, from ignoring the bashers 101, how to answer interviews, how to look presentable coz obviously that's not my cup of tea at ang pinaka na appreciate ko sa kanya ay pag-alalay niya sakin on how to move on from a certain emotion na bago sakin. Lahat na ata ginawa niya na just to ensure I'm fine and I thanked God for giving her to me. Aside from my squad in Bohol, siya lang ang pinaka-pinagkakatiwalaan ko.

"Hey, lalabas ka jan o sasapukin na kita gamit ang heels ng shoes ko na binili ko pa from Milan?" Ngawa sabay katok ng malakas sa bintana ng sasakyan ko. At dahil di ko na siya pwedeng inisin pa, bumaba na lang ako, supressing the smile na any moment makikita na niya.

"Anong nakakatawa Niña? My gosh, 3 hours mo akong pinaghintay. Yung mga veins sa legs ko nagwewelga na. Di ka man lang nagtext o tumawag man lang. Ang lakas ng loob mong...."

"Paghintayin ang reyna. Ang mga tulad ko dapat pinapriority bla bla bla bla!" Tapos ko sa sasabihin niya.

"See? Kabisado ko na linya mo. Sorry! Alam mo naman ang traffic dito sa pinas." Pagpapaliwanag ko.

"Really? Pinatawagan kita kay Marco para magising ka nang maaga. Maaga Niña, sabi niya nagising ka naman daw so bakit late ka pa din? Litanya ulit nito. At nang marinig ko ang pangalan niya, eto na naman yung weird na pagtibok ng puso ko. Napansin niya siguro ang pananahimik ko kaya nagpaliwanag na din siya sa krimeng ginawa niya.

"Nins, it's not what you think. Busy lang talaga ako kanina kaya siya pinatawag ko sayo. Wala daw siyang number sayo kaya binigay ko na. I am not playing cupid here. In fact mas kailangan ko si Cupid more than you want him you know." saad niya.

"I am not saying anything. Relax!" sagot ko sa kanya.

"Maybe you're not saying it verbally but your eyes shows everything. Nins hindi pa rin ba? Nagsisisi..."

"Let's not talk about it H! Dadating din tayo dun. For now, can we go inside?I'm sure Teacher G is waiting." Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sakin papasok.

Pagdating namin sa loob nag-wawarm up na sila. Ako na nga lang ata ang hinihintay. Andun na lahat ng ka batch ko sa PBB. When they noticed me, lumapit agad sila sakin.

"Hi Viv, sup?" Bati sakin ni Aiza

"Hanep, ang sexy ng datingan natin." Puna naman ni Christian sa suot ko. I'm wearing a long waist pants and crop top na pinaresan ko ng converse shoes.

"Hi Viv, miss me?" Sabad ng isang pamilyar na boses sa likod ko. And as if on cue, paglingon ko yakap ang sumalubong sakin. Edward bulong ko.

" Ed! gosh I missed you" sagot ko.

"Niña kung mahal mo pa buhay mo tanggal tanggalin mo na yang kamay mo. Matutuluyan ka na talaga sakin." reklamo ni Langit. Selosa talaga.

"Don't listen to her." Pang-aasar naman ni Edward sa kanya.

"Ganun pala ah! Marco, tara labas tayo!" Aya nito sa lalaking tahimik lang na nakaupo at nakatingin sa direksiyon namin. Damn! Those eyes!

" Nah! I'm busy!" tanggi nito kay langit.

Bago ko pa marinig ang mga hirit ni Langit, nilapitan ko na ang mga iba ko pang ka batch. I missed them so much. Kung hindi pa magkakaroon ng reunion concert di pa kami magkikita kita. Pero bago pa man ako makapagsalita, inutusan na kami ni Teacher G na pumunta sa kanya kanyang pwesto. Kakantahin namin ang mga kantang ako mismo ang may likha. Una naming aawitin ang "kaya pa" kasunod naman ang "fly". At dahil ako nga ang may mas alam sa kanta, ako ang nasa unahan, kahilera si Ate Maymay, Fenech, Langit at Aizan.

Nang natapos ang rehearsals namin nagpaalam na din yung iba na umalis dahil may kanya kanya pa silang gigs. Kaming apat nalang nila Edward, Marco at Langit ang natira sa studio. At sa totoo lang sobrang awkward na. Di ko man nakikita pero ramdam ko na may nakatingin sakin.

" Langit mauna na ako sa inyo. May lakad pa ako." paalam ko sa kaniya.

"Saan ka pupunta? Sabi ni Tita wala la ka nang lakad after rehearsal." usisa ng kaibigan kong may machine gun ang bunganga.

"Meron. Nakalimutan lang ni Mama. Bye, see you tomorrow night." paalam ko sa kanilang tatlo.

"Hatid na kita." Sabay na alok ng dalawang kasama pa namin.

Dahil nagulat ako, nakatunganga lang ako sa kanilang dalawa.

"Edward, tuturuan pa kita ng steps. Si Marco na lang." suhestiyon ni Langit

"No! It's okay. I can manage. Bye!" then I headed towards the door.

Bago ko pa man mahawakan ang door knob may nagbukas na nito para sa akin. Isang taong di ko na kailangang lingunin dahil sa amoy ng pabango pa lang kilala ko na kung sino.

"Ihahatid na kita sa pupuntahan mo." he offered.

"I do appreciate your offer but no. Kaya ko na. Thanks anyway." tanggi ko ulit sa makulit na nilalang na ito.

"Captain..."

"Vivoree. Vivoree for you Marco. That's my name not Captain." putol ko agad sa gusto niyang sabihin.

"No, I will still call you captain. Can we talk?" he begged

"Sorry but as you can see I'm busy." sabay talikod ko sa kanya. Pero dahil sa hindi pala talaga nabawasan ang kakulitan nito hinila niya ang hoodie ni Edward na suot suot ko ngayon. Brutal pa din pala tong isang to!

" Please? Just talk to me Captain!"

"Sorry! Please let me go!" tugon ko sa pakiusap niya.

"Okay! I will let you go this time. Pero sa susunod nating pagkikita sisigiraduhin kong mag-uusap na tayo." saad niya

"No Marco. Walang dapat pag-usapan. Ingatan mo ang kung ano ang meron ka ngayon. Ang dami mo nang isinakripisyo jan ng walang pag-aalinlangan, ngayon ka pa ba gagawa ng bagay na ikakasira mo? Alalahanin mo si Kisses at ang fans niyo. Ayaw kong masabit sa istorya niyo. Now, if you'll excuse me may lakad pa ako." sabay talikod ko sa kanya. Akala ko naiintindihan na niya pero kailangan ko pa atang ipokpok sa ulo niya ang mga sinabi ko.

"Hahayaan kitang lumayo sa ngayon. Tumakbo ka man palayo sa akin, sisiguraduhin kong sa akin kakampi ang tadhana at dadalhin ka niya papunta sa akin. Pakiusap, wag kang gumawa ng dahilan para magwala ako. Hubarin mo na yang suot mong jacket. Gamit ko lang ang pwede mong gamitin Captain. Gamit ko lang." mahabang litanya nito

What the hell! Anong pinagsasabi ng hinayupak na yon sa kin? Anong karapatan niyang pagbawalan ako? At anong meron na naman sa lecheng puso ko at dinaig pa ang drum sa kalabog? Dahil nabanas na naman ako, di ko napigilan ang sarili kong lingunin siya na dapat di ko na lang pala ginawa dahil ang damuho yumakap agad ng walang pakundangan.

"Just this once. I miss you so much Captain." anas nito sa akin.

Now, ano itong napasukan ko? Iiwas diba? Iiwas!

Really! I'm doomed! Big time!

Author's Note:

I'm doomed too.

Memories After AllWhere stories live. Discover now