Vivoree's P.O.V.
Hindi pa rin ako makahuma sa sinabi niya. I can't help but smile a lil' bit because of what he said. Here goes my stupid heart again, kahit pala anong gawin kong pagtatago, lalabas at lalabas pa rin ang totoo. Katotohanang ako lang dapat ang makaalam at makaramdam dahil alam kong gulo ang magiging dulot kapag ito kanilang nalaman. Gusto ko nang bumigay sa mga panunuyo niya pero may pumipigil pa rin sa akin na gawin iyon.
Kisses Delavin
Pangalan pa lang ang hirap nang labanan at pantayan. Isang taong ang hirap saktan hindi dahil isa siyang prinsesa na gwardiyado ng milyong milyong kawal o dahil nakatira sa kastilyong tinitingala ko lamang kundi dahil sa busilak niyang kalooban.
Gusto kong sumaya at aminin kay Gallo ang nararamdaman ko pero paano ko gagawin yun? Ayokong maging masaya habang may nasasaktan akong iba. Ayokong tanggapin ang ibinibigay niya kung alam kung may kaibigan akong magdurusa. Naniniwala akong kung makakapaghintay siya may future kaming dalawa.
Ang korni ko na. 😂
Marco's P.O.V.
Pagkalabas ko sa unit niya pinuntahan ko kaagad ang isang taong alam kong makakatulong sakin sa pagbabantay sa kanya. Call it weird but I don't care anymore. Kung pwede ko lang siyang bantayan o kaya ay makasama 24/7 matagal ko nang ginawa, if only she'd let me. However, knowing the stubborness of that girl alam kong imposible mangyari yun. So, in my own creepy way i'll gonna the help of this sick person in front of me.
"Anong masamang hangin ang umihip sa'yo at nakipagkita ka sakin?" nakataas-kilay niyang tanong sa akin.
"Whaaat? Will you at least use a formal language?" sagot ko sa tanong niyang ewan. She's will informed about me having a difficulty in speaking their language pero ginagamitan niya pa din ako ng mga alien na mga salita.
"Ang sabi ko, bakit mo ako gustong makausap?" maarte niyang sagot.
"I just want to ask a favor..."
"Wala akong pera. Mas marami kang raket bakit sa akin ka mangungutang?" pagputol niya sa sinasabi ko.
"NO! Not that.." apela ko
"Then what? Wag mo sabihing gagawin mo akong babysitter dun sa hilaw na manequin mong loveteam?" putol niya ulit sa sasabihin ko.
Urrgh! This woman! Magkaibigan nga kayo.
"No. I mean, yes you'll babysit..." and for the nth time...hindi na naman niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
"You wanna die? Wait, let me rephrase it. Gusto mo akong makita na nakakulong dahil may nabugbog akong isang babaeng ubod ng kati at landi?...." eksaherada niyang saad.
"Noooo! For heaven's sake, Langit. Will you stop and lemme finish?" putol ko sa kanya habang pinipilipit ko ang bibig niya kaya napilitan siyang tumango bilang tugon niya sakin.
"Can I say it now without you interrupting me?" tumango siya ulit.
"It's true that you'll babysit someone pero hindi si Kisses yun. It will be impossible because she'll be with me for one week..."
"Hinayupak ka! So, magtataksil ka na naman sa kaibigan ko?" paratang niya sa akin.
"No, it's pure work. May shows kami abroad so I want you to be with my Vivoree while I'm away." I plead.
"Makaangkin ka, bakit? Kayo ba?"
Awww! Savage!
Daaaamn this girl! Bakit siya pa ang nilapitan ko para hingan ng tulong?
"Hindi pa kami pero alam kong sa akin ang bagsak niya." I confidently answered.
"As if naman mangyayari yan. Sa higpit ng renda sayo ni Halik plus mga lalaking nagpaparamdam sa kaibigan ko..parang malabo brad!"
"That's why I need your help."
"Ano namang maitutulong ko aber? Bakuran ang sabi mong sayo?"
"If necessary, yes! Kung pwedeng lahat pagbawalan mo na lapitan siya, the better."
"What if ayoko?"
"You will, I'm certain."
"Marco, naiintindihan ko na takot kang maagaw si Baybori sayo pero sa tingin mo magugustuhan niya kung sakaling gawin ko ang favor mo na yan?" seryoso niyang tanong sakin.
"You'll do it secretly."
"Aba'y desperado ka na bay! Ganyan na talaga epekto ng kaibigan ko sayo? Dahil kung oo, tatapatin na kita. Hindi mo siya makukuha sa ganyang mga estilo. She's smart. Malalaman at malalaman niya and besides you're being unfair to her."
"How? When everything that I do s for her." kunot-noo kong tanong sa kanya.
"You're being unfair dahil gusto mong limitahan ang mga taong nakakasalamuha niya samantalang ikaw, tuloy diyan sa pag arte mong may gusto ka kay Halik. Gusto mo siyang makuha ulit pero hindi ka gumagawa ng paraan para kusa siyang mapalapit sayo ulit. Yes, you're doing everything just to have her back which I'm glad pero ayoko ng paraan. Selfishness, that's being selfish incase you haven't notice." mahaba niyang litanya sakin.
"No, I just wanna make sure na hindi siya mapupunta sa maling tao." mariing depensa ko sa kanya.
"What makes you different? Ikaw ba ang tamang tao for her? Because the way I see it hindi ikaw yung tamang tao para sa kaibigan ko ngayon. My friend deserves everything. Sa ngayon, hindi ikaw ang taong nakikita ko na makakapagbigay nun sa kanya. See you around when you get back." sabay tayo at alis sa loob ng restaurant na kinaroroonan namin.
Daaaamn! What made me think that I can convince her?
Heaven's P.O.V.
The nerve of that guy. What made him think na mapapayag niya ako? Well, sorry nalang siya nasa iba na ang loyalty ko.
"Heaven?"
At dahil abala siya sa pagmumuni muni ng napag-usapan nila ng kaibigan niyang baliw na ata, hindi niya napansin ang lalaking kanina pa kumakaway at tinatawag ang pangalan niya. Hanggang sa ang lalaki na mismo ang lumapit at tinapik ang kanyang pisngi.
Nagulat ang dalaga kaya't inis niyang binalingan ang taong may gawa nun. At kung sinuswerte ka nga naman kalahi pa ng prinsipe niyong baliw ang nakita ko.
"Anong problema mo?" masungit kong tanong sa kanya kahit na ang totoo gusto nang magtatalon ng mga paa ko.
Calm down! Wag magpapahalata. Act like you are not excited to see him.
"Are you okay? You seemed bothered and pissed." sagot pa ng damuho.
"Eh ano naman?" pagsusungit ko ulit sa kanya.
"Hey! Chill. I don't want to have a fight with you." nakangiti niyang saad.
Bwiset na ngiti yan! Pa fall!
"Yun naman pala bakit ba napaka pakialamero mo ngayon? The last time I checked, busy ka doon kay Maymay mo."
"I'm not. I am just asking."
"Nasagot ko na ang tanong mo. Now, pwede na ba akong makaalis? Puntahan mo na yung kaibigan mong may saltik na naman." pagtataboy ko sa kanya.
"Okay! Drive safely." pagpapaalala niya bago pumasok sa restaurant na pinasukan ko.
Takte lang talaga ang lalaking yun. Ngiti pa lang wagi na ako...
Bago pa ako tuluyang mabaliw gaya ng prinsipe niyo, pumasok na ako sa loob ng sasakyan ko at tinawagan ko ang taong kanina lang ay paksa namin ni Gallo.
"Hello, maghanda ka ng makakain natin diyan sa unit mo dahil marami tayong pag-uusapan. Wag ka nang magtanong. Bye!"
Tingnan naman natin ngayon ang reaksiyon ng prinsesa niyo.
KIT's:
Helloooooo! It's beeeeeeeeen 123356 months, chaaaar! How are you guys? Sorry for this very laaaaaaaate update. Busy lang talaga.😘😘😘
Enjoy this short update.
Hope you'll like it.Again, this is unedited so wag mag expect ng bongga.
Love you all 😍😘