Chapter 3: Those Eyes

504 18 8
                                    

"Ehem...Ed, can you buy me a medicine later? Ang kati ng lalamunan ko eh." Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses ipis na yun. Agad akong kumalas sa pagkakayakap ni Marco sa akin at lumayo bigla.

"Oh bes, akala ko ba may lakad ka pa? Bakit may yakapan session na nangyayari? Di mo naman ako na-inform na okay na pala kayo. Eh di sana nakapag- prepare ako ng party with a theme "Marvoree-tampuhan-nauwi sa pagmamahalan este pagyayakapan theme" oh diba? Kinabog pa ang KathNiel sa ka sweetan...hmmmmp" litanya na naman ng magaling kong kaibigan, buti nalang katabi niya si Penguin at napasakan ng tinapay ang bibig niya dahil kung hindi ako na mismo magtatahi ng bunganga niya. Di marunong makaramdam eh. Bakit ko nga ba naging kaibigan to?

"Stop na H! Look at them oh! Kain ba sila kaymaytes? Panggagatong naman ng isang tao na akala ko magsasalba sa akin sa awkward situation na ito. Kung minamalas ka nga naman.

"We were just talking..and I'm about to leave..so yeah!" Utal kong paliwanag sa kanila.

"Yeah! You're about to leave na nga. So goodbye hug yun. It's okay, I perfectly understand everything. You missed each other that's why there's that yakapan thingy." Pang-aasar na naman ni Langit. At nang mapatingin ako sa gawi ng letseng si Marco..nakatingin lang din siya sakin na parang aliw na aliw pa sa nangyayari. Like seriously? We are obviously grilled by these two monkeys in front of us tapos ngingiti-ngiti lang siya? Malala na din tong isang to eh.

"I'll go ahead." Paalam ko ulit sa kanila.

"Sure na ba yan? You can have your last hug guys. Don't mind us." Hirit ulit ng kaibigan kong konti nalang ipapasok ko na sa mental.

" Shut up Langit. Ed painumin mo na ng gamot yan. Lumalala na eh." Sabi ko nalang sabay sakay sa kotse ko at nag drive palayo. Palayo sa lugar na yun..palayo sa taong gumugulo na naman sa sistema ko, di pa man umabot sa ng isang araw ang pagkikita naming muli.

Dahil wala naman talaga akong pupuntahan, dumaan nalang ako sa malapit na supermarket sa condo para makapamili ng stocks. Isang bagay na natutunan ko sa bahay ni Kuya ay ang pagluluto. At ang masaklap dun, siya ang dahilan kung bakit ako natuto. Siya ang nagtiyaga saking magturo because obviously, I sucked at cooking before. Well, at least may naidulot din siyang mabuti sakin. Not bad at all!

Pagkapasok ko sa supermarket may mga nakapansin na agad sa akin. Isang pagbabago na unti-unti ko nang nakasanayan. Dati, I can do whatever I want. Sumakay sa push cart, maglaro ng habulan gahasa with my squad o di kaya ay ang mang-prank. Now, I can't even hold the push cart the way I did before, lahat nagbago. Dati walang pakialam ang mga tao sakin. Ngayon, ang daming matang nakasunod sa akin, yung iba lumalapit to asked for an autograph or selfie, pero ang iba naghihintay lang kung kelan ako magkakamali. Well, bashers will always be bashers. Sanayan na lang talaga. That's the price of being an artist. Pinili ko to, so I have to dwell on this.

After kong makapamili, pumila na agad ako sa counter and then I heard someone whispering..no scratch that..talking at my back. Di ako tsismosa, ang lakas lang talaga ng boses nila. Nakalunok ata ng megaphone at wala silang pampaopera kaya hinayaan na lang.

"That's Vivoree right?"

"Yeah, that's her!"

"I thought she's pretty in person, di naman pala. Mapagkakamalan nga siyang Ate ni Marco. Buti nalang talaga lumubog ang barko nila."

"Walang wala siya sa ganda ni Queen. Buti kamo hindi siya ang pinili ni Marco!"

Napailing nalang ako sa narinig. Being cool about any bad situation is the coolest thing you can do. I will never stoop down on your level b*tches.

Memories After AllWhere stories live. Discover now