Chapter 6: Not Now! Not Yet!

400 19 3
                                    

Pagkatapos ng reunion concert, kanya kanya na din kaming lahat sa pag-aasikaso ng mga gamit namin para makauwi. Minadali ko na ang pagliligpit dahil di ko pa alam kung ihahatid ako ni Morones o magtataxi nalang ako pauwi. Ngayon tuloy ako nagsisi kung bakit sumabay pa ako sa kanya.

"Going home now?"

Natigilan ako sa ginagawa ko dahil sa tanong ng taong iyon. Agad ko siyang nilingon at inirapan.

"Nope. I'm gonna sleep here until tomorrow." sarkastiko kong sagot baka sakaling tigilan na niya ang kakalapit sa akin.

"Really? Is that even a joke?" saad naman ng unggoy na to.

"Joke yun kung matatawa ka." ani ko naman sa kanya sabay talikod para ipagpatuloy ang naudlot kong pagliligpit dahil sa paglapit niya.

"Look, I'm sorry for what happened. I mean, the issue between us because of that freaking picture. I really am sorry. I hope you're not mad at me." patuloy niyang kausap sakin.

"It's no big deal. I'm used to it. Now, if you don't mind, I'm packing my things here and I don't want another issue. Be with Ate Kisses so your fans won't bother me." prangka ko nang sagot sa kanya. Ayaw kong maging rude or mean pero I have no choice. Ayaw ko nang ma-stress sa mga KM fans na konting lapit lang ata ng lalaking ito, ipapabaril na ako sa luneta.

"You're mad at me." A statement not a question. Am I?

I was about to answer him when we heard a loud shrieking from the door. Agad akong nag-panic kaya naitulak ko siya bago pa kami makita ng mga fans nila Ate Kisses. Good thing na nasa gilid kami at  natakpan kami ng iba pa naming mga kasamahan dito sa dressing room.

"Just please, don't go near me. Be with her all the time. I want a peaceful career Gallo." pakiusap ko sa kanya.

"Panggulo nalang ba ang papel ko sa buhay mo ngayon Esclito? You don't have to shove me away just like that. Babalikan ko siya pero hindi dahil gusto ko kundi dahil yun ang gusto nilang makita. Pero ikaw, babalikan kita dahil ikaw ang gusto kong makasama sa likod ng mga camera. Iiwanan kita ngayon pero sisiguraduhin kong mag-uusap tayo ng masinsinan sa susunod nating pagkikita at sisiguraduhin kong hindi mo na ako maitataboy. Take care Captain." I heard him sighed after saying it and walked away from me.

Shit!

Napalingon ako sa paligid at siniguradong walang nakarinig sa sinabi niya. Dinaig ko pa ang kabit na takot mahuli ng legal na asawa. Seriously? Wala akong ginagawa and yet I am acting like we have a secret affair! Heto na naman ako sa pakiramdam na ito. Wala akong ginagawang masama and yet takot akong may makakita sa aming dalawa. Ako ba ang nang-agaw o umalis ng walang paalam? Ako ba ang nang-iwan sa ere?
Shocks! Stress diba?

I wanna show the world that I am not the antagonist here because truth to be told, no one has the right to call me one. I am not a Princess neither a witch.

"I heard everything!"

"What the hell Langit?" gulat kong saad sa kanya. Mag-bestfriend nga sila, ang hilig manggulat at mang-istorbo. Di ako matapos tapos sa ginagawa ko dahil sa pagsulpot nila. Di ko man lang naramdaman. May lahing kabute ata to eh.

"Sorry naman. Bakit magugulatin ka na lately? Nagkita lang kayo ganyan ka na?" saad niya habang tumatawa. Ang galing talaga ng timing neto mang-inis eh.

"Busy lang ako. Di mo ba nakikita? Busy ako kakaligpit ng mga gamit ko kaya nagulat ako." paliwanag ko sa kanya.

"Busy ka ba talaga sa ginagawa mo o iniisip mo yung sinabi niya sayo?  Yung totoo Maria Niña?" Grabe talaga ang babaeng to. Kung hindi lang sa ganda at kutis niya, pwede ko na siyang ihilera sa mga chismosa naming kapitbahay sa Bohol dati.

"Langit, quit it. Not here please!" pakiusap ko sa kanya.

"If I were you, I will talk to him and settle everything once and for all. Mas mahirap yang ginagawa mo. Para kayong naglalaro ng habulan o hide and seek. I heard what he said, he seemed sincere. Give him a chance." payo na naman niya sakin. Minsan talaga mas nararamdaman kong mas kaibigan niya pa din si Gallo kesa sakin eh. Spoke person niya ata ang babaeng to.

"Walang dapat i-settle Langit." Pang-didismiss ko sa rants niya. Pero Langit will be Langit..di talaga nagpapatalo.

"Bes, di na uso yang mga galawan mong ganyan. Kaya nga siguro nagkalayo ang landas niyo dahil jan sa ugali mong yan eh. Kung mahal mo ipaglaban mo..narinig ko yan kahapon sa pinanood ko eh. Napaka korni pero may sense." pagpapatuloy niya.

"Sinong nagsabing mahal ko siya?" gulat kong tanong. Imbento din tong bruhang to eh.

"Di ka naman maaapektohan kung wala ka nang nararamdaman sa kanya. Kaakibat ng sakit ang pagmamahal. Bawat patak ng luha katumbas ay pusong lumalaban. Naaapektohan tayo because unconsciously we are afraid na baka mawala na sila ng tuluyan sa atin. Alam ko namang nakakagago ang ginawa niya sayo dati pero wala naman kasing perpektong tao diba? Lahat tayo nagkakamali minsan sa mga desisyon natin but don't forget that in every mistake kapalit niyan ay ang pagkatoto. Nagkamali na siya dati and I'm sure kaya siya bumabalik kasi may natutunan na siya sa pagkakamali niyang yun. Ang swerte mo pa nga kasi binalikan ka..ibig sabihin nun, mas matimbang ka. Mas mahalaga ka kaysa sa naunang pinili niya." ani Langit

"I don't know what to say." sa haba ng sinabi niya wala akong maisip isagot.

"If I were you, matutuwa ako, kasi finally, nakita na niya ang pinagkaiba ko sa lahat. That I am special and unique. I wanna be you sa totoo lang, pero that's quite impossible..I'm way pretty and sexy than you. Swerte ka lang kasi badly smitten si Gallo sayo pero hanggang dun lang yun." pang-aasar na naman niya. Baliw talaga.

"Shut up Langit." I replied at tumawa lang ng tumawa ang bruha.

"Kidding aside, naiinggit ako sayo bes. Andiyan si Gallo na nag-uumpisa nang mag-exert ng effort makausap ka lang, eh ako? Ayun, hanggang friendzone lang ata ako." malungkot niyang saad. Bipolar na ata to eh.

"Wag ka nang mag-drama pwede? Di bagay sayo. Hatid mo nalang kaya ako sa bahay nang matuwa ako sayo." ani ko.

"OMG! Gagawin mo akong driver? Ano ka chics? Pahatid ka kay Gallo. For sure, iiwan agad non si Halik."nakairap niya pang sabi. May bubog pa din talaga to kay Ate Kisses.

"Ayokong ma-issue." I simply replied.

"Whatever! Tara na nga. Pero may kapalit to ah." sabi na nga ba eh.

"Deal."

"Sure?"

"Oo nga! Ang kulit."

"Tell Ed to have a date with me tomorrow. Whole day."

"Sure....wait...whaaaat? No! Iba nalang. Ayaw kung kausapin yun sa mga ganyan. He's grumpy this past few days." Tutol ko.

"Oh eh di mag taxi ka nalang. Di naman ako mamimilit." sagot niya.

"Shocks! For real? Di ba pwedeng iba nalang?" tanong ko sa kanya.

"Take it or leave it?" Walang kwenta niyang sagot sakin.

"Okay, fine. Let's go." pagpayag ko.

"I love you na ng sagad Bayboriiii! Tara na! I should sleep early today para fresh ako tomorrow. Biliiiis!" at kinaladkad niya ako palabas ng pinto. Iba na talaga ang tama ng babaeng ito sa kaibigan kong palaging may PMS.

Bago kami makalabas ng dressing room , pinasadahan ko muna ng tingin ang kabuuan neto hanggang sa magtama ang mata naming dalawa. I can't stare at him that much dahil sa intense din ng pagtitig niya. I decided to follow Heaven and ignored his smile. A smile that gave me creeps.

Soon Gallo. Makakapag-usap din tayo. Not now! Not yet!

KIT's:
Sorry kung ngayon lang nakapag-update. Sobrang busy lang sa school. Marami pa pong typos and grammatical errors to since sa phone ko lang po ako nag-uupdate pero promise ko sa inyo, after moving up, mag-eedit na ako. For now, pagtiyagaan niyo muna. Thank you sa mga nagbasa at magbabasa pa lang. Please know na sobrang naaappreciate ko lahat ng messages niyo. Enjoy reading y'all! God bless! :)

Memories After AllWhere stories live. Discover now