Vivoree woke up with the sound of a phone ringing. She tried not to mind it but obviously the caller won't accept any declination from her. Bumalikwas siya sa kama at handa nang sigawan ang sino mang nang-istorbo sa kanya."Fey naman, alam mo namang puyat ako kagabi kaka rehearse ng prod ko diba? Wag kang istorbo pwede?" bungad niya agad sa kausap nang hindi man lang tinitingnan ang phone.
"I'm sorry for waking you up but Heaven asked me to call you. May emergency rehearsal daw tayo sa ABS." saad ng baritonong boses sa kabilang linya.
Biglang nagising ang diwa niya ng marinig ang boses ng taong matagal na niyang di nakakausap, mapa telepono man o personal. Marco! Sino ang nagbigay ng number ko sa demonyong nilalang na ito?
"Who's this?" patay malisyang tanong niya sa kausap.
"Viv, this is Marco." Saad naman neto sa mas mababang boses.
"Oh Marco, pakisabi kay Langit na kagigising ko lang. Give me an hour and I'll be there. Thank you. Thanks for calling" may pagmamadali niyang tugon.
"Viv.."
"Bye na. Salamat ulit" putol niya sa sasabihin nito. Agad niya itong binabaan ng telepono.
After she ended the call. Tinungo niya ang kusina at nagtimpla ng kape. While sipping it, pumunta siya sa kanilang veranda at pinagmasdan ang maaliwalas na langit. Naalala niya na naman ang call encounter niya sa taong yun.
All of a sudden, all the memories that she had with that guy came rushing to her mind. Ano kaya ang nangyari kung siya ang unang lumabas sa dilaw na bahay? May mababago kaya? O nakatadhana talagang mangyari ang lahat? Kung siya ba ang naunang lumabas, nagkaroon kaya ng mas malalim na KAMI? o mas nabigyan ko ang tadhana ng pagkakataon na mas paglaruan ang damdamin naming dalawa? Kung naging marami ba ang supporters ko dati mas pipiliin kaya ako ng management o nakatadhana na talaga silang dalawa at ako lang ang dakilang extra?
Madaming SANA ang naghihintay ng katuparan at BAKIT na naghihintay ng kasagutan. Pero sa loob ng dalawang taon, ni isa wala akong napala. Dalawang taon na nabuhay sa pag-aakalang baka pagsubok lang yun na kailangan naming lagpasang dalawa. Pagsubok na titibay sa kung ano ang meron kami sa loob ng dilaw na bahay. Ngunit subalit datapwat, doon nagtapos ang isang kwentong wala pang climax at denouement pinutol na ng malupit na tadhana.
Paano nga ba magpapatuloy kung isa lang ang lumalaban? Paano ipagpapatuloy kong siya mismo sumuko na. Paano ipaglalaban kung binitawan ka na? Puro nalang ba pagbabakasakali? Kailan magkakaroon ng sagot at kailan ako magpapatawad? Ngayon? Bukas?
Ang isang siguradong sagot sa isang libong duda?
Not now. Not now Marco!