Zaytro's POV:
Nandito ako sa labas ng ospital, nagyoyosi. Nasa OR kasi ngayon si axis ayaw ko namang maupo lang at magdasal, nabalian lang yun. Tsk!
Itatapon ko na sana ang yosi ko ng may mapansin akong babaeng kakalabas lang galing sa loob ng ospital at mukhang bangag ata o talagang zombie lang siya kong maglakad.
Hindi ko nalang siya pinansin at tinapakan na ang yosi ko, mapuntahan na nga lang si axis baka tapos na ang operasyon nun.
Pero bago ako makapasok sa loob ay nilingon ko yung babae at..
"Shit!" Napamura nalang ako ng mabundol siya at tumilapon, mabilis namang tumakbo ang tang inang kotse na yun.
Nagmadali akong tumakbo sa kanya at chineck kong humihinga pa ba."Buhay ka pa." Nakita ko namang may mga medic na papalapit, ayoko namang galawin yan no, baka ako pa ang makapatay dyan.
Busy ang mga medic kaya aalis na ako dahil masyado na akong nagtatagal dito.
"Sir? Kilala nyo ba ang pasyente?" Napalingon ako sa medic nato.
"Sa tingin mo ba iiwan ko siya kung kilala ko? Ano ba! Inaaksaya mo oras ko." Tinalikuran ko na siya at mabilis na naglakad.
********
"Dude! Okay na ba ang paa natin? Pahawak naman!" Nasa kwarto ako ngayon ni axis at kasama ko ang mga gago.
"Tumigil ka nga morris pag ako gumaling tatadyakan ko talaga yang mukha mo!" Nakahiga lang si axis at walang magawa sa likot ng kamay nitong morris na to na paulit-ulit na hinahawakan ang naka cast na paa ni axis.
"Tatamaan ka talaga sakin!" Pagbabanta ulit ni axis pero Tumawa lang ang gago.
"Alam niyo mga tol, tingin ko may bagong dating na misyon." Sabi ni knox na titig na titig sa cellphone niya.
"Exciting yan, pero wag ngayon dahil may lakad ako." Cynx habang busy din sa cellphone niya.
"Babae na naman? Pag ikaw nagkaHIV wag ka ng magpapakita samin." Sabi naman ni ryker habang kumakain ng dala niyang prutas.
"May shield ako kaya manahimik ka dyan." Sabi naman ni Cynx habang nakangisi at ginulo-gulo ang buhok.
Tumayo na ako dahil ang ingay at may gusto rin akong puntahan.
"Boss? Aalis kana?." Tanong ni axis sakin.
"May titingan lang." Tinalikuran ko na sila at lumabas agad ng kwarto.
Lumabas ako ng ospital at hinanap yung medic.
"Asan na ba yun?" Palinga-linga ako pero wala akong medic na nakita kaya nagyoyosi nalang ulit ako.
Parang kailan lang hirap na hirap akong magtagalog dahil kadadating ko palang galing US 5 years ago, pero ito ako ngayon sanay na sanay na at--,
"Sir?" Natigilan ako dahil may nagsalita sa gilid ko.
Yung medic pala. Pwede naman palang di hanapin eh.
"Siguro hindi po kayo interesado pero baka naman gusto niyong dalawin yung babae kanina? Nasa room 103 po siya." Tinapon ko ang yosi ko at tiningnan siya.
"Gusto mo ako yung magbayad ng mga bills niya? Kaya mo sinasabi na baka gusto kung...magbayad?" Inilagay ko ang dalawa kung kamay sa bulsa at tinalikuran yung medic.
"H-hindi naman s-sir pero---,"
"Wala akong pake." Cold na sabi ko. Mabilis akong pumasok sa ospital at iniwan ang nakangangang medic.
Hinanap agad ng mga mata ko ang room 103, baka pagnakita ako nung medic ano pangilabas ng mabahong bibig nun.098
099
100
101
102
1---,Nahanap ko na! ang layo naman pala nitong kwartong to. Dahan-dahan kung pinihit ang door knob at pumasok. Sinilip ko muna kung tulog ba? Parang tulog mantika kaya sinara ko na ang pinto at lumapit sa kanya.
Mukhang okay naman siya? Medyo may galos sa braso at may bandage ang kilay.
"Hmmp." Fuck! Napalunok ako sa ginawa niya, kailangan ba talagang kagatin ang labi?! A-at bakit parang ang pula naman ata ng labi niya at parang malambot? Im fucking insane! Okay na naman siya kaya aalis na ako bago pa ako makaga---,
"Sino ka?" Napalunok na naman ulit ako, bakit ang sexy ng boses niya?"Bakit ako nandito?" Tanong niya ulit. Tiningnan ko siya na masama.
"Nabundol ka." Naikling sagot ko at tinalikuran na siya.
"S-salamat." Napasmirk nalang ako.
"Look miss, akala ko ito yung room ng kaibigan ko pero di naman pala at tsaka di ka sakin dapat magpasalamat." Lumabas na ako at parang tanga na di mapigilang mapangiti.
________________
Pasensiya na! Bawi nalang ako next chapter:)
![](https://img.wattpad.com/cover/87574308-288-k426027.jpg)
BINABASA MO ANG
Mafia Heiress (stop)
ActionAstrid. Nakatatak na sa kanyang pangalan ang pagiging.. happy-go-lucky. Spoiled. Walang kinakatakutan, matapang at palaban. Makakaya niya kayang harapin ang mga pagsubok na kahit same panaginip ay hindi niyang naranasan?