Astrid's POV:Nakaburol ngayon sila mommy at daddy dito sa isa pa naming bahay sa bagiuo dito lumaki si daddy kaya dito napagpasyahan ng mga tito ko na dito nalang sila iburol at ilibing.
Nasa harap ako ng kabaong nila at pinagmamasdan ang kanilang mukha, kahapon ko lang ata ulit nakausap si mommy at nagaagaw buhay pa, naabotan ko sila ni daddy na magkahawak kamay at naliligo sa sarili nilang dugo, hindi ko maiwasang maikuyom ang mga kamao ko. Mga hayop ang gumawa nito! Pagbabayarin ko sila kahit gaano pa kaimposible.
"Astrid? May naghahanap sayo sa labas." Tinapik ako ng pinsan kung si russel kaya napalingon ako sa kanya at tumingin naman siya labas.
Kunot-noo ko siya hinarap ulit at nagkibit balikat lang siya.
"Ayaw niyang pumasok eh. Puntahan mo na mukhang galing pa yun sa byahe." Napabuntong hininga nalang ako, may alam na ako kung sina yan.
"Okay." Naglakad na ako papuntang pintoan at lumabas.
Buntong hininga ulit ako.
"Alam kung ikaw yan. Nagtago ka pa." Medyo gabi na kasi at madilim din dito dahil napundi yung ilaw kanina.
"Ah..hehe." Lumabas na siya sa pinagtataguan niyang lungga.
"Ano bang ginagawa mo dito zacharias?." Tiningnan ko siya ng masama.
"Wow! Grabe veil, sarap ng welcome, alam mo bang galing pa akong manila at antok na antok na ako pero mas inuna kita tapos yan ang sasabihin mo? Nakakatampo ka naman." Nagpout pa ang ungas.
"Wala ako sa mood ngayon, bakit ka nga pumunta dito ungas? Relative lang namin pwede dito."
"Grabe talaga! Di ba pwedeng nakikiramay at kinakamusta ka lang?."
"Kinakamusta mo ako? Alam mo zach mas lalo mong pinapabigat ang nararamdaman ko ngayon? Hindi ako okay! Naiintindihan mo!." Halos maiyak na ako dito pero yung ungas nakangiti lang.
"Tigilan mo yang pagngiti baka gusto mong masungalngal nitong sapatos ko." Pagbabanta ko sa kanya, naiinis ako na natatawa sa itsura niya. Tatalikod na sana ako ng..
"Zach.." Biglang niya akong pinaharap sa kanya at niyakap.
"Kahit ano pa ang pagdaanan mo tandaan mong andito lang kami, ang mga kaibigan mong handang tumulong sayo, tutulongan ka namin veil." Kusang tumulo ang luha ka, niyakap ko rin siya ng napakahigpit.
"Ayaw kung madamay kayo dito zach, problema ko'to kaya ako na ang gagawa ng paraan." Umiiyak parin ako kahit nagsasalita.
"Tigas talaga ng utak mo, tutulongan ka namin lalong-lalo na ako dahil espisyal ka sakin." Napangiti ako sa sinabi niya kasi alam kung nakangisi na naman yan.
"Hindi ko alam kung sino ang may gawa ng kahayopan na yun zach, Hindi ko alam kung sobra ba silang makapangyarihan, hindi ko alam kung san ako magsisimula,..ang hirap, ang hirap ng ganito na kahit isang clue man lang wala ako, kahit taong pagdududahan wala ako, naisip ko na ngang kalimutan nalang at balik sa pagiging happy go lucky eh pero sa tuwing nakikita ko ang itsura nila para akong nauuhaw sa katarungan." Iyak parin ako ng iyak habang hinahagod ni zach ang likod ko. Nakayakap parin kami sa isa't isa dahil ayokong harapin si zach baka makita niya ang mukha kong sobrang kawawa.
"Wag ka ng umiyak, gagawa ako ng paraan."
*******
Ilang minuto din bago ako tumigil sa pagiyak at inaya si zach na umupo na sa may veranda namin.
"Wag mo ng isuli yang panyo ko veil ah, sayo na yan." Nakangiting sabi ni zach, pinahiram niya kasi ang panyo niya sakin pero nasingahan ko kaya ayan ibibigay nalang niya sakin. Arte talaga.
"Teka nga veil? Napano yang kilay mo?" Napahawak ako sa kilay ko? Oo nga pala.
"Nabundol ako." Nginitian ko siya pero sinimangutan niya lang ako.
"Nabundol ka na nga, nakangiti ka pa." Napakamot tuloy siya sa batok niya.
"Anong gusto mo? Umiyak na naman ako?" Natatawang sabi ko. Sa tuwing naaalala ko yung eksina sa ospital, nahihiya ako dahil dun sa lalaki, napahiya ako! Nagpasalamat ako dahil akala ko siya ang nagdala at nagpagamot sakin pero di naman pala! Hiyang-hiya ako nun at alam kung mamumula yung mukha ko! Aish! Turn-off na yung si pogi sakin, sayang!
"Oo nga naman! Ampanget mo pa namang umiyak, kaya wag na! Tumawa ka nalang hanggang sa mapunit yang labi mo." Tumawa na naman siya.
"Che!" Inirapan ko siya dahil di ko rin mapigilang tumawa.
Si Zach ay isa sa pinakamalapit sakin, kahit palabiro yan, wag ka! Matinde magalit yan, isa siyang gang leader at Marami na siyang napatay pero kahit ganyan yang ungas na yan hindi parin ako matatakot sa kanya dahil kaibigan ko siya.
"Uuwi na pala ako bukas veil ikaw lang talaga ang pinunta ko dito dahil nagaalala ako sayo kasi naman di kita macontact pati rin sila maisie at maeve nagaalala na sayo alam mo naman ang kambal na yun. Kaya pinahanap nalang kita sa mga PI's ko." Natatawang sabi ni zach.
"Magpapakita rin ako sa kanila pero wag mong sabihin kung nasan ako ha? Maiiyak na naman ako at papanget!" Sabay kaming tumawa na parang walang iyakan na naganap kani-kanina lang.
"Sige na veil, kailangan mo ng magpahinga at aalis na rin ako." Tumayo na siya at inayos ang nagusot niyang shirt.
"Salamat zach." Sana naman di na ulit ako mapahiya ngayon diba?
"Wala yun, basta ikaw." Niyakap niya ulit ako.
Kumalas ako sa yakap niya at tinulak siya ng mahina.
"May hotel naman dyan kaya okay lang, wag ka na dito mag stay kasi ayokong makita yang mukha mo."
"Grabe!" Napailing nalang siya.
"Bye. Magingat ka zachary." Tinalikuran na niya ako at winagayway ang mga kamay niya habang nakatalikod.
Umupo ulit ako at nagrelax. Bigla ko nalang naalala yung lalaki sa ospital.
Sana di na kami magkita lord! Please!

BINABASA MO ANG
Mafia Heiress (stop)
ActionAstrid. Nakatatak na sa kanyang pangalan ang pagiging.. happy-go-lucky. Spoiled. Walang kinakatakutan, matapang at palaban. Makakaya niya kayang harapin ang mga pagsubok na kahit same panaginip ay hindi niyang naranasan?