CHAPTER THREE

33 3 0
                                        


Zaytro's POV:

What the fuck!? Kinapa ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras, 3:00 am? Ang aga ng gising ko dahil sa ingay! Sigurado akong andyan na ang magaling kong ama na palaging busy na halos di na umuuwi at ang magaling kong ina na parang tanga na inaalagaan ang ama kong hayop kahit na sinaktan lang siya.

Umupo ako sa kama at pinapakingan ang mga nababasag na hindi ko alam kung ano. May condo naman ako pero gusto kung protektahan si mom dahil alam kung may lahing demonyo si dad kaya dito ako umuuwi.

Laging dinadahilan ni mom na mahal niya si dad at kaya niyang tiisin ang mga pananakit nito sa kanya, pero iba ako! Hindi ko kaya! Mahalaga sa akin si mom kahit na ako mismo ay nasasaktan ko din siya emotionally.

Napapaismid ako pag naaalala ko yung sinabi ni mom na mahal niya si dad, mahal?! Sino bang nakaimbento niyan at papatayin ko! Hindi ba sapat na nasasaktan kana nga dyan mahal mo parin! Masokista siguro.

Tumayo na ako at kukunin na sana ang baril ko pero wag nalang baka mapatay ko pa.

Mabilis akong bumaba at naabotan ko sila ni dad sa living room.

Hawak niya sa kaliwang kamay ang buhok ni mom at may hawak din siyang dagger sa kanang kamay niya.

"After all this years maddison?! You keep on seing that guy in my back?! You whore!" Alam ko kung sino ang tinutukoy ni dad at Alam ko ring palaging pumupunta si mom kay Tito Azareal dad's brother pero nandun din naman sila granny and grandpa, wala namang ibang kasama si mom na lalaki kundi si tito lang kaya sigurado akong si tito ang tinutukoy niya.

"I'am not Lexus. God know's i did not!" Nakatingin lang ako sa kanila dito sa may hagdan.

"Shut up!" Diniinan niya yung dagger na hawak niya kaya nagkasugat si mom. Naikuyom ko ang kamao ko.

"Tumigil na nga kayo dyan! Ang aga niyong mambulabog ah! And you! Get you filthy hands off my mom!" Bumaba na ako sa hagdan at tiningnan lang si dad na nakangisi lang.

"Your mom and i are just playing son." Agad niyang binitawan ang buhok ni mom at hinahagod-hagod pa.

"Mas gugustohin ko pang si tito ang naging ama ko kesa sayo, mom's happy everytime his around you know." I smirked when i saw anger on his eyes.

"That bastard. Well, i dont care at all. Come here maddy, I'll tell you something." Parang bata talaga tong hayop na to.

"Go upstairs mom, old man and i have to talk." Para kasing alam ko na kung san to papunta.

"O-okay." Tumayo na si mom at tinalikuran na si dad.

"Im not done with you women!" Mabilis na inihagis ni dad and dagger niya kay mom pero mabilis ang naging kilos ko at nakuha ko gamit lang ang dalawang daliri.

Tumakbo naman si mom sa hagdan.

"anong trip mo?" Umupo ako sa harapan niya at nilaro ang hawak kong dagger.

"Don't you miss me son?"
Nakangisi na naman siya na parang tanga.

"Just so you know dad i really don't care." Ako naman ngayong ang napangisi.

"Oh! That's fine with me." Walang patutunguhan tong usapan namin.

Hindi nalang ako umimik at tiningnan ang dagger na hawak ko.

"By the way son, i've got a nice proposal to you." Wala parin akong imik.

"Sumali ka sa organization ko, sa Eurasian primula."Cool niyang sabi.

Napaharap ako sa kanya. "Why should i?"

"Because, i will kill your mom if you don't, easy right?"

"kill her if you want." Walang emosyon kong sabi.

"C'mon son! We will be the most strongest at walang magbabalak na pabagsakin tayo."

"No." Maikling sabi ko.

"Your a mafia boss and i'm a leader of an organization, don't you get it? We will be powerful. I give you a chance to be one of the leaders without any hardships." Pagkukumbinsi pa rin niya sakin.

"That's bullshit. Ang sabihin mo gagamitin mo ako para mas maprotektahan yang org. mo, pwede ba dad you can't fool me, at tsaka wala na bang silbi yang ibang leaders dyan sa org mo na pati ako sinasali mo?" Hindi man halata pero naiirita na ako.

"Its not like that okay. May benefits ka naman dito, mas magiging makapangyarihan at mas katatakotan kayo..tayo, together with my org, papabagsakin natin ang kumakalaban satin. Isn't it nice?"

"I don't need your benefits, i don't need your org., i don't need anything from you and i don't need you, if you're done with your proposal or whatsoever then you can get the hell out of here." Tumayo na ako at di man lang hinintay ang sasabihin niya.

Pagakyat ko nakita ko agad si mom na humihikbi, hawak niya sa dalawang kamay ang bibig niya para hindi siguro makagawa ng ingay.

Yumuko nalang ako dahil ayaw na ayaw kong makita si mom umiiyak, lumapit ako kay mom at hinawakan ang balikat niya.

"Stop crying will you? I'll call tito to pick you up later so pack your things now." Nilagpasan ko na siya dahil nasa dulo pa ang kwarto ko.

"B-bakit?" Napatigil ako sa paglalakad pero di ako humarap sa kanya.

"I can't protect you mom but tito can so if you don't have anything to ask just pack your things because it's not safe here anymore." Hindi ako tanga para hindi malaman na hindi yan ang inaasahang sagot na makukuha niya sakin. Alam kong nasaktan ko naman siya dahil sa sinabi ko kanina, na parang wala akong pakialam sa kanya, na parang mas gusto kung wala siya, ang mamatay siya, pero hindi.

Hindi na siya nagsalita kaya tuluyan na akong umalis at dumeretso sa kwarto ko.

Mas mabuti ng ganito wala akong masyadong iisipin at mas mabuti ng medyo may tampo sakin si mom.

Umupo ako sa kama ko kinuha ang cellphone ko sa bedside table and dialled tito's number.

Nakalimang ring bago niya nasagot.

"What made you call this early my dearest nephew?" Medyo paos pa ang boses niya kaya halatang kakagising pa.

"Can you do me a favor tito? Can you pick mom later, i want her to be safe." Humiga ako sa kama dahil mukhang inaantok na ata ako.

"Yeah sure, but before that i need to continue my dream." Tumawa siya ng mahina.

"Okay." Binabaan ko na siya at inilapag ang cellphone ko sa table.

Napabuntong hininga ako, may mas lalala pa ba ngayong araw na'to?

Mafia Heiress (stop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon