CHAPTER FOUR

13 2 0
                                    

Astrid's POV:

1 week na ang nakalipas simula nung nailibing sila mom at dad kaya balik manila na naman ako dahil walang tigil akong kinukulit ni zach.

Nang makarating ako sa condo ko pumasok agad ako.

I need to move, kailangang malaman ko kung sino ang may gawa nun ng hindi na sila masinagan pa nang araw.

Pupunta ako sa bahay namin at ako na mismo ang hahanap ng impormasyon.

Tumayo agad ako at pumunta sa walkin closet ko, kumuha ako ng hoodie jacket at hinubad ang suot kong blouse, hinubad ko rin ang high heels ko at nagrubber shoes, okay naman na ang jeans ko kaya lumabas na ako, pumunta ako sa drawer at kinuha ang baril ko at isinukbit sa tagiliran ko. Pangself-defense to sabi ni dad.

Lumabas na ako sa condo at dumiretso sa elavator. Habang naghihintay akong bumukas ang elevator nagring yung cellphone ko.

Kinapa ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko at tiningnan kong sino ang tumatawag.

**Zach calling**

Hayy! Bahala siya dyan, inilagay ko ulit ang cellphone ko sa bulsa.

**Ting**

Pumasok na ako at pinindot ang G.

********

Nakarating na ako sa bahay namin, sobrang tahimik na at sa sobrang tahimik kinikilabutan na ako.

Malinis naman ang bahay dahil pinalinis ko naman to ang nakapagtataka lang, may mga pinapunta naman ako dito para may magbantay ng bahay pero bakit wala?

May nangyayari na hindi maganda dito.

Dahan-dahan akong pumasok dahil hindi ko alam kung anong makakasalubong ko dito, hinawakan ko na rin ang baril ko incase of emergency.

Maingat akong humahakbang sa hagdan ng may marinig akong kasa ng baril. Dali-dali akong nagtago sa pader.

Shit! Sa tingin ko marami sila, naririnig ko ang mga hakbang nila na mukhang nasa hagdan na sila at sa tingin ko makikita pa nila ako.

Sinilip ko sila at hindi nga ako nagkamali, limang lalaki na may hawak na baril. Nagtago ulit ako.

"Sa tingin mo ba babalik pa yung anak nila dito? Nakakabaliw na to pare! Isang linggo na tayong pabalik-balik dito!"

"Wala tayong choice pare, utos to ni master."

Master? Siya ba ang nagpapatay sa mga magulang ko?

"Maghiwalay na muna tayo, kami ni stone dito sa taas at kayong tatlo dun sa baba."

"Sabi mo eh."

Sa tingin ko bumaba na yung iba kaya pagkakataon ko na to.

Lumabas sa pinagtataguan ko at binaril agad yung isa at tinutukan ng baril yung isa pa.

"Ako ba ang hinahanap niyo?" I seriously asked.

Nakarinig ako ng may tumatakbo papunta dito. "Pare! Anong----,!"

Isa-isa ko silang binaril at isa nalang yung natira na mukha wala atang balak magsalita dahil nakatingin lang siya sakin.

"Sino kayo?" Nakakatutok parin ang baril ko sa kanya.

"Pagsinabi ko ba bubuhayin mo ako?" Nakangisi niyang sabi.

"Depende." Kibit-balikat kong sabi.

"Sa tingin ko naman wala na akong takas dito, kaya may sasabihin ako sayo." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

Mafia Heiress (stop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon