Chapter 2: Okay! Call me Kane
I'm home!! At andito ako sa kwarto para mag prepare, kasi dadating ang mga girlfriends ko.
*ding dong
Sila na siguro yan.
"Young lady, andito po ang mga kaibigan niyo." Tama nga ako, sila na nga yan.
Magsasaya kami ngayon dito sa bahay. Bumaba na ako para makita silang dalawa.
"Hi Ash! Good to see you, lalo ka yatang gumanda ah." Si Anya yan, isa sa mababait kong kaibigan, sa lahat ng problema na pinagdaanan ko, sa kaniya ako unang tumatakbo.
"Ikaw rin girl! Lalo kang kuminis ah. And you Winter mukhang nakikisabay ka sa kagandahan ng panahon ngayon ah. Hahaha." Yeah, the other one is Winter, ang cute ng name niya. She's a famous model, kasi isa sa pagmamay-ari ng pamilya niya ang modeling agency na pinagtatrabahohan niya ngayon.
"Ikaw talaga Ash! Siyempre malapit na ang pasko eh." Oo nga pala, December na, two weeks na lang at pasko na.
"so, how's the new school girl?" tanong ni Anya.
"It's great, nagkita kami ni Patrick. Guess what may umaway sa akin dahil sa kaniya, gwapo kasi ng mokong na yun eh.."
"wow ha! First day na first day mo inaway ka agad? Sino ba yan at aawayin namin." Saad ni Winter. Haha. Really, they are my friends .
"don't mind it, kaya ko ang sarili ko. Lumipat na rin kayo sa EU para may makasama rin ako. Nakakasawa naman pag si Pat nalang parati ang nakikita ko. Hahaha. " Pero joke lang yan, hindi ako magsasawa sa bestfriend ko.
"Patrick would be happy if he sees you everyday, may lihim na pagtingin yun sa'yo eh, pero hindi na lihim kasi sinabi ko na. " itong si Winter talaga, kung anu-ano ang pinag-iisip.
"Kaibigan lang turing sa akin nun. Ikaw talaga Winter."
"So much for that issues guys, manood na lang tayo ng movie. Ano ang gusto niyo?" Suggestion ni Anya.
"Gusto kong manood ng love story, yung ano nga yun Ash?." Ewan ko dito kay Winter siya ang may gustong panoorin tapos sa akin pa itatanong.
"Is it A walk to remember Win?" Yan kasi ang favorite niya eh.
"Yeah! That's it.. You're really my friend Ash.haha." Kalog talaga ang isang to.
"Ilang beses na ba natin pinanood yun? Pero sige, dahil alam kong paborito niyong dalawa iyon, pagbibigyan ko na kayo. "
Nanood lang kami buong gabi at kumain hanggang sa mapagod kami sa kakakain. Haha. Hindi kami tumataba eh. Alas dose na ng gabi, kaya napag-isipan na naming mag beauty rest.
"Girls matulog na tayo, may mga pasok pa tayo bukas." Aya ko sa kanilang dalawa.
"Oo nga pala, sige matulog na tayo."
"Good night friends."
"Good night rin Ash."
****
"Good morning dear sleepy head!"
"Gumising ka na jan."
"Ang hirap naman gisingin ng prinsesang eto."
Nananaginip ba ako? Bakit ang ingay? Ayaw ko pang bumangon. Tinakpan ko na lang ang tenga ko ng unan.
"Hoy Ashley Kane!! Gumising ka na jan at baka sisihin mo pa kami na malate ka." Oo nga pala andito pa pala ang dalawang to.dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko silang dalawa wearing their uniforms already. Teka? Uniforms? Oh no!
BINABASA MO ANG
Empire University
Teen FictionLove is painful, yes it is. Love accepts everything. Love is all that matters between two persons who are in love. Paano kung pilit kayong pinaglalayo sa isa't-isa? Paano kung nakalimutan ka niya? Paano kung nasaktan mo siya kahit hindi mo sinasadya...