Chapter 9: I wish we could be

132 2 0
                                    

Chapter 9: I wish we could be

Brylle’s POV

Natapos rin ang performance namin.. mukhang nagustohan naman ni Kane ang sorpresa ko sa kaniya, pero may isang sorpresa pa ako..

“Brylle mauna na kami, ingatan mo ang bestfriend ko ha…” si Patrick yun

“I will Pat..”

“Oh Ash! Mauna na ako.. punta ako sa booth namin.. sina Anya umuwi na ba?” napatingin ako kasi binanggit ni Pat ang name ni Kane, andito na pala siya..

“Ah, oo.. may exams kasi siya.. sige mag-ingat ka ha?” Tumango na lang at ngumiti si Pat kay Kane.

Kaming dalawa na lamang ang natira dito sa backstage, pumunta na siguro ang lahat sa field may fireworks display mamayang 12 midnight eh..

“Tulongan na kita..”

“Ah, wag na Kane kayak o na’to.. sandal lang..” inaayos ko kasi yung ibang gamit dito..

“Dane, thank you…” Napatingin ako sa kaniya at ngumiti..

“It’s a gift for you Kane.. I hope maging okay na ang lahat..” sa totoo lang mahal na mahal ko si Kane, gusto ko siyang maging Masaya pero hindi ko alam kung paano at kung maibibigay ko bay un sa kaniya..

“I like it..” Ngumiti na lang ako sa kaniya at pinagpatuloy ang pag-aayos..

Hindi ko alam kung tama ba ang lahat ng ito.. tama bang iparamdam ko sa kaniya kung gaano ko siya ka mahal.. natatakot akong masaktan ko siya ulit.. wala akong ka laban-laban sa kanila, at di lingid sa akin na hindi talaga kami pwedeng dalawa… napaka selfish ko talaga.. bahala na!

“Ah Dane.. may bumbagabag ba sa’yo?” nag-aalalang tano ni Kane..

“ha? Ah… ehhh.. wala.. halika na..” aniyaya ko sa kaniya..

“saan tayo pupunta?”

“Somewhere that you haven’t been before..”

“hahaha.. talaga? Exciting! ^_^”  ang mga ngiting yan, gusto ko parating Makita yan sana hwag yan mawala..

“Dane naman eh! Nakatulala ka nanaman! Ayaw ko ngang tinitingnan mo ako ng ganyan!” hahaha.. naalala ko dati, naiinis siya kapag tinititigan ko siya..

“hahaha.. ang ganda mo kasi eh.”

“I know!”

“Kapag naka smile ka..”

“Aish! Kahit nakasimangot pa noh!”

“Hindi.. para kang monster.. hahahaha..”

“Brylle! Hmp!” napatingin ako sa kaniya, kapag Brylle na ang tawag niya sa akin it means napipikon na siya..

“Sige, tama na..hahaha.. napakapikon mo naman..”

“Ewan ko sa’yo!” inakbayan ko nalang siya..

“let’s ride the ferris wheel” napahinto si Kane sa paglalakad, nabigla yata… hahahaha..

“Dane! Are you making fun of me?” ang mukha niya parang mangangain na ng tao..hahaha

“Nope!” matipid kong sagot sa kaniya at hinila na siya papasok ng ferriswheel..

“Look Dane! Takot ako sa matataas!” napasmirk nalang ako kasi nagtatantrums siya..

“sorry Kane but this is my surprise for you.. alam kong gusto mo rin to para romantic diba?” panukso kong sagot sa kaniya..

“hmp! Ewan ko sa’yo! Basta wag mong bitawan ang kamay ko ha?” parang bata talaga to..

“Surely I won’t..” I assured her..

“Hey! What’s happening? Why did it stop? “ hahaha… natutuwa talaga ako sa reaction ni Kane..

“Don’t worry, kinausap ko yung tagapamahala nito na ihinto sa pinakatoktok..”

“What?! And why?” napayakap sa akin si Kane..

“Sige yakapin mo lang ako, wala namang makakakita ehh..” Napasmirk ako.

“OMG! You’re harassing me Dane!” nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Kane..

“Grabe ka naman Kane, ginagawa ko lang ngang romantic ang moment..”

“uyyy! Tampo ka Dane? Ang sweet mo nga ehh.. naappreciate ko.. Thanks!” ang cute niya talaga pag ngumiti..

“Look Kane!” tinuro ko ang kalangitan, nagstart na ang fireworks display..

“Wonderful.. “  nakatingin lang ako kay Kane, naamaze talaga siya parang bata..

Tsuup!

“Hey! Why did you kiss me?” hinalikan ko kasi siya sa pisngi.. hehehe

“Ang cute mo ehh…”

“It’s not an excuse, and we  don’t even have a relationship.. hmp!” napatingin ako ulit sa kaniya..

“Then, I wish we could be…. Again…” nagkatinginan lamang kaming dalawa, unang umiwas si Kane at pinanood muli ang fireworks..

“Are we ready to be hurt again Dane?” she asked without looking in me..

Natahimik na lamang ako.. hindi ko alam kung ano ba ang dapata kong isagot.. siguro, nagbago na si Kane, ayaw niya na sigurong ipagtiwala pa muli puso niya sa akin.. takot siyang masaktan.. takot rin akong saktan siya..

 a/n: Short update muna :)

Comment, Vote and Follow me 

 

~Clyne Pink <3

Empire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon