Chapter 4: His POV

214 3 0
                                    

Chapter 4: His POV

Ashley's POV

"What's wrong iha?"

"Ma! I can't understand anymore, did I really forget something or should I say someone?"  I'm talking to my mother right now, she's in States at inaasikaso ang business ng pamilya.

" I'm sorry honey but I have to hang up na. I'll call you later and I'll explain everything. Don't cry."

" Okay ma. I'll wait for your call." 

I'm here again in my room feeling so alone, I just hugged my teddy bear. My teddy bear? Now, I'm confused. I don't even remember who gave me this bear, is it him? Bakit ganun, may nararamdaman akong kulang? Gusto kong malaman ang lahat-lahat.

Brylle's POV

"Sabihin mo na Brylle, bakit hindi ka niya maalala?" Ang kulit talaga nitong si Kyle.

"Oo na , sasabihin ko na ang kulit mo Kyle!"

"Ito naman, pikon agad eh."

"Sige, wag na lng nga!"

"Ito naman! Sige na Brylle!"

"Pare, para kang babae."

"Bakit, inlove ka na sa akin?"

"Kadiri ka, maiwan ka na nga." Tumakbo ako para hindi niya na ako kulitin.hahaha

"Hoy Brylle!!!!!!!!!!!!!!!!!" Parang bading talaga si Kyle. Kaibigan ko ba talaga yun? Hahaha

Oo nga pala! Ako si Brylle Dane Mariano, oo may Dane pa ako sa pangalan ko. Katunog ng Kane noh? Kaya nga gusto ko siyang tawaging Kane kasi Dane+Kane= Forever . corny ko ata! Teka, mabalik tayo sa akin. Ako lang naman ang top student ng EU, sa totoo lang transferee ako dito 1 year ago, galing ako ng Canada para sa international studies ko, three years din yun ah! Tama kayo, three years. Wala ako dito nung naaksidente siya, at isa lang ibig sabihin nun.... Iniwan ko siya, nasaktan ko siya ng sobra. Pinili ko ang mapalayo sa kanya dahil mas inuna ko ang ambisyon ko kaysa sa kaniya. Hindi ko rin alam na naaksidente siya, hindi sinabi nina Patrick sa akin. Akala ko nagkukunwari lang siya na hindi ako kilala pero nakalimutan niya nga talaga ako.

"stop it Kane! Think about your future, you are a Davis! Concentrate on your studies and forget about me."

"I love you Dane! Don't leave me please." Umiiyak siya noon, parang mawawalan na siya ng tubig sa katawan sa kakaiyak.

"I have no choice but to let you go Kane, this is my dream. Hindi kami mayaman tulad niyo."

"I don't care! Leaving me alone here is not the right decision Dane!" naaawa ako sa kanya, ang taong mahal na mahal ko umiiyak dahil sa akin, pero kailangan kong maging manhid.

"Forget me, live as if you didn't met me."

"Don't tell me how to live my life, I do things my way." alam kong galit na galit na siya sa akin.

"Bakit ba Dane? Mahirap ba akong mahalin? Sagabal na ba ako sa'yo? Ano ang problema sa akin? Kaya ko namang maghintay sa'yo eh" Naaawa na ako sa kaniya, iyak siya ng iyak, gusto ko siyang yakapin at sabihing taha na hindi kita iiwan, pero hindi na pwede.. Hindi kami pwede..

"Hindi ikaw ang problema Kane, ako, ako yung problema..."

"Gusto mo na ba talaga akong iwan? Let's just stay like this Dane, I love you so much more than I love myself. "

"Mahal rin kita Kane, pero habang tumatagal mas mamahalin pa natin ang isa't isa at mas masasaktan lang tayo kapag dumating na yung panahon na dapat talaga tayong maghiwalay."

"I'm sorry." she said

"Don't be, and why are saying sorry to me?" I'm scared, what's with her? Bakit siya nagsosorry?

"I'm so sorry." para na siyang baliw na nagsosorry sa akin

"Kane!! Bakit ka nagsosorry?"

"I'm sorry for loving you this much."

"Kane... "

"I have to go." Gusto ko siyang pigilan umalis, gusto kong sabihin na mali ang iniisip niya... na mahal na mahal ko siya, pero ito ang tama..

"Dane... I love you so much." And she ran away...

Ang sama sama mo Brylle, sinaktan mo ang taong nagmahal sa'yo ng sobra sobra.. at ngayon.... Nakalimutan ka na niya.. what if maalala niya ko ulit? Mamahalin niya pa kaya ako? Siguro kasusuklaman niya lang ako... hindi ko siya naipaglaban.. sorry Kane..

***

  Andito ako ngayon sa conference room ng department namin, nag-iisip ng malalim habang naghihintay sa mga members ko. Makikita kona  naman siya, hindi kasi siya pumasok sa last class namin eh masama siguro ang pakiramdam.

"tulala ka yata jan pres?" tanong ni Lea, isa sa mga officer ko.

"wala, may iniisip lang."

"ang lalim eh, babae ba yan?" pagtukso niya, kung alam niya lang.

"hindi ah, wala akong oras sa mga ganyan." Tinantanan na niya ako at inasikaso ang dapat niyang asikasuhin.

Ilang minuto rin ang lumipas at narito na ang lahat ng Fine arts students maliban sa isa, bakit wala siya? Diba excited pa siya kanina? Haay naku! Concentrate Brylle.

"Okay, I formally open this meeting."

Nagdiscuss lang kami ng kung ano ang magandang gawin sa Christmas Celebration, siyempre meron namang live band hindi yan nawawala. Ako ang drummer sa banda na iyon at vocalist si Patrick yung bestfriend ni Kane, oo tama kayo, magkaibigan rin kami pero hindi na kami kasing close tulad ng dati. Hindi naman naapektuhan ang banda naming kasi we're being professional naman.

Natapos rin ang meeting at hindi talaga siya dumating, may nangyari siguro. Nag-aalala ako sa kaniya. Sana pumasok siya bukas, hindi ko kasi nakuha ang number niya eh.. ang tanga ko naman para makalimutan siyang tanungin.

"Haaaay naku!" nabigla yata ang mga tao sa paligid ko.. haha. Eh sa naiinis at nag-aalala ako eh..

Uuwi na lang ako at maghihintay ng bukas. Kane! Sana okay ka lang. :/

***

Vote, comment and follow

~ClynePink <3

Empire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon