JHO
Bagong gising. Bagong umaga. Bagong pag-asa saming Lady Eagles. We will do everything para manalo mamaya, ayaw pa naming mawala sila ate aly, ate amy at ate mae papahabain pa namin ang pagiging isang Lady Eagle nila. It's 5am na at nakaligo na ako, maaga akong nagising dahil gusto ko pa mag training. Ngayon lang ako naging ganito, ngayon ko lang nagustuhan ang training. Kailangan ko pa magpalakas para mamaya. We need to win this game.
"J-jho?" sabi ni bea.
"Yes beh? Anong problema? Nandito lang ako uyy" Sabi ko dahil kinakapa niya ako sa kama haha. Oo magkatabi kaming natulog kagabi. Sayang lang yung isang kama dito sa kwarto kasi hindi namin nagagamit.
"Aga mo naman nagising beh?"
"Kailangan ko pa mag training"
"Wag na beh, mapapagod ka lang, kailangan mo ng lakas para mamaya"
"Saglit lang beh"
"Eh may training pa naman tayo mamayang 7 eh, maaga pa dito ka muna sa tabi ko beh"
"beh basa buhok ko, baka sumakit ulo ko"
"okay okay, saglit maliligo lang muna ako beh" Sabi niya sabay tayo at pumasok na sa cr
Matagal maligo ang isang Bea De Leon. Nagpagulong gulong na ako dito sa kama hindi pa din tapos. Check ko muna cellphone niya. Ang sweet talaga ng beh ko, wallpaper niya kasi yung picture naming dalawa tapos yung background niya sa mga messages niya ay ako, diba sweet? haha.
"Beh anong ginagawa mo dyan?"
"Ay kabayo" Gulat na sabi ko. panu ba naman kasi ginulat ako ng de leon na to, bigla bigla ba namang magsalita sa likod ko, malamang magugulat talaga ako. Pati din naman kayo kapag sa inyo nangyari yun diba?
"Gwapo ko namang kabayo beh"
"Lamig naman"
"Beh naka aircon tayo eh, kaya malamig"
Nabara na naman.
"Sabi ko nga"
"Tampo ka naman kaagad, lika ka nga dito beh" Hinila niya ako at hinarap niya ako. Tinulak niya ako pahiga at umibabaw sakin. Ang aga aga naman nito de leon na to.
"Beh galingan natin mamaya ha? wag tayong magpapatalo. Alam ko naman na parehas natin gustong magstay pa sila ate aly dito eh. Let's fight for god, for our team, for our fans and specially for ateneo" sabi niya. kakaiba talaga si bea. Napaka motivated na tao.
YOU ARE READING
When I Feel That I Love You(jhobea fanfic)
Fanfictiongxg story lahat po ng nasa story ay imagination lang ni author