chapter five

3K 53 2
                                    

JHO'S

Nalulungkot kami dahil last year na to ni ate ly hindi pa kami ready na mawala siya lalo si bea, si ate ly kasi ang mommy niya eh kaya napamahal na siya ng husto dito. Kaya naman makikita mo na binubuhos talaga ni bea yung best niya sa training para manalo kami this season.

Napapaisip ako minsan kung bakit hindi nagustuhan ni jana padilla si bea eh halos lahat na sa kanya na, mabait, maEffort, mapagmahal, caring at higit sa lahat gandang gwapo oh diba saan ka pa? All in one. Bea de leon na yan pakakawalan mo pa?

Andito ako ngayon sa dorm katatapos lang ng morning training namin, grabe paguran na naman halos lahat kami hindi na malakad pwera na lang yung mga iba pinilit dahil may klase pa, buti nalang mamaya pa yung klase ko may time pa ako para magpahinga.

Si bea? Ewan ko dun hindi ko pa nakikita pagkatapos ng training eh siguro nambabae na naman.

Kung wala lang siguro akung boyfriend na fall na siguro ako sa kanya. Speaking of boyfriend hindi pa nagpaparamdam si marci sakin simula kaninang umaga ah? Nakakapanibago dati dati kasi minuminuto kung tumawag, kung medyo busy naman nagTetext. Siguro sobrang busy lang siya ngayon kaya hindi pa nagpaparamdam.

Habang nagIisip hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa ingay sa baba. Naghilamos muna ako bago bumaba. Pero habang pababa ako may narinig akung pinaguusapan nila.

"Guys nakita niyo ba yung nakita ko kanina?" Tanung ni Gi sa ibang teammates namin.

"Ou nakita ko. Grabe hindi ko akalain na may ganung side siya. Sa una lang pala siya mabait eh" Sagot naman ni jia.

Medyo na curious ako kaya hindi muna ako tuluyang bumaba nakinig muna ako. Pero natigilan ako sa sinabi ni ate ells.

"Grabe si marci, diba sila pa ni jho? Pero bakit parang ang sweet naman ata nila nung kasama niyang girl?" Sabi naman ni ate ells. Nanghina ako sa narinig kaya bumalik muna ako sa room namin ni bea para dun ilabas ang luhang pinigilan ko kanina.

Grabe hindi ko akalain na kayang gawin ni marci sakin yun. Ako bang nagawa ko para saktan niya ako ng ganito? May kulang pa ba sakin? Para hindi siya makuntento.

Hindi ko namalayan na matagal na pala akung umiiyak. Biglang tumunog ang phone ko, tumatawag pala si marci. Hindi ko muna sinagot hindi ko pa siya kayang kausapin eh. Hindi na rin ako pumasok sa klase ko hindi ko kasi kaya eh.

Habang nakahiga ako at umiiyak biglang bumukas yung pinto. Si bea yan panigurado kaya mabilis kung pinunasan ang luha ko at nagpanggap na natutulog. Naramdaman ko naman ng umupo siya sa edge ng kama ko.

"Beh?" Tawag ni bea sakin.

"Oh?" Kunwari kung sagot na parang bagong gising.

"Get up na beh, may afternoon training pa tayo" Ou na pala may training pa kami ngayong hapon. Dali dali naman akung pumasok sa banyo para magHilamos at magAyos ng sarili.

Fastforward

Nandito na kami sa BEG medyo konti palang ang tao. Maaga pa naman kaya konti palang kami dito. Nadatnan ko si ate ells at jia na nagUusap kaya nilapitan ko ang mga ito.

"Hi ate ells, hi bess" Bati ko sa dalawa.

Agad naman silang tumingin sa direksyon ko sabay silang ngumiti kaya ngumiti na rin ako.

"Ang aga mo ata ngayon ineng? At himala hindi ata kayo sabay ng beh ko ngayon ah?" Sunod sunod na tanung ni ate ells kaya napailing nalang ako.

"Sabay kami ate ells, nauna lang akong pumasok kasi may kausap niya mommy niya eh" sagot ko naman kay donya.

Hindi pa nila alam na narinig ko yung usapan nila kanina, hindi talaga ako makapaniwala na kayang gawin ni marci yun sakin malapit na kaming magOne year tapos ganun lang gagawin niya. P*t*ng*na pero ang sakit hindi ko akalain na may ganung siyang side.

When I Feel That I Love You(jhobea fanfic)Where stories live. Discover now