The Hunters...

819 41 2
                                    

WAYNE'S POV

"Oy Drei... San ka ba galing kanina? Bat nauna ka sa aming pumasok ng school? "tanong ni Timothy kay Andrei.

" Oo nga Drei. Ano bang nangyari sayo kanina? Hindi ba maliwanag naman yung text ko sayo kahapon na sabay sabay tayong apat? "tanong ko.

" Haixt. Nagkamali ako ng alarm eh. Masyadong advance yung pagkaka set. Siyempre nagmadali akong umalis ng bahay. Akala ko tuloy nauna na kayo. "sabi ni Andrei.

Kahit kelan wala talagang matinong plano sa isang to. Palaging napupurnada dahil sa kapalpakan niya.

Binatukan tuloy siya ng libro ni Hanz. Brutal talaga ang isang to.  Walang pasintabi na nananakit eh.

" Aray ko naman Hanz! Bat ba nambabatok ka? Akala mo hindi masakit yon? Suntukan na lang oh. "reklamo naman ng isa.

Tapos binatukan ulit ni Hanz si Andrei.

" Pambihira... Nakakadalawa ka na ah. Oy Hanz ano bang problema mo sakin? Tinatabla mo ko eh. "asar ng sabi ni Andrei.

Mainipin at hot tempered talaga ang mamang to. Hindi makasakay sa biro. Hinayaan ko nalang sila na magkapikunan.

" Yung unang batok ko sayo ay para sa pagpahihintay ko sayo sa bahay niyo. At yung pangalawa ay dahil sa pang haharass mo sa new student dito. Akala mo hindi ko nakita yun sa tracking device? "sabi ni Hanz.

Loko loko talaga ang Andrei na to. First day na first day nagkalat agad ng kamandag. Pero sino naman kaya yung babaeng hinarass ng lokong to.

" Panira ka talaga ng diskarte Hanz. "sabi ni Andrei sabay tanggal ng tracking device sa katawan niya.

" Oy sino naman yon. "simple kong tanong kay Andrei.

" Hayy.... You wouldn't believe it bro.. Isa siyang anghel.. Nakaka inlove... "sabi ni Andrei at umarte pa na parang nababaliw na talaga sa babaeng tinutukoy niya.

" Don't tell me... Inlove ka sa newbie na yon. "sabi naman ni Timothy.

" Don't say bad words! "biglang sabi ni Andrei.

" Lul. Sino nga yon? "tanong ko.

" Basta... Makikilala niyo siya mamayang break time. Inaya ko siya sa grupo natin na sumabay mag merienda.. "nakangiting sagot niya.

Pambihira natamaan na nga ata ang isang to...

" Tara na nga sa bulletin. Andami mong sinasabi. Ang daldal mo. "sabi ni Hanz saka nauna ng tumayo at naglakad.

" Kj talaga tong Hanz na to. "naiiling na sabi naman ni Andrei.

" Oy Andrei pakilala mo sakin yun mamaya ha. "nakangiti namang sabi ni Timothy.

Matinik talaga ang Timothy na to pagdating sa babae. Lahat pinapatos. Walang tinitira. Haha.

" Tumigil ka nga diyan Timothy... Hindi siya pang play time. Umayos ka. "sabi ni Andrei.

" Aba... At sayo pa talaga nanggaling yan ha? "sabi naman ni Timothy.

" Hoy... Tama na nga yan. Parehas lang din naman kayong loko loko eh. "sabi ko at nauna na kong maglakad sakanila.

" Oy Wayne! Bawiin mo yon! Hindi ako makakapayag! "sabi ni Andrei.

" At ano naman sa tingin mo? Gusto kong magkapareho tayo? Lul. "sabi ni Timothy.

Naiiling nalang ako sa mga asaran nilang dalawa habang naglalakad kami.

Hoooo Eagle..... Hunters are here....

Beware...

And ready for....

The Burn....

my New bUrning school...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon