ang mas masakit... :(

546 21 0
                                    

ASHLEY'S POV

okay....

Eto na to...

wala ng atrasan..

Kahit na anong marinig ko... cool ka lang Ashley..

whhoooo!!!!

lumabas na ako sa kotse ko at napansin ko ang mga matang nakatingin sa akin..

ano na naman bang problema nila??

hindi ko na lang pinansin at nagsimula na akong maglakad papunta sa classroom nang may marinig ako na hindi ko nagustuhan..

"Grabe.. Ibang klase naman pala talaga siya. "

" Oo nga.., Akala mo kung sinong mahinhin na transferee.. Yun pala may itinatago rin palang kalandian.. "

" I know right girls..Sabi na nga ba magkakalat yun ng kamandag ee. "

" Pati ba naman si fafa Andrei nagayuma niya. "

Dun na ako napatigil at tinignan ko sila.

" Kawawa naman si Loraine.. Diba magkaibigan din sila? "

so???

ako yun???

kailangan kong makausap si Loraine.. Dapat akong mag explain!

dali dali akong tumakbo papunta sa may room namin nang makita ko si Loraine na nakikipag tawanan kina Danica.

napahinto na lang sila nang makita nila ako.

"Danica halika na. Wala na akong gana. "sabi niya at tinapunan niya ako ng masamang tingin at akmang aalis na siya pero napigilan ko siya..

" Loraine.. "sabi ko.

" Ash.. Bitawan mo ako. "sabi niya na hindi man lang niya ako  nagawang tignan.

"Please Loraine mag usap tayo." sabi ko.

"Bakit Ash? Pag nag usap ba tayo mako kontrol mo na ang lahat? Literally Ash.... You really sucks... Tama nga sila..Dapat nun pa lang gumawa na kami ng paraan para mapaalis ka dito.. "sabi niya.

ouch..

Ang sakit...

Naalala ko tuloy yung first day ko...

nung may isang lalaki na nagmakaawa sa akin sa may gilid ng corridor na umalis na ako....

Bakit ba lahat sila gusto nila akong mapaalis?

" O ngayon hindi ka makapagsalita? Bakit? Are you that guilty Ash na inagaw mo si Andrei sa akin? "sabi niya..

Hindi ko alam na aabot ang nagsisimula palang na friendship namin sa isang nightmare na ganito..

" Loraine hindi... Alam mong hindi totoo yan.. You know me well Raine.. Alam mong hindi ko magagawa yun sayo.. "sabi ko.

" Oh really?? Kaya ba magkasama kayo ni Andrei kahapon sa may corridor with matching harana pa talaga? "galit na sabi ni Loraine..

" It's not what you think Raine.. Magpapaliwanag ako. "sabi ko..

" No need.. "sabi ni Loraine at umalis na siya.

ouch...

Ang sakit...

" Okay lang yan Ash.. May mga tao pa na pwede mong maging kaibigan. "biglang sabi ng isang babae sa likod ko.

Si Andrea..

oo..

Siya nga yung nagsabi sa akin nun na pwede ko siyang pagkatiwalaan.. na pwede ko siyang maging kaibigan..

" Andy... "sabi ko at hindi ko na napigilan na mapaiyak sa harapan niya.

niyakap niya ako.

" Sabi ko naman sayo.. This school burns... Maging matatag ka. "sabi niya.

" Bakit ganun? Kailangan ba talagang mawala yung mga kaibigan ko para lang maging matatag ako? "sabi ko.

" Ash.. Listen...Hindi lahat ng kinakaibigan mo... Kaibigan mo hanggang sa huli... "sabi niya.

" Bakit naman kailangang sobrang bilis Andy? Bakit? "tanong ko.

" Kasi ang tao madaling magbago. Lalo na pag nasaktan mo. Kapag nakuha mo yung dapat naman talaga na sakanya. "sabi ni Andrea.

" Hindi ko naman inagaw si Andrei. "sabi ko.

" Oo.. Literally hindi.. Pero Ash.. Ang buong atensiyon niya ay nasayo na . Mas masakit yun. Dahil yung taong mismong mahal niya ang lumayo sakanya. "sabi ni Andrea.

" Bakit hindi niya ako hinayaang magpaliwanag? Bakit naniwala siya agad sa nakita lang ng mga mata niya? "sabi ko.

" Ash.... Masakit pag nakita mo.. Na palayo na sakanya ang taong mahal niya... "sabi ni Andrea.

Hindi ako nakapagsalita.

" Naiintindhan kita.. At naiintindihan ko rin si Loraine.. Kasi minsan na ring nangyari sakin yun. "sabi ni Andrea.

tinignan ko si Andrea.

Ngumiti siya sakin...

Nginitian ko rin siya..

Tapos may nakita akong lalaki na parating...

Si Wayne....

Magsasalita na sana ako...

kaso....

nung palapit na siya sa akin...

bigla na lang niya akong nilagpasan...

ouch....

Hindi kaya niya ako nakita???

Bakit parang wala siyang pakialam ngayon sa akin???

"I need to go now Ash.. Mamaya sabay ka samin mag lunch. "sabi ni Andrea.

"Sure..Sige ba." sabi ko naman at pumasok na ako sa loob.

Nang makalapit na ako sa mga Hunters...

"Hi best! "nakangiting sabi ni Timothy sakin.

siguro nga ito ang dapat....

Hindi ko dapat ipakita na nasasaktan ako...

"Hi din best." nakangiti kong sabi at nang uupo na ako ay biglang nagsalita si Wayne.

"Hoy Timothy... Tara palit tayo ng upuan. Diyan ako. "sabi ni Wayne at nilagpasan niya na ako.

Bakit ba siya ganito??

diba sabi niya mahal niya ako??

Bakit ngayon balewala na ako sakanya?

dahil ba si Denise ang gumamot ng mga sugat niya???

unfair!

Hindi niya ako talaga mahal pag ganun.

"Huy okay ka lang? "biglang sabi ni Hanz sa akin.

"Oo naman... Okay ako...." sabi ko naman.

"Tss.. "

Uh???

Tama ba ang dinig ko???

nag react siya sa sinabi ko o assuming lang ako???

Bakit ba ako nasasaktan?

nasasaktan ba ako dahil mahal ko na si Wayne??

pano ba to?

pano ko malalaman na ganun nga?

haist

my New bUrning school...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon