The Visit...

741 40 2
                                    

WAYNE'S POV

"Katukin mo na lang ako sa kwarto ko pag may kailangan ka. Bihis lang ako. "sabi ko kay Ashley nang makapasok na kami sa condo.

" Yes boss. "nakangiti naman na sagot niya sa akin.

Iniwan ko na lang siya sa kusina. Alam ko naman na kabisado na niya ang mga gamit dun. Hindi ko na siya kailangang i assist at baka magka pikunan na naman kami..

Ewan ko ba!

Pero sa totoo lang....

Kapag nag aaway o nagkaka asaran kami... Ako ang palaging talo eh. Kumbaga dinadaan ko nalang sa sigaw at pagalit na tono ang boses ko para tumigil na siya.

Eto kasing babaeng to eh! Napaka baliw masyado...

Takas ata sa mental kaya kung ano anong kalokohan ang nasa isip.

Tska.... Yung tipong..

Galit ka na nga tapos kukulitin ka pa?

Asar lang!

Siya lang kaya ang nakakagawa nun.

Sina Andrei? Kahit sobrang kulit nun... Pag sumigaw na ako... Titigil na siya..

Si Ashley?

Ayun.... Hihirit pa!

May araw din sakin yun..

Baka nakakalimutan niya.

Slave ko siya..

Hahaha..

Badtrip kasi yung kanina eh.

Ang arte kasi!

Kung ano anong nakikita na kakornihan... Tapos napagkamalan tuloy kami na mag boyfriend ng isang lola..

Nasermonan pa tuloy ako! tss.

Kasalanan ng babaeng yun!

Naalala ko na naman yung pagtawag ko sakanya ng Tams!

Pusang gala! Bat kasi nadulas ang bibig ko at nasabi yun eh!

Alam ko naguluhan din naman siya nung marinig niya yun..

Tapos nakong magbihis at naisipan kong silipin muna si chinita na nagluluto..

"Ayos ka lang? "tanong ko kay Ashley na nasa sink at nakatalikod sa akin.

" Wayne naman eh! Wag kang basta basta nalang nagsasalita ng nasa likod ko.! Nagugulat ako eh! "reklamo ni Ashley at napaharap sa akin.

Magsasalita sana ako nang makita ko ang ayos niya....

Napatigil ako..

Shemay!

Nakataas na ang mahabang buhok ni Ashley at naka unbutton na ang tatlong butones ng uniform niya! Yung sleeves niya nilislis din niya hanggang sa siko...

Tapos...

Ngayon ko lang nalaman na maiksi pala ang skirt niya...!

Ay pambihira!

Hindi ba niya alam na lalaki ang kasama niya?

"Uy Wayne! Wayne! "bigla akong natauhan sa pagtawag sakin ni Ashley.

my New bUrning school...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon