Confusion... Revelation..

810 42 3
                                    

ASHLEY'S POV

Hanggang ngayon nagrereplay padin sa utak ko yung sinabi nung lalaki sa akin sa may corridor...

Imposible na magkamali ako... Alam ko... Si Wayne yun.

Pero....

Bakit naman niya sasabihin na umalis ako sa school na yun?

Iniisip ba niya na hindi ko kakayanin ang school na yun? Masyado naman nila akong minamaliit...

Tss...

Nakakapanibago.... Wala ng butler O mga katulong para magtanong kung ano ang susunod kong gagawin... O magsasabi ng mga dapat ko pang gawin...

Hoo! I'm totally free :)

Si lolo kaya? Iniisip din kaya niya ang first day ko? Hay... Wag ko na nga lang isipin... Pati sina mommy at daddy parang hindi ako kinakamusta... Well siguro part na din ito ng kalayaan na hinihingi ko.

Dahil na rin sa pagod ko ay napapikit na ako at nakatulog....

===================

Heto na ang 2nd day. As promised hindi na talaga akong male late. Ang worst lang na ma detention..

Hays.....

Naglalakad na ako papunta sa room. Napaka normal talaga eh. Parang....

Hindi kapanipaniwala ang tungkol sa pagiging delikado ng school na to.

Hayaan ko na nga lang...

"Uy! "biglang may tumawag sakin sa may likuran ko kaya napalingon ako.

" Ikaw pala Loraine. Tara sabay na tayong pumasok sa room. "sabi ko.

" Sige ba. "sabi niya at nagkangitian lang kami.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Nasa may pathway na kami at wala kami Masyadong nakakasalubong na mga estudyante.

" Loraine.. Masyado ba tayong maaga? Bakit parang wala masyadong tao? "tanong ko.

" Wag mo ng isipin yan. Siguro may palabas lang sila na ginagawa ngayon at nag e enjoy sa panonood. "nakangisi na sabi ni Loraine.

Palabas?? Para san? Nakakabobo naman...

Hindi ko na lang sinagot ulit si Loraine at baka maguluhan ako ulit.

Naglalakad ulit kami ng walang imikan ng biglang may narinig ako na malakas na hiyawan. Tingin ko malapit sa likod ng building namin.

"Hindi na talaga sila makapag antay. "naiiling na sabi ni Loraine.

" Huh? Mag antay saan? Tska ano yung ingay na yun? "tanong ko.

" Tara para malaman mo. "sabi niya at nauna na nga siyang maglakad.

At nang makarating kami sa likod ng building...

Nakita namin na naka round ang mga estudyante at nasa gitna ang dalawang lalaki na nag aaway at sa gilid nito may babae na naka tali sa isang poste... Umiiyak siya.

my New bUrning school...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon