HIS POV

643 26 0
                                    

WAYNE'SPOV

"Takte pare!!!! Naloko na!!! hahaha!!! "kantiyaw ni Andrei sakin nang mai kwento ko sa tatlong unggoy na to ang tungkol sa napag usapan namin ni Ashley...

"Pambihira Wayne!!! Anong pumasok sa utak mo at pumayag ka?" natatawa ring sabi ni Timothy.

"Anak ng tipaklong na color blue Wayne!!! Nagbibinata na ang loko!hahahaha! "pang aasar pa ni Hanz.

" Aish!!!! Tumigil na nga kayo..! Tatamaan kayo saking tatlo eh!! "naiinis narin na sabi ko.

nandito sila ngayon sa condo ko.. Pinatawag ko sila para sabihin sakanila ang napag usapan namin ni Ashley.

"Pero seryoso Wayne... Kakayanin mo kaya???" sabi ni Hanz.

si Hanz talaga ang may pinaka seryosong mood pag ganito. pero kung lokohan.. Mas maloko rin siya. Nasakanya na ata lahat ng extremes.. xD

teka... ano na nga ulit yung sinasabi ni Hanz?? Kung kakayanin ko??? Ewan... Siguro...

"Basta ang alam ko gusto kong gawin yun. Yun nalang ang paraan para masigurado na sakin ang bagsak niya sa huli. "sabi ko.

"Kita mo tong si Wayne.. Magiging slave na nga pero kung magsalita parang ang bossy parin.." sabi ni Andrei.

"Eh sa ganito na ako eh.. Mahirap kaya magbago! "sabi ko.

" Anong mahirap??? Nagbabago ka na nga e.. "sabi naman ni Timothy.

"Ano namang ipinagbago ko??" tanong ko.

"Una sa lahat....Pare..First time... First time na may pinapasok kang babae dito sa condo mo."sabi ni Andrei.

totoo yun..

"At hindi lang basta pinapasok tol. Kinama mo pa! "dagdag ni Andrei.

ay pambihira! ano ako manyak??? Loko talaga to! mabatukan nga!

"Anong kinama??? Sinamahan niya lang ako sa kwarto ko!!" sabi ko.

"Ahahahaha!!! Epic ng mukha mo bro. Defensive much?? "sabi ni Andrei with his gay accent.. baliw to eh!

"At ito pa.. First time na ginawa mong couple shirt ang family shirt ninyo... O diba?? E diba exclusive lang yun para sa mga Fordham!" sabi naman ni Hanz.

"E wala akong maipasuot sakanya e! "sabi ko.

" Mga katwiran na yan eh! Sabaw na sabaw dre!! "sabi naman ni Timothy.

"Tska ang matindi pre.. Hinarana mo siya sa mismong bahay mo.. Na kahit nga kami hirap makadalaw dun eh!" sabi ni Hanz.

"At yung pinaka hindi kami makapaniwala... yung mag grocery ka kasama ang isang babae... at... yung guest room.. ay tae! Kahit lasing ako nun pare... Kitang kita ko ang feminine design sa loob... At pambihira!!! Amoy Ashley!!!!! "natatawang sabi ni Timothy.

ay! pambihira..! Kailangang ibuking ako sa mga pinaggagagawa ko???

" Oo na! Kailangan talaga ulit ulitin??"sabi ko.

"Yown! Pa deny deny ka pa eh!"nakangiting sabi ni Hanz sabay tapik sakin.

Hindi nalang ako nagsalita dahil alam kong talo lang din naman ako sa mga to.

1 newmessage receive...

chinita : hoy! hindi ka ba marunong mag text???!

napangiti naman ako sa nabasa ko..

oo nga pala.. sabi ko tatawagan ko siya pag nakauwi na ako..

my New bUrning school...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon