my heartbreak...

587 19 0
                                    

WAYNE'S POV

kelan ba yung huling umiyak ako??

yung nasaktan ako ng sobra sobra na ako lang din ang may gawa??

Kelan ba yung huling nagmakaawa ako sa isang babae para ako lang ang piliin niya?

Kelan ba ako huling sumugal para lang maipakita ko yung pagmamahal ko sakanya..

Para makabawi sa kamaliang nagawa ko.?

halos hindi ko na maalala...

na ngayon nagagawa ko na ulit..

natatakot akong ma reject pero sumugal ako..

Kung ito lang ang paraan para makuha ko ulit ang tiwala niya.... paulit ulit kong gawin ang bagay na to.... Hindi ako magdadalawang isip.....

oo.. aminado naman ako na gago ako.. na sobra akong naging masama sakanya... pero sana naman...! Hindi pa huli ang lahat para maitama ko ang mga mali ko.

naiiinis ako dahil naunahan ako ni Hanz.... Gustong gusto ko na siyang sapakin habang iniisa isa niya ang bawat plano na ginawa ko dahil lang kay Ashley... O sabihin na nating patibong para manalo si Andrei sa laro na siya ang nagsimula...

pero hindi pa ba maliwanag na nagsisi na ako at gusto ko ng baguhin yun??

oo na! inaamin ko na... Ako yung nahulog... Ako yung nagmatigas pero sa huli ako parin ang sumuko..

Ashley... patawarin mo naman ako... O kahit wag na muna ngayon...

Basta ako lang ang piliin mo..

Ang pakasalan mo.. wag ng sila...

please.....

"Ashley.... Ako naman ngayon pwede??? Pinakinggan mo na silang lahat... Pero ako..Ako Ashley....! Ako naman ang pagbigyan mo... Pwede??? Mahal na mahal kita.. "patuloy parin ako sa pagmamakaawa....

pero hindi parin siya nagsasalita..

ganun na nga siguro kasakit ang ginawa ko... na kahit yakap ko.... parang nandidiri na siya.. habang kinakalas niya ang pagkakayakap ko sakanya... mas hinihigpitan ko to..

ayokong sayangin ang pagkakataon na to para mapatawad niya ko..

"Nasasaktan ka ba?"Yan ang tanong niya sakin...

"Oo... Oo Ashley.. Chinita ko... Nasasaktan ako para sayo.... Kung pwede lang hingiin ko sayo lahat ng sakit na naidulot ng kagaguhan ko... Kukunin ko lahat wag ka lang masaktan Ashley.... Please..... Ako naman. "Wala akong mahagilap na tamang salita para sagutin ang tanong niya.

pero isa lang ang sinisigurado ko..

na mahal ko siya.. Kaya kahit basang basa na ako... Hindi ko inintindi.. Kahit na alam kong mahina pa ako dahil sa sunod sunod na pakikipag basag ulo ko... Hindi ko siya iiwan dito.

"Bakit?? Bakit Wayne?? Ikaw ang pinaka mahalaga sakin dito sa school... Pero bakit ako pa ang pinili mong saktan?? "tanong niya..

"Oo. Plinano kong saktan ka pero hindi ko na itinuloy.. Dahil habang tumatagal... Minamahal kita..." sabi ko.

Totoo yun. Sana lang maniwala siya.

"Hindi Wayne... Hindi!!! Nasaktan mo na ako. Ang sakit sakit! "sabi niya at pinipilit tanggalin ang kamay na nakayakap sakanya.

"Hindi Ash! Wag... Wag kang umalis please! Pag usapan natin to o.!!! Ash......"

nagmumukha na akong tanga pero hindi parin ako titigil..

my New bUrning school...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon