Chapter 2

2.4K 39 0
                                        

"Adrian.."

Gumising ako mula sa isang masakit na panaginip. Pinunasan ko ang mga luha na kahit pala sa panaginip ko ay tumutulo.

Walang kasing sakit. Napakasakit. Pero hindi na dapat niya alalahanin ang mga ganoong pangyayari. It should remain there. It shoud be forgotten how she's slowly forgetting about the loss of Hillary.

"Petra, kumain na ba si daddy?" Tanong ko.

"Naku, hindi nga po eh. Maaga po siyang umalis pero hindi na kumain." Sagot niya.

Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. Kailan ko kaya siya ulit makakasabay kumain?

Saglit akong naiinggit sa doktor na nakasabay niya kahapon sa hapag. Mabuti pa siya ay nakasabay na niyang kumain si daddy.

And speaking of the doctor...

"Miss Gabourey!" Bati niya.

Kumunot ang noo ko. "Paano ka nakapasok?"

"Pinapasok na ako ng guard dahil alam niyang doktor ako ng daddy mo. Where's your dad by the way?" Tanong niya.

Umiling ako at bumaling muli sa aking pagkain. "He went out early. Ni hindi nga iyon kumain. Please tell him to atleast eat before leaving. It's your duty as his doctor to look after his health."

"Why not you? You're his daughter." Sagot niya.

I glare at him. "I would if I had the chance!"

Nanahimik na lang siya sa sinabi ko. Nanatili siyang nakatayo sa aking gilid kaya nilingon ko siya.

"Can't you at least be courteous enough to invite your visitor to eat?" Amused niyang tanong.

"I'm not really kind to strangers." I shot back.

"Oh! I'm kinda hurt. I've introduced myself, right? And you know I'm your dad's doctor. That alone doesn't make me a stranger." Aniya na lalo kong ikinainis.

"Pwede ba? Kung gusto mong kumain, lumabas ka na dito at pumunta sa isang restaurant! I'm sure you're paid enough to buy yourself a food!" Utas ko.

Humalakhak siya. Gosh, just look at this man! Nagawa pa niyang tumawa!

"You're rude." Natatawa niyang wika.

Nakita kong sinenyasan niya si Petra. Nilingon ko si Petra at halatang kinikilig dahil inutusan siya nitong si Dr. Ablaza!

I tried to glare at her pero hindi na niya iyon napansin. Pinaghanda niya rin ng plato at pagkain ang doktor. Pinagtaasan ko siya ng kilay pero wala siyang pakialam dahil nakatitig lang siya kay Dr. Ablaza na ngayon ay nakangisi sa akin.

"Thanks. Ano'ng pangalan mo?" What the hell! At talagang nagpapacute pa itong ai Petra!

"P-petra, Sir."

Nakita ko ang natatawang mukhang ni Dr. Ablaza pero pinigilan niya iyon sa pagnguso. So now, you're making fun of her name huh? Tss.

"Ah. Matagal ka na ba dito? Ganito ba talaga kaarte at kasungit ang iyong amo?" Nalaglag ang panga ko sa hampaslupang ito!

"Excuse me?!" Eksaherada kong wika.

"Ay naku! Hindi po! Mabait po 'yang si ma'am!" Naku, siguraduhin mo lang na hindi magbabago 'yang opiniyon mong yan sa'kin, Petra!

"Really?" Sumulyap naman sa akin ang doktor.

What, now?!

"Kayo po, ser? Ano ngalan nimo?" Nagpasway-sway pa itong si Petra! What the hell!

Unveiling TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon