Chapter 3

3.5K 69 2
                                    


"Oh, Andrea! Patawarin mo sana ako sa pakikialam ko sa buhay mo pero talagang nagsasawa na ako sa buhay-mahirap!"

Sa opinyon ni Andrea, nakakariwasa sa buhay ang mag-asawa Salazar. Isang munting mansiyon ang tahanan. Dalawa ang katulong sa bahay, ang kusinera at ang tagalinis/tagalaba na parehong stay-in. Ang driver at ang hardinero naman ay stay-out.

Dalawa rin ang kotse. Regular na nakakapag-shopping ng mga damit at mga pagkain. Halos kumpleto na sila sa lahat ng luho.

Pero kulang pa pala ang gayon para kay Daddy Apolo. May mga tao pala talagang walang kakuntentuhan...

"Ni hindi ko maibigay kay Anabelle ang life-style na nakasanayan niya," ang padaing na paliwanag ni Apolo. Nahukot ang matatag na linya ng medyo luyloy nang mga balikat habang nagtatapat sa kanya.

"Anak-mayaman si Anabelle ko nang magkagustuhan kami. Hindi naman tutol ang mga magulang niya sa akin dahil very promising ang career ko noon. Ang hindi ko alam, ang pag-iibigan namin ay may kadikit na malas. Nalugi ang kumpanya nila. Magkasunurang namatay ang mga magulang niya. At si Anabelle man ay muntik nang mawala sa akin dahil sa sakit sa puso."

Isinuklay si Apolo ang mga daliri sa nakakalbo nang buhok bago nagpatuloy. Nakatingin na rin sa malayo.

Para namang dinudurog ang puso ni Andrea habang nakikinig. Ngayon lang niya nalaman ang tungkol sa nakaraan ng mag-asawang umampon sa kanya.

"Mayroon akong access sa finance ni Don Sebastian dahil nabigyan niya ako ng power of attorney nung maparalisado siya. Nakuha ko na nang husto ang pagtitiwala ng matanda. Dahil nagdadalamhati rin sa pagkabilanggo ng kaisa-isang heredero."

Dinukot ni Apolo ang panyo sa bulsa ng suot na blazer at ipinunas sa mga butil ng pawis sa noo. Tila inaatake ng guilt.

"Napilitan akong pakialaman ang mga pondo upang maipagamot ang iyong Mommy. It was a short but very expensive treatment. Nang gumaling si Anabelle ko, natuklasan naman ang mga pang-uumit ko."

"A-ano po ang nangyari?" pigil-hininga si Andrea.

Umiling-iling si Apolo.

"Napatawad naman ako ng matanda, matapos ang mahabang paghingi ng kapatawaran. Marahil, naantig ko ang kanyang loob dahil sa ipinamalas kong pagmamahal sa aking asawa. Marami siyang kondisyon noon pero tinanggap ko lahat. Kahit na ano siguro, gagawin ko noon — huwag lang akong mawalay kay Anabelle. Alam kong mawawalan ng saysay ang lahat ng ginawa kong kasalanan kapag nabigla at inatake na naman siya kapag natuklasang naging magnanakaw at sinungaling na ako. Hindi niya alam na dinispalko ko muna ang malaking perang naging utang ko sa matandang Tantiangco."

Naghari ang mahinang pagtugtog ng instrumental tape sa loob ng kotse habang nag-iisip sila ng tungkol sa mga susunod na mangyayari.

"M-may kinalaman siguro ang pag-aampon ninyo sa akin sa mga kondisyon ni Don Sebastian," panghuhula ni Andrea nang makabawi siya.

Malungkot na tumango ang kanyang ama-amahan.

"Kahit na hindi ka maniwala, napamahal ka sa akin bilang isang tunay na anak, iha. Ang pagbibigay ko ng proteksyon sa iyo ay hindi lang para i-preserve ka kay Adrian — kundi dahil na rin sa kagustuhan kong manatili kang ligtas."

"Ang pag-aampon ko sa iyo at ang pag-aaruga sa loob ng limang taon ay isang sugal. Liyamado nga lang ako dahil binigyan ako ng partida ni Don Sebastian. May idinagdag siyang subclause tungkol sa aking anak na babae na napipisil niyang maging manugang — ngunit kung sakaling ayawan ni Adrian ay mawawalan ng bisa." Huminto muna para bumuntong-hininga.

"A-at sinabi rin sa akin ng matanda ang tipo ng babaeng makakabihag sa mailap na panlasa ng anak niya. Nasa iyo ang mga katangiang ibinulong sa akin ni Don Sebastian, Andrea! Hindi mo alam kung gaano kalaki ang kaligayahan ko ngayong narinig ko ang pagpayag mo," pagtatapos nito, tila maiiyak na.

Lalo nang bumaon papalubog si Andrea sa kumunoy ng awa at simpatiya sa adopted father. His show of gratitude and happiness seemed genuine. Parang tutoo ang mga butil ng luhang gumulong mula sa mga mata ng may edad na lalaki.

"Huwag na po kayong umiyak, Daddy," pang-aalo niya. "Ang dapat lang nating pag-usapan siguro ay kung ano ang dapat kong gawin p-para hindi ako maging disappointment kay – kay Sir, uhm, A-adrian..."

She was breathless when she finished her speech. Talagang inaatake siya ng sari-saring pakiramdam sa tuwing si Adrian Tantiangco na ang paksa.

"Mas makabubuti sigurong magpakita ka muna ng kaunting pagtutol sa umpisa para mapilitan si Adrian na manligaw sa iyo. Wala siyang choice dahil wala na siyang panahon."

Dinampot ni Adrian ang kanyang handbag na nahulog sa sahig ng kotse.

"H-hindi ba niya kayo iipitin kung sakaling ma-offend siya sa akin?" paniniguro niya.

Saka lang uli niya nakitang ngumiti ang ama-amahan. It was a boyish smile that took years from his old age.

"Adrian will roar, he will growl — but what the heck? Hawak natin ang alas — for once, anak ko. Just ride the thunder, Andrea. Magtiwala ka sa sarili mo at huwag kang magpaalipin sa takot."

Sabay silang sumakay sa elevator pero sa magkaibang floor na ang kani-kanilang destinasyon.

"Trust yourself, iha." Ganito ang habilin ni Daddy Apolo bago lumabas sa elevator.

"Yes, Daddy." Andrea smiled bravely. Hindi pa man niya naririnig ang sinasabing 'roar and growl' ni Adrian, kinakabahan na si Andrea!

Isang may edad na babae ang dinatnan niya sa loob ng maluwag na reception area. Ang ultra-modern na working station ay umokupa sa isang halos kalahati ng ispasyo. Dalawa ang telepono, bukod sa fax machine. Ang printer at ang copier ay magkatabing nakatayo sa tagiliran ng isang higanteng metal filing cabinet.

"Good morning, You must be Miss Salazar. Ako ang dating private secretary ni Don Sebastian Tantiangco. Nandito ako ngayon para ituro sa iyo ang lahat ng mga pasikut-sikot ng trabahong ito. Halika na. Ready ka na ba?"

"Uhm, ano po ang itatawag ko sa inyo, ma'am?" Estranghera sa kanya ang nagpakilalang sekretarya ng dating company president.

Kahit may isang taon nang nagtatrabaho si Andrea sa kumpanya, hindi pa niya nakikilala ang karamihan sa mga empleyado dahil bihira siyang kumain sa kantina. Hindi rin siya mahilig dumalo sa mga company events, maliban kung kasama si Daddy Apolo.

Tutoo kayang isang mahiyaing babaeng katulad niya ang tipo ni Adrian...?

**************************************************************************************************

SECRET LOVE (4 Stories) - (3) Love Thy Choice [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon