Chapter 8

3.1K 66 0
                                    



Tumango agad si Andrea. Kahit na hindi niya gaanong naintindihan ang idinahilan ni Adrian. Pagpapahingahin daw siya ngayong araw na ito. Hanggang gabi kaya?

Para namang naging mind-reader ang lalaki. "Tonight, it's gonna be another exciting, satisfying night for both of us," pangako nito habang ngumingiti nang papilyo sa kanya.

Nakaligtas naman si Drea na magkumento dahil may kumatok sa pinto.

"Si Chedeng na siguro 'yan," pahayag ni Adrian habang tumitindig. "Magpaasikaso ka sa kanya. Kahit na ano'ng gusto niyang gawin sa iyo para ma-relax ka, pumayag ka lang. Kapag tumutol ka, ako mismo ang mag-aasikaso sa 'yo, okey?"

Kinindatan siya ng asawa nang makita ang pagba-blush niya.

May tulak na wheeled trolley ang katulong. Nakangiti ito sa among lalaki nang pagbuksan ng pinto.

"Gising na po ba si ma'am?" tanong nito bago siya namataan na nakaupo sa malapit sa malalaking bintana, kungsaan naka-locate ang telephone stand with matching sofa chairs. "Ay, good morning, ma'am. Natanggap n'yo po ang tawag n'yo kanina?"

Napahinto ang lalaking papalabas ng pinto. "Tawag?" Tumutok kay Andrea ang mga matang matatalas.

"Hindi mo nabanggit na may tumawag na sa iyo nang ganito kaaga, love." Matigas ang pagkasambit sa endearment.

Hindi alam ni Andrea kung bakit siya dapat mataranta gayong wala naman siyang ginagawang masama. Ngunit hindi niya maiwaksi ang guilt feeling nang tumugon siya sa tanong ng asawa.

"S-si Karina ang caller ko kanina. Uhm, may itinanong lang na hindi makapaghintay," paliwanag niya sa paiwas na tono.

Saglit na sinipat pa siya ni Adrian bago ito tumalikod uli. Hindi tuloy niya alam kung naniwala ito o hindi.

Apologetic naman si Chedeng. "I'm sorry, ma'am. Hindi ko po alam na hindi alam ni sir ang tawag na iyon."

Ngumiti lang nang tipid si Andrea. "O-okey lang. Nawala naman kasi sa isip ko na sabihin sa kanya," bawi niya upang mapalis ang pag-aalala ng katulong.

"E, ma'am. Parang galit po kasi si sir, e." Hindi naman magawang kalimutan na lamang ni Chedeng ang nasaksihan.

"Nainis lang siguro, Chedeng," pakli niya. Ayaw niyang nerbiyusin agad siya. "Uhm, ano ba ang dala mo'ng almusal? O lunch na siguro iyan?"

Nagpatianod naman si Chedeng nang makitang ipinagwalangbahala ni Drea ang lahat. Naghain ito sa lamesitang nasa malapit sa kanya. Mainit na kape at mga bagong lutong tinapay na ngayon lang niya nakita ang lumantad nang iangat ng katulong ang malaking takip na aluminum.

Noon, ang tingin niya sa buhay ng mag-asawang Salazar ay mariwasa na dahil marami siyang natikman doon na wala sa bahay-ampunan. Ngunit hindi na ngayon...

Kumain siya habang inaayos ni Chedeng ang mga gagamitin nila sa loob ng banyo.

"Ma'am, ready na po kayo?"

Kanina pa siya handa dahil isang kagat ng tinapay lang naman ang nagawa niyang lunukin.

"O-oo," aniya habang tumitindig. Nananakit ang lahat ng mga kalamnan at kasu-kasuan niya. At parang nanlalambot siya.

"Halinakayo rito," aya ng katulong na nakangiti.

"S-salamat at nagustuhan mo na agad ang presensiya ko rito," sambit niya nang nakalubog na siya sa maligamgam na tubig na pulos mabangong bula.

Ngumiti lalo si Chedeng sa tinuran niya. "Ang tutoo po, ma'am, natatakot kaming lahat kung ano'ng klaseng ugali meron ang susunod na Mrs. Tantiangco. Ang dati po kasi, iyong Mama ni Sir Adrian, ay napakabait. Kaya po mahal namin siya," pahayag ng dalaga sa masiglang tono.

SECRET LOVE (4 Stories) - (3) Love Thy Choice [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon