Chapter 11

2.5K 57 0
                                    



Si Chedeng ang nasa kabilang linya. "Ma'am? Si Chedeng po ito. Mayroon po kayong bisita dito. Nais n'yo po bang babain? Ahm..kapatid ni Don Sebastian."

Hindi siguro umaandar nang maayos ang utak niya nang mga sandaling iyon. Hindi niya napuna ang kakatwang pagbigkas ni Chedeng sa salitang 'kapatid'. Kaya imbis na tumutol siya, sumang-ayon siya sa pagharap sa di-nakikilalang kamag-anak ng kanyang asawa.

"Okey, bababain ko siya, Chedeng."

"H-ho? A, e, s-sige po. Sasabihin kong papababa na kayo dito."

Nagbihis ng simpleng bestida si Andrea bago siya pumanaog. Para siyang wala sa sarili habang nagsusuklay siya ng mahabang buhok. Sanay na siyang ilugay lang ang mahahaba at matuwid na hibla dahil gayon lamang ang nais na hairdo ni Adrian sa kanya.

She really wasn't thinking straight dahil hindi man lang niya naitanong sa kanayang sarili kung tama ba ang gagawin niyang pagtanggap ng bisita nang hindi nalalaman ni Adrian.

She was moving and talking like an automaton. Nasa malayo ang kanyang isipan habang maantak sa matinding sakit ang kanyang puso.

"Ah, napakaganda pala ng napangasawa ng aking pamangkin," anang isang tinig-babae na parang huni ng isang makamandag na ahas.

Nagulat pa si Andrea dahil hindi niya akalain na pinagmamasdan na pala siya sa kanyang pagpanaog. Nakita niya ang isang babaeng maputi na ang buhok at may mabalasik na pagmumukha. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatutok sa kanya!

Andrea remained unmoving as the old woman stalked towards her. She was like a prey to a wild hungry animal in a forest.

"S-sino po kayo?" tanong niya nang nasa harapan na niya ang mukhang salbaheng nilalang.

"I'm the nemesis of Adrian Tantiangco. Ako ang kanyang katapusan!" umpisa nito. Pagkatapos ay humalakhak nang mataginting na animo isang demonya.

Kinilabutan si Andrea. Nayapos niya ang kanyang sarili nang wala sa loob niya. Nakatitig siya sa mga matang malilisik na animo nanghihipnotismo.

Huminto ang paghalakhak upang ipagpatuloy ang naudlot na introduction. "Ako si Donya Crisanta Tantiangco, ang kaisa-isang kapatid at tagapagmana ng nasirang si Don Sebastian!"

Namutla nang husto si Andrea. Ito ang ikinuwento ni Chedeng na naging dahilan ng pagkakakulong ni Adrian!

"A-ano'ng ginagawa n'yo rito?" panghihilakbot niya. Ang kaligtasan agad ng asawa ang pumasok sa kanyang isipan. Ni hindi niya naisip na maaaring siya ang target ng masamang babae.

"Kinikilala ka," ang simpleng sagot.

Pilit niyang kinalma ang kanyang sarili. "D-doon po tayo sa sala kung gayon," aya niya habang pinupuwersang utusan ang mga paa na ihatid siya sa gusto niyang puntahan. "Magdadala doon ng maiinom ang mga katulong," dugtong pa niya.

Tila bahagyang napamaang ang panauhin niya. Muli itong tumitig sa kanya. "At marunong ka palang humarap sa tao, ha? Ang akala ko'y tagabundok ang napangasawa ng pamangkin ko kaya ni hindi nag-imbita ng iba nung kasal n'yo," panunuya nito.

Kunwari'y walang narinig si Andrea. The truth is nagugulat din siya sa kanyang sarili. She didn't know that she could be composed.

Naghihintay nga sa kanila ang namumutlang si Chedeng. Ngunit halatang hindi ito maaasahang magtatagal sa paghaharap na iyon bilang chaperon dahil tumalilis agad ito matapos ang isang matalas na pagkambat ng ulo ng donya.

"T-tawagin n'yo na lang po ako, ma'am, kapag may kailangan po kayo," paalam nito sa kanya bago lumabas ng pinto.

"Maupo kayo," alok niya sa matandang donya. Hindi siya naupo hanggang hindi ito tumatalima.

SECRET LOVE (4 Stories) - (3) Love Thy Choice [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon