Chapter 4

3.5K 73 1
                                    

******
"Ay, oo nga pala! Hindi ko man lang naipakilala ang sarili ko. Ako si Mariz Santos. Tumandang dalaga na ako sa paglilingkod sa mga Tantiangco. Sila na ang naging pamilya ko kaya kahit retired na, dumating ako nang ipatawag ni Adrian."

"Kumusta po kayo, Miss Santos?" Andrea greeted the older woman shyly.

"Tawagin mo na lang akong Tita Mariz, iha. May palayaw ka ba? Can I call you Andrea?"

"Drea po ang nickname ko, Tita Mariz."

"I'm glad you're the one assigned here. You look sensible and calm. Okey lang ang medyo mahiyain dito pero bawal ang madaling mataranta."

Tumawa si Tita Mariz.

"Hindi kita tinatakot, ha? Baka biglang kang mag-back-out. O, siya, ipapakita ko sa 'yo ang paggamit sa lahat ng office equipment dito. Mamaya na tayo magkape pagkatapos."

Nasa mahigit singkwenta na marahil ang edad ni Tita Mariz pero masigla pa rin kumilos. At napakabilis magsalita. Mahilig ring ngumiti at tumawa.

Kapuna-puna rin na nagiging magaan at magiliw ang tono sa tuwing binabanggit si Adria Tantiangco

*******

"Hay, salamat sa Panginoong Diyos! Nakalaya na sa wakas si Adrian. Inosente siya. Wala siya dito sa Pilipinas nung naganap ang krimen na ibinintang sa kanya. Ginamit rin ni Don Severeno ang kapangyarihan ng salapi pero nauwi sa wala ang lahat ng mga ebidensiyang nagsasabi na inosente si Adrian."

Kasalukuyan na silang nagkakape nang magsimulang magkuwento ng tungkol sa bagong company president si Tita Mariz.

"Hindi pa rin naman nagpabaya sa tungkuling minana si Adrian dahil kahit na nasa kulungan ay napangalagaan pa rin ang kumpanya. Ako ang nagsilbing sekretarya niya doon."

"H-hindi po kayo natakot sa pagpunta sa bilibid?"

"Oo naman. Atsaka nasa minimum security si Adrian.Parang na-house arrest lang kung tutuusin. May sarili siyang selda na medyo kumportable para makapagtrabaho, mag-ehersisyo, at matulog."

Andrea was wondering. Ano'ng mayroon si Adrian para makuha ang kumpletong loyalty ng isang empleyadang katulad ni Tita Mariz?

Mayroon sigurong nakitang good side ang matandang dalaga sa bruskong personalidad ng kanilang boss...

At sana lang, for the sake of her sanity, makita rin niya iyon!

She was not marrying for love. Pero sana naman ay may magustuhan siyang ugali ni Adrian. Para naman hindi maging lubos na parusa ang magpatali dito habang buhay.

Girl, huwag ka munang mag-isip ng kung anu-ano. Hindi pa nga siguradong magugustuhan ka ng lalaking iyon.

Nahahati tuloy sa dalawa si Andrea. Matutuwa siya kung hindi nga siya ang pipiliing bride ni Adrian Tantiangco. Pero isang mabigat na kalbaryo naman ang magiging kapalit dahil sa malaking pagkakautang ni Daddy Apolo.

Kaya dapat niyang gawin ang lahat ng makakaya para maakit sa kanya ang lalaking iyon!

Pero paano ba mang-akit ng lalaki? Ni hindi niya nga alam kung paano magsimula ng conversation. Kapag may lumalapit sa kanya, pulos ngiti lang ang nakakaya niyang gawin dahil sa sobrang pagka-mahiyain. Hindi siya katulad nina Louise at Karina. Ang kapareho niya ng ugali ay si Joan.

Dapat sigurong manghingi siya ng mga points sa mga kaibigang bibo sa pakikiharap sa mga lalaki...

Hindi kaya nakakahiya?

Hay, Andrea! Kailangan mong matutuhang pakiharapan si Adrian Tantiangco!

Bago mag-lunchbreak nang nagpaalam si Tita Mariz. Ibinigay kay Andrea ang telephone at cellphone numbers.

SECRET LOVE (4 Stories) - (3) Love Thy Choice [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon