Chapter 5

3.4K 67 0
                                    


*******
I want you to be my wife, Andrea Salazar. You're my first choice. The first time I heard your voice, alam ko agad na ganito ka kasarap humalik!"

If she wasn't feeling devastated by the deep and hungry kiss, matatawa siguro siya dahil nahuhulaan na niya ang magiging reaksiyon at kumentaryo ng kanyang mga kaibigan.

Nangangarap din si Drea minsan ng mga tender moments with her right man — still an unknown man, dahil wala naman siyang napipisil pa sa mga nagpapalipad-hangin sa kanya. Ngunit hindi niya kailanman na-imagine na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari.

Inaasahan niya siyempre ang ilang mga pagdiga... ngunit hindi niya kailanman inakalang magiging ganito ka-prangka ang pagsasabi ng lalaking makakaniig ng tungkol sa nadarama nito.

Pinilit niyang makapagsalita. "P-paano ka nakasisigurong maibibigay ko ang lahat ng mga panggangailangan mo?" May panghahamon ba sa kanyang boses na nanginginig?

Ngumiti ang lalaki. He was also out of breath with excitement. "Don't pretend to be frigid, my sweet bride-to-be," he chided in a tender voice. "I was a connoisseur of women in my time. And you, Drea, have a high level of passion!"

Pakiramdam ng dalaga nang mga sandaling iyon, hinihigop siya ng isang malakas na ipo-ipo. Even her friends, who knew her since childhood, were not able to guess what her reactions would be when she would be kissed by a man.

"Hihimatayin si Drea," hula ni Joan.

"Walang epekto, masyadong reserved, e," ang kay Louise naman.

"Mga eng-eng," bawi naman ni Karina,"buti kung makalapit ang lalaki kay Drea. Baka nagtitili na 'yan bago mayapos ni Adan!"

A hysterical peal of laughter traveled her aching throat but came out as a series of desperate sobbing.

Pinahid ng mga daliri ni Adrian ang mga butil ng luhang dumadaloy sa kanyang nanlalamig na mga pisngi.

"Bakit ka umiiyak? Hindi ka naman mapapariwara sa pagpapakasal mo sa akin. I am a rich man. I can give you anything you want, Drea." pahayag nito habang nakatitig sa kanya ang mga matang tila lumamlam.

"In exchange, mabubura na ang dumi sa pagkatao ni Apolo. Makakalaya na siya sa obligasyon niya kay Papa. He can go on with his life with more freedom to decide for what he wants. Believe me, Drea. Napakahirap para sa isang lalaki ang mawalan ng kalayaan. I've been without my freedom for many years. Akala ko nga, hindi na matatapos ang bangungot...."

Natapos sa isang malalim na buntong-hininga ang pagsasalaysay nito.

"A-alam mo bang ampon lamang ako?" tanong niya nang makontrol na niya ang pagbukal ng simpatiya sa kanyang kalooban.

Parang ibig naman niyang maiyak para sa nawalang kabataan ni Adrian Tantiangco...

Ayon kay Karina, talo na ang babae kapag nangibabaw ang sympathy para sa isang lalaki.

"Iyan ang dahilan kung bakit maraming babae ang nabobola ng mga married men, girls."

"Yes," tugon ni Adrian. "But so what? I don't have a clean record for my character. Isa pa, wala na akong panahon na maghanap ng isang babaeng kumpleto sa breeding, background and education. After all, a beggar can't choose!"

Kung hindi sa huling idinagdag ni Adrian, baka tuluyan na ngang nahulog sa bitag si Drea.

Para na din kasing sinabi ng lalaking ito na hindi na namimili ang taong nagugutom!

Yumuko na lang siya upang ikubli ang paghihinakit na maaaring rumehistro sa kanyang mukha.

"S-siguraduhin mo lang na sigurado mo na ang sarili mong desisyon," bulong niya habang ipinapasa-Diyos na lamang ang kanyang kinabukasan.

SECRET LOVE (4 Stories) - (3) Love Thy Choice [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon