THE GREAT PRETENDER

250 3 4
                                    

Prologue

Bakit ganun? Bakit ba hindi ko maiwasan ang mag-expect? Kahit alam kong imposibleng mangyari, iniisip ko parin na posibleng mangyari un. Oo, mahilig akong mag-expect. Lagi kong iniisip na babalik pa siya..kahit na alam kong imposible na. He’s the ideal man and I’m just the simple girl na parang hangin lang sa karamihan. I thought na ang simpleng babaeng katulad ko, never makakasakit ng ‘ideal man’ na tulad niya. Pero bat ganun? Kahit wala akong gawin, nasasaktan ko parin siya. Haay. Eto nga siguro ang nagagawa ng ‘love’ na yan. Love complicates everything. Simple lang naman ang buhay ko…hanggang sa dumating SIYA. Pero sinayang ko lang e. Mahirap ung saka mo lang marerealize na di mo pala kaya na wala siya kapag nilet go mo na siya. Sobrang sakit. Umaasa ka nalang na sana, may second chance pa. Second chance para ipadama mo sa kanya na kailangan mo siya, at na mahal mo rin siya. Alam mo pa ang nakakainis na nangyari sakin? Wala na nga talaga ung feelings ko para sa kanya pero dahil sa isang sayaw, babalik ang LAHAT. Bat ba kasi kailangang ma-inlove kung hindi pa naman ready un puso at isip mo? Sabi nga sa kanta “we had the right love at the wrong time”. Bat pa ba kailangan mong mahulog sa maling pagkakataon? Hindi ba pwedeng kapag mature ka na at ready ka nang tanggapin ang consequences ng love, saka lang magrered alert un puso mo? Whooo. I hate my heart. Palit nalang tayo oh. Sarap kasing saksakin nitong sakin e. Pano ba naman..Tibok kasi ng tibok para sa kanya.

Ok. Eto, seryoso na. Don’t cover yourself up or pretend as if you felt nothing. Love is not a game so don’t play with it. Once you’ve felt it, live with it and don’t be afraid of the consequences that it will cause. Wag na wag magpepretend kung inlove ka naman sa isang tao kasi hindi natin alam kung hanggang kailan siya willing masaktan dahil lang sa mahal ka niya. Remember, marunong din magsawa ang tao and feelings fade. Nothing is permanent kaya wag maging kampante. Mahal ka niya. pero ikaw, mahal mo ba siya? Until when am I gonna pretend what I feel about him? Until when? Wala parin akong idea pero sa tingin ko..magpepretend ako hanggang sa hindi na kayanin ng puso ko.     

THE GREAT PRETENDERWhere stories live. Discover now