CHAPTER 4

44 0 0
                                    

CHAPTER 4

“Charee, I’m gay. Inlove ako kay Christian. Lumalayo lang ako sayo dahil alam ko namang crush mo ako, obvious te. Pero nandidiri kasi ako sa babae kaya sorry ka nalang sis. Tsaka para magkaintindihan tayo, akin lang si Christian so chupe!”

Pagkasabi niya nun.. Hindi ko na malaman kung ano ba ang pwedeng gawin dito sa baklitang to. Sayang. Gwapo pa naman siya tapos, bading pala. Grr. Nabawasan nanaman ang lahi ng mga pogi.

“Sure ka ba? Baka confused ka lang..”

“Wakiz te. Super duper trueness surelalu na aketch sa pagjoin sa lahi ni Eba^_^”  

Argggggggg!!!!. I hate it. Di ko talaga matanggap na bading siya T_T

JOKE LANG.

HINDI YUN UNG SINABI NIYA.

LOL:))

Seryoso, eto na talaga.

“Mahal kita Charee..”

Oh my..buti nalang sa text lang to at hindi sa personal. Siguro kung sinabi niya to sakin ng harapan, tatakbo nalang ako papalayo sa kanya.

“Same Troy^_^”

“Hindi ganun un e. Mahal kita, hindi lang bilang kaibigan..”

“Haha. Adik. Joke ba yan?”

“Totoo to..”

“Troy naman..wag kang magbiro ng ganyan.”

“Charee.. Simula nung araw na nagkakilala tayo dahil kay Mage, nagbago na ung buhay ko. Hindi na ako pala-DOTA at mas ginaganahan na akong mag-aral. Alam mo bang gabi-gabi, ikaw ang nasa isip ko? Kapag nasa skul tayo, hindi ako mapakali tuwing hindi kita nakikita. At tuwing nakikita naman kita na may kasamang ibang lalake, nasasaktan ako. Kahit alam kong kaibigan mo lang sila, hindi ko parin mapigilang magselos. Ganito lang siguro kapag nagmamahal. Cha, please naman. For once, paniwalaan mo naman ako. This damn heart is beating for you. ”

Un ang last text niya at hindi ko na siya nireplyan. Hindi ako makapaniwala. Haay. Bat ganun.. ngayong mahal ako ng crush ko, malungkot naman ako.

Oo, malungkot ako. Dahil sa pag-amin niya, nag-iiwasan na kami. Namimiss ko na ung pangungulit ko sa kanya. Namimiss ko na ung ngiti niya. Namimiss ko na ung presence niya. Namimiss ko na ung mismong siya.

Oh. And for the record, siya ang first guy na nagkagusto sakin. Congrats Troy. Mahal din kita…pero sorry..bilang kaibigan lang talaga.

--------------------------------------

Lumipas ang 1st week ng class ngayong January pero di parin kami nagpapansinan.

Di ko na kaya un pag-iiwasan namin ni Troy. Dahil lang sa pag-amin niya, masisira na ung friendship namin? Ayoko. Kakausapin ko na siya mamaya.

Oh, speaking of Troy…..andito na siya………sa mismong harap ko pa…….

“Uhh..Hi?” oh my.dugs-dugs-dugs.ang awkward-.-

“Hi Cha” ngumiti siya and I think that’s great.

Alam naman niyang kaibigan lang turing ko sa kanya eh. At ok na yun. Alam ko namang mabait siya at maiintindihan niya ako e.

“Kamusta ka na?”

“Ok naman. Troy..sorry ha.”

“Sus. Ok lang un. Basta ang mahalaga, magkaibigan parin tayo^_^”

THE GREAT PRETENDERWhere stories live. Discover now