CHAPTER 10
[Charee’s POV]
Now i wanna do it up So Big,
Party it up So Big,
Spend it up So Big,
So the whole world knows,
my love for you is So Big,
My heart is So Big,
My love is So Big,
For you, for you…
Ughhhhhhhhhhhh.. Ang aga-aga pa e.. Sino ba tong tumatawag?
Patuloy parin sa pagtunog ung phone ko.. Haaay.
Chris x_x Calling…
Ano?!? Siya pala yung tumatawag. Di ko manlang sinagot kaagad. Tsss.
“Ohh Chris..”
“Good morning Sensei!!!!”
“Ouch. Wag kang sumigaw. Kagigising ko lang..”
“Halata nga sa boses mo. Haha. Ang tagal mo namang sagutin ung tawag ko kanina”
“Inaantok pa kasi ako e..”
“Ganun. Sorry. Parang di ka naman na nasanay na lagi akong tumatawag sayo every morning:D”
“Sanay naman na.. Pero inaantok pa talaga akooo ngayooonnn…”
“Gising naaaaaaaa!!!! Sleepy head. Hahaha. Tara, jogging tayo. Para magka-abs ka naman. Bumangon ka na diyan..”
“Ayoko..Ayokong magka-abs…At tinatamad akooo..”
“Sige na… Di mo pa ako pinagbibigyan kahit once e.. Please. Please. Please…”
“Ayaaaaw. Tsaka di rin naman ako papayagang lumabas ng ganitong oras noh. Ang aga pa. Tas lalake pa kasama ko. Gusto mo, isama natin un Papa ko?”
“Uhhh… Wag na pala. Hahaha. Ge, tulog ka na ulit. Sweet dreams Sensei!!”
“Ok.. Bye..”
Then binaba ko na yung tawag. Lagi kasing ganun. Ayaw niya na siya yung nagbababa ng tawag. Dapat daw ako, kasi di raw maganda pag binababaan ng tawag ng guy ang isang girl. Kaya ganun.
Haay.. Di na ako inaantok.. Chris kasi e.. Nagyaya nanamang mag-jogging. Tapos nung sinabi kong isama ko si Papa, biglang ayaw na niya. Takot ata. Tsk tsk.
Gusto ko pang matulog!! Pero di na talaga ako inaantok T_T
Pupunta na nga lang ako sa kusina, kuha ako ng milk then tatambay sa garden.
Hehe. Ang tapang ko noh. Medyo madilim pa ung paligid pero nakayanan ko. Sabi sa inyo e, atapang atao ako. Hahaha:D
Ang tahimik ng paligid. Sarap ng buhay pag ganito oh. Haha.
Makikipaglaro nalang nga ako kay ChiChi. Hihi. Ang cute cute talaga nitong puppy na to. I LOOOOOOOOVE HER. Sarap ihug. Nyinyi.
Tekaa..bat parang may nakita akong tao sa tapat ng gate namin?? Huhuhu. Wag naman ngayon… Wala pa ako sa mood para matakot e… Di ko na nga muna papansinin. Pagtutuonan ko muna ng pansin tong cute na nilalang na to^__^
“Chichi.. I love youuuu!!^______^”
“I love you too..”
Ugh. May narinig nanaman akong boses. Hmp. Baka guni-guni ko lang.
“Oi Chichi..bat ka nagsalita kanina? Haha. Ang cute cute mo talaga^____^”
“Thank you..”
