CHAPTER3
(fast forward ulit. Wala kasing nangyayari sa buhay ko these past few days)
Second grading na. Kasali ako sa top 10 nung 1st grading. And 1st namin si Franz. Haay. Mamaw talaga ung singkit na un. Nabago narin pala ang seating arrangement namin. Si Franz na ang seatmate ko. Aww. Di ko na katabi si crushL Pero ok lang din..nag-uusap naman na kami ni Christian ehJ Di lang un..nagkukulitan pa kami. Malikot din pala siya eh..palagi nalang niya akong kinikiliti. Ako naman tong naiirita kaya pag kinikiliti niya ako, hinahabol ko siya. Pero never ko pa siyang nahabol. Mabagal kasi ako tumakbo at madaling mapagod.
Magaling din siyang mang-asar. Palagi nalang niya akong niloloko dun sa classmate ko nung grade6 na Carlo ang pangalan. Feeling close naman ung si Chrisitan. Di nga niya alam ung mukha nun Carlo e. At isa pa, si Nicole ang nililigawan nun. Bigla kasing napasa sakin. Haist.
One time, nakita ko un sketch pad niya sa may arm chair niya. Hulaan niyo kung anong ginawa ko:
a). tinago ko sa bag ko un sketch pad
b). pinakealaman ko at tinignan kung ano un mga sketch niya
c). pinunit ko un ibang pages
d). all of the above
and the correct answer is……….
Letter B!! haha. Pakealamera lang ako. hindi naman ako magnanakaw o kaya naman maninira ng gamit:D
*scan scan scan*
Woah. Bat puro mukha ng iisang babae tong andito? Sino kaya to? Hmm.
Di ko siya maloko-loko kasi di ko alam un name nung babaeng nasa sketch pad niya at un girl na nasa I-C. Nahalata ko kasi na tuwing dumadaan sa room namin ung skulmate namin na nasa kabilang section, todo tingin siya. Hehe. Inlove ata? Ano nga bang pangalan nun babaeng un? Di ko alam..itatanong ko nalang kina Nick mamayang recess.
Ok, I admit it. Nasasaktan talaga ako ng todo tuwing nakikita ko siyang tumitingin dun sa babaeng un. Para bang nadudurog niya un puso ko ng di niya alam. Oo, masakit. Kaya nga titigilan ko na siya. Masyado na talaga akong nasasaktan e. Alam mo ba un feeling na ung gusto mo, may gustong iba? Hindi ko pa kavibes un babae. Kamukha niya kasi un malditang nang-away sakin nung nasa Western University pa ako. Hehe. Kaya naman hindi naging maganda ang first impression ko sa kanya. Ui pero joke lang ha. Joke lang talaga:)) Hindi ko pa titigilan si Christian. Alangan? Tsaka crush lang naman to e.
Habang nakapila kami sa canteen..
“Ui Nick..alam mo ba kung anong name nung crush ni Christian sa I-C?”
“un ba ung palagi niyang tinititigan tuwing dumadaan siya sa room natin?”
Aw. Nahalata din pala nila Nick.
“oo, siya nga..”
“hindi ko alam e. bakit ba gusto mong malaman?”
Bakit nga ba? Waaaaah!! Mag-isip ka ng dahilan Charee!!!
“Hoy Charee! Ano na?”
“E…eh..eh ano…kasi nga wala akong mapanloko sa kanya! Lagi nalang niya akong nilolokong Carlo e! Huhu. Alamin mo naman mamaya Nick..please..kailangan ko talaga ng ipanloloko kay ChristianL”
“Aish. Un lang pala ang dahilan. Ayoko Cha. Nakakatamad kaya.”
“Sige na!!!!please!!!”
“Ayaw.”
“Aww..sige na..maawa ka naman sakin oh. Lagi nalang akong pinagtitripan ni Chrisitan..di ka ba naaawa sa babaeng tulad ko?”
“Hinde.”
