CHAPTER 7

35 0 0
                                    

CHAPTER 7

I’ve decided. Sasabihin ko na.

Pagkauwi ko ng bahay, in-on ko muna ung computer at naglaro ng Flyff. Stress-reliever ko ang paglalaro ng online games e. At Flyff ang favorite game ko. Hero kaya ako dito. Oh, bilib nanaman kayo noh:D

Habang naglalaro ako, di ko mapigilan si mr.brain na isipin siya. Paano ko sasabihin sa kanya?

Grabe. Nadi-distract naman ako sa paglalaro, ititigil ko nalang muna tong game.

“Hoy tol. May sabihin ako. crush kita, manhid!”

Hindeeeeeeee. Pangit >.<

Ano kayang sasabihin ko? Hmmmmmmmmmmmm.

Grabe. 5 minutes na akong nakatulala dito. Tae. Sayang time. Game na nga.

Yan na. Ready na ako. Kukunin ko na un phone ko.

Tentenenen! Let tha game begin.

“Chris..may sasabihin ako.” waaaaaaaah!! Sasabihin ko na ba talaga???

“Ano un?”

“Wag kang mabibigla ha?” inhale.exhale. whooo!!! Nahihirapan na akong huminga dito!!

“Ok. Chill chill lang ako. Haha. So ano un?”

Ok this is it.

“Crush kita Chris. Wala namang masama dun kasi crush lang naman diba? Sana walang magbago sa friendship natin..” Sheeet. Nakakahiya =.=

“Weh? Yie!! Crush mo pala ako e:D Pwede ba tayong magkita sa Mister Snowman?”

Bakit naman kaya? Haay. Malapit lang sa bahay ung Mister Snowman, pwede lang lakarin. Remember, nasa same village lang kami at magkalapit lang kami ng bahay ni Christian.

“Bakit? Gumagawa ako ng project ngayon e..”    (pero gusto ko rin kumain ng ice cream, dalhan mo nalang ako dito sa bahay:D)

“Basta. Please? Gusto ko lang makipag-usap..”

“Ayaw ko. Walang magbabantay dito sa bahay pag aalis ako.”

“Sige na..”

“Sorry..bukas nalang..magkikita naman tayo sa skul e”

Pumayag naman siya. Wew. Actually, meron naman dito sa bahay ung kuya ko kaya may maiiwan kung sakaling aalis man ako. Ayaw ko lang talagang magpakita kay Christian. Nakakahiya kaya. Matapos kong umamin, parang di ko na kayang humarap sa kanya. Oh God. Kinakabahan ako sa mangyayari bukas. Sana walang ilangan. 

------------------------------------

Christian’s POV

(Yes! Sa wakas, nagkaPOV rin si Christian!! Haha>:D)

Ehem. Before anything else, magpapakilala muna ako.

I’m Christian Martinez. Mayaman? Siguro. May sarili kaming hospital e. Gwapo? Syempre naman. Kaya nga madaming nagkakandarapa sakin. Mabait? Oo naman. Inuuna ko pa ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili ko. Understanding? Sobra. Madami na akong pinalampas na kasalanan ng mga kaibigan ko sakin. Marunong akong umintindi ng iba e. Hehe. Musician nga pala ako. Piano and guitar ang pineplay ko. At..marunong rin akong kumanta. Oo, totoo yun. Maganda ang boses ko..kaso nga lang..di ko masyadong pinaparining sa iba. Sinesave ko kasi ang boses ko para sa babaeng magpapatibok nitong <3 ko. Bihira lang ako magmahal. Pero kapag nagmahal ako..sobra-sobra ung ibinibigay ko. Wala na akong pakealam kung nababalik ba yung pagmamahal na ibinibigay ko. Basta mahal ko siya, un na yun. Marami mang umaaligid sakin, loyal naman ako sa mahal ko. Ang problema nga lang, TORPE AKO.  

THE GREAT PRETENDERWhere stories live. Discover now