Lance's POV
S-She said it.
"Hm.. I love you too."
I can't believe it. I was just making sure of something but then I didn't expect this. I tried to talk to her but it turned out that she had fallen asleep. Weird but she had said it.
Anong ibig sabihin nu'n? Naalala niya na ba ako? Bakit hindi niya sinasabi? Ano ba talaga 'yung nangyayari?
I got out from our room and nagpunta ako sa tabing dagat.
Napaka-peaceful ng lugar na ito. Ito na ata yung pangalawang nakita kong magandang lugar sa Pinas. S'yempre una yung Enchanta. Hindi na ako magtataka kung bakit ito yung napiling isla ng parents nila Leslie.
Parang ang sarap nalang tumira dito and forget the reality of life. But it hit me. There's something I need to figure out.
How can Leslie act like that? Parang wala siyang amnesia. By the way she acts, normal lang siya kumilos. The Leslie I know and love.
"Penny for your thoughts?"
Nilingon ko yung taong nagsalita.
"Gio."
Tinignan niya lang din ako at gumaya sa puwesto ko.
Then silence overcome us.
"Alam mo ba may mahal ako." Pagbasag niya sa katahimikan.
Nagulat ako kaya nilingon ko siya pero nakatingin lang siya sa dagat at malalim na nag-iisip
"Kaso may mahal siyang iba. Cliché ba?" Natawa siya ng konti. "Ang tanga lang kasi ng puso eh, basta-basta nalang tumitibok."
"Tumibok man ang puso mo, 'wag mo pa rin kakalimutan paganahin yung utak mo." sabi ko na ikinalingon niya.
"Pero kahit paganahin mo ang utak mo, nasusunod pa din yung puso mo. Isang lambing lang, isang panunuyo lang, bibigay na agad. Ganu'n ata talaga kapag mahal mo, eh." ngumiti siya pero parang may lungkot
This time, ako naman yung napatingin sa dagat.
"She said it."
Nakita ko sa pheriperal vision ko na napatingin siya sa akin kaya nagpatuloy ako.
"She finally said that she loves me."
Nagulat ito at parang hindi alam ang gagawin.
"Sinabi niya na?"
This time, lumingon na ako sa kanya.
"Oo. Na mahal niya din ako. Bakit?"
Naguguluhan man siya at saka parang ngayon lang nag-sink in sa utak niya yung sinabi ko.
"Hindi ko alam kung tama pa ba 'to, ayoko nang mahirapan pa siya pero you need to know something."
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"Ano 'yun?"
Napabuntong-hininga siya bago nagsalita.
"Si Les nagpa----"
Hindi niya naituloy yung sinasabi niya ng may tumawag sa pangalan ko.
"Lance."
Leslie's POV
Naalipungatan ako sa sinag ng araw na tumapat sa akin. Unti-unti kong dinilat yung mga mata ko para hanapin yung isang tao pero wala na siya sa tabi ko.
Asaan kaya si Lance? Nagkusot ako ng mata at naupo sa kama. Napatingin ako sa orasan at 11:30 na pala.
Medyo matagal na pala ako nakatulog.
BINABASA MO ANG
The Good Girl Gone Bad (Completed)
General FictionSabi nila "It's not love if it doesn't hurt" pero paano kung sa sobrang pagmamahal ay masaktan ka ng sobra? What if that pain urge you to change for you to be able to move on? Will you take the risk? Wll you change for the better? or change for the...