Three

1.4K 58 0
                                    

Alden's POV










Kakauwi lang namin ni Maine galing sa dinner naming magkakaibigan. At hindi ko maitatanggi na namiss ko ng sobra ang mga yun. Lalo na yung tatlong itlog. Para kaming nakawala sa hawla pag magkakasama kami. Bonus na din na magkakaibigan din ang mga naging asawa namin.








Nasa kwarto na kami. Si Abbey ay nasa tabi ko. Pag weekend kasi ay nangungulit sa amin si Abbey. Gusto niya na lagi ko siyang katabi tapos ikukwento niya yung mga nangyari sa kanya sa school sa loob ng isang linggo.









Si Maine naman ay abala sa pagpapalit ng diaper ni Andrew. Malikot at makulet na din siya. Kung si Abbey ay carbon copy ko. Si Andrew naman ay mas madaming nakuha sa Mommy niya. Nakakainis nga e. Dapat pareho kong kamukha. Haha!









'Ang sarap pagmasdan ng asawa ko habang inaasikaso ang mga anak namin. Pati na din ako. Hindi niya kami pinapabayaang mag aama.









"Daddy! Nakikinig ka ba saken?" Napatingin ako kay Abbey na kasalukuyang nakakunot anh noo at masama ang tingin sa akin.








'Oopps! Galit ang isa sa mga little Bossings ko.










"Sorry anak. Ano nga ulit yun?" Nahihiyang tanong ko ulit sa kanya. And she rolled her eyes. Manang mana sa Mommy niya pagdating sa kamalditahan e.









"Kanina pa po ako nagsasalita dito Daddy. Hindi ka naman po pala nakikinig. Panay po kasi ang tingin mo kay Mommy. Hindi naman po siya aalis!" Maktol ni Abbey. Narinig ko pa ang pasimpleng tawa ni Maine.









"Ayan. Makinig ka sa anak mo. Hindi naman ako aalis dito. Ikaw talaga oh! Halatang patay na patay saken si Daddy no anak?" Segunda pa niya. Alam na nga niyang nainis sa akin si Abbey.









"Ah ganun? Pinagtutulungan niyo kong mag ina huh?" Natatawang sagot ko sa kanila. Tumayo ako at kinarga ko ang prinsipe ko.








"Andrew. Lumaki ka na nga. Inaaway ako ni Mommy at ni Ate oh. Kawawa naman si Daddy. Walang kakampi." Para akong tanga habang kinakausap ko si Andrew na titig na titig sa mga mata ko. At biglang ngumiti.








Ang mga mata niya ay namana niya sa Mommy niya. Pero ang ilong sa akin. Kaya gwapo siya. Haha! Si Abbey kasi ay sa akin nakuha lahat. Dinala ko si Andrew sa kama at hiniga dun. Nilaro laro namin siya ni Abbey. Nagpapasikat din ang Little Boy ko dahil panay ang huni at tawa.








"Its way past your bedtime, Abbey Dawn. Time to sleep." Singit ni Maine. Si Abbey naman ay nagmamadaling yumakap sa akin at hinalikan ako ng madaming beses. Ganun din ang ginawa niya sa Mommy niya at sa kapatid niya. Pero bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ay umisa pa ng kiss sa akin.








'Daddy's girl talaga.









Tatawa tawa si Maine habang hinahatid ng tingin ang anak namin. Si Andrew naman ay ibinalik na niya sa crib nito. Inaantok na din kasi siya kaya konting tapik lang ng Mommy niya ay nakatulog na din siya agad.









Humiga na si Maine sa tabi ko. Tinitignan ko lang siya habang nakapikit. Baka pagod siya. Hindi ko nga alam kung paano niya napagkakasya ang oras niya sa restaurant niya at dito sa bahay. Wonder woman talaga si Mrs. Faulkerson e.







Two World's Collide BOOK 2 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon