Five

1.3K 44 0
                                    

Maine's POV











Habang nasa mga Lolo at Lola nila ang mga anak ko ay sinamantala ko ang pagkakataon na mag full time sa restaurant. Hindi ko naman kasi ito madalas nagagawa kaya pag may chance. Hindi ko talaga pinapalampas. Si Alden ay pumasok na din.








Hindi mawala sa isip ko ang kalokohang ginawa namin sa laundry room kahapon. Wala e. Nandun na. Hindi ko naman mapipigilan yun dahil baka magmaktol naman yun pag nabitin. Mga lalake nga naman.









Ngayon ko na din kakausapin yung client na ibinigay sa akin ni Nadine. Ang sabi niya ay medyo enggrande ang opening ng bagong clinic nito. Niloko ko pa nga siya na baka ospital ang bubuksan nito at hindi clinic e.










Nag ayos ako. Syempre kailangan mukha naman akong presentable. Nagsuot ako ng plain color beige na knee length dress at high heels. Hindi naman ako cesarian at 10 months na din since nung nanganak ako kaya wala ng binat.










Naglagay ako ng konting make up at red lipstick. Oh diba para hindi halata na wala akong eyeshadow. Kilay lang at lipstick ayos na. Tapos inilugay ko ang hanggang balikat kong buhok. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Para naman akong hindi nanganak. Payat pa din ako at hindi malaki ang tyan ko. Nag exercise kasi ako 2 months after ko manganak.










At dahil hassle ang mag taxi. Napilitan akong magdala ng kotse. Hindi naman din ako magtatagal masyado sa restaurant. At tsaka hindi ko din keri mag commute ng ganito ang suot ko.










Nagdadrive ako at hindi ko maiwasan ang mapangiti. Unang beses akong sasabak sa catering. Sana naman ay kayanin ng mga staff ko. Or better yet magdadagdag na lang ako.










Nakarating ako sa isang coffee shop kung saan namin napagkasunduan na magkita. Siguro wala pa siya. Okay lang. Siya naman ang kliyente ko e. Umupo na ako at hindi muna nag order.










"Ms. Maine?" Napaangat ang tingin ko sa pinang galingan ng boses na yun. At para naman akong napanganga dahil ang gwapo ng kaharap ko. Naka shades siya at naka white polo. Ang gwapo lang!










'Okay! Hindi ko naman nakakalimutan na may asawa na ako! Pero I have to admit. He's so handsome











"Ye-yeah." I silently cursed myself because I'm stammering. Nahalata niya siguro yun kaya ngumiti siya ng ubod ng laki at tinanggal ang shades niya. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya.










"You must be Mr. Jake Ejercito?" Pilit kong pinakalma ang boses ko. Hindi na ako pwedeng mautal ulit.










"Yes. Sorry Ms. Maine. Na-late ako. Hindi ko kasi kabisado ang lugar na to e. Anyway, order muna tayo?" Masayang tugon niya. Gusto ko sanang tumanggi dahil kailangan kong matapos agad to. Sayang naman ang oras pero hindi ko naman din pwedeng tanggihan to. Baka mag back out bigla sa usapan namin. Sayang naman.








"Okay lang. Kakadating ko lang din naman e. Tsaka Maine na lang. Mukha naman na hindi nagkakalayo ang edad natin e." Hindi ko mapigilan ang mag joke. Awkward kasi kung may Miss miss pa siyang sinasabi.









Natawa din naman siya. Nag order na kami. Dahil busog pa ako. Nag frappe na lang ako. Habang siya ay nag order ng sliced cake at coffee. Sweet tooth.









Two World's Collide BOOK 2 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon