Seventeen

1.2K 50 3
                                    

Kathryn's POV









Nasa bahay ako ngayon. Nag in house sales na lang ako kasi hindi ko trip rumampa sa labas ngayon. Ang mga anak ko naman ay nasa parents ni DJ. Pansamantala akong nakikituloy sa bahay ng magulang ko ngayon.










Aminado naman ako na hindi madali ang set up namin ngayon ni DJ. Kaya lang hindi ko pa kasi masikmura na makasama siya pagkatapos ng nakita kong kalokohan niya. Ayoko na idetail masyado. Maaalala ko na naman at magagalit na naman ako.










"Kathryn Chandria! May ginagawa ka ba?" Nagulat ako ng biglang may magsalita. Nakita ko si Julia at Nadine sa may pintuan.









"Nagulat naman ako sa inyo. Haha! Loka kayo. Wala naman. Nagbibilang lang ng oras. Bakit? May lakad ba tayo?" Natatawang tanong ko sa kanila. Para naman silang may ari ng bahay kung makapasok at makaupo.










"Bored ako. Nakakaumay na yung ginagawa sa office kasi alam ko na yun e. Haha! Guluhin na lang natin si Maine sa restaurant niya." Suggest ni Nadz. Nagmamadali naman akong kumilos ng marinig ko yun. Excited ako. Haha!












Maine's POV









Tanghali na at madami na naman tao. Hindi na naman nila alam ang uunahin. Kaya tumulong na din ako. Ayoko naman na nagmamasid lang ako kung may pwede naman akong gawin.









"Madame Ganda. Wag ka na dito. Papawisan ka lang. Rampa ka na lang muna sa labas." Si Athan. Natawa naman ako sa sinabi niya.









"Okay lang naman ako ano ka ba. Mahirap na baka magreklamo sila. Kaya natin to." Ganadong tugon ko. Masaya ako na nakikita ang mga tao na nakangiti habang nakain. Hindi matatawaran ng presyo ng order nila.









Lumipas ang oras at medyo kumalma na ang dami ng tao kaya nakuha ko ng umupo. Pero hindi pa nag iinit ang pwet ko sa upuan ng biglang dumating ang tatlong bruha.










"Mukhang pagod ah? Kamusta?" Bumeso sila sa akin isa isa.










"Hi. Okay naman babies. Yun nga lang naloka ako sa dami ng tao." Isinandal ko ang ulo ko sa upuan ko.










"Expand na ba tayo? Para makadagdag din tayo ng staffs." Si Julia ang nagsalita.









"E nakapag paalam na ba kayo sa mga asawa niyo?" Biro ko sa kanila at ang bilis naman nila nagtanguan. Nagkwentuhan pa kami at nag lunch na din. Ginutom ako e.









"Hi." Napaangat ang tingin ko ng makita ko si Jake? Nagtatanong ako kaya ganyan. Haha!










"Ay! Hi Sir. Kamusta? Napadaan ka ulit?" Tanong ko sa kanya at tumayo pa ako para kamayan siya. Ngumiti naman siya at tinanggal ang shades niya.










"Yup. May kausap kasi ako dyan." Turo niya sa kalapit na cafe ng restaurant ko. Tumango naman ako.










Doon ko lang naalala na kasama ko pala yung tatlong bruha. Napatingin ako sa kanila at tulad ng inaaasahan ko, parang mga bulateng may asin sila dahil hindi napapakali sa pagkakaupo nila.










'Kumalma kayo mga kapatid! Kukurutin ko kayo sa singit! May mga asawa na tayo baka nakakalimutan niyo na!









Two World's Collide BOOK 2 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon