Twelve

1K 47 2
                                    

Maine's POV









Kasalukuyang nasa bahay ako at inaayos ang mga anak ko. Si Abbey kasi ay may assignment. Si Andrew naman ay naglalaro lang sa crib niya. Wala pa kasi si Alden e. Baka may over time yun.









Pinagmasdan ko si Abbey habang abala siya sa pagkukulay. Isa sa napansin ko sa kanya ay very artistic siya. Magaling din siya mag mix ng kulay para mapanatiling buhay ang mga drawings niya. Ngayon pa lang ay nakikitaan ko na ng potential ang anak ko sa pagiging artist.









"Nak. Medyo nalagpas oh." Puna ko sa kanya. Medyo lumampas kasi yung pagkulay niya. Lumingon naman siya at ngumiti sa akin.








"Yes Mommy. Thank you po." Ngumiti siyang muli at ganun din ako. Pinanood ko siya sa ginagawa niya ng biglang mag ring ang phone ko.








Tinignan ko muna yung mga anak ko bago ako tumayo para sagutin ang cellphone ko. Nakita ko na si Julia pala yun.










"Hi Julia. Kamusta--- What?!" Napanganga ako ng marinig ko ang sinabi ni Julia.










'Si Daniel? Nahuli ni Kath na may babae? Parang napaka imposible naman yata nun.










"Nasaan si Kath? Okay naman ba siya? Sige sige. Text ko na si Alden. Papuntahin ko lang din saglit sila Mommy para bantayan yung mga bata. Okay. Darating ako." Sunod sunod na tugon ko kay Julia. Nang matapos kami mag usap ay hindi ako nag aksaya ng panahon. Tinawagan ko agad si Mommy at Daddy.








"Mom. Hello. Busy ka po ba? Can you come over? Para sana tignan saglit yung mga bata. May lakad kasi ako. Emergency lang po." Pakiusap ko kay Mommy.








"Nako Maine ayan ka na naman huh. Napapadalas na yata yang mga lakad mo na yan. Sinasabi ko sayo may mga anak  na." Sermon ni Mommy sa kabilang linya. Napapikit naman ako.








"Yes Mom. Please. Kahit ngayon lang." Pakiusap ko pa din at lihim na nananalangin na sana pumayag sila.








"Alright. 30 minutes lang. Andyan na kami." She ended the call. Sinamantala ko ang pagkakataon para magbihis na. Si Abbey at Andrew naman ay nalinisan ko na din. Papatulugin na lang sila.








Wala pang 30 minutes ay dumating na sila. Natext ko na din si Alden. Yumakap lang ako sa parents ko sandali at tsaka nagmamadaling nagpaalam na. Hindi ko na nga pinansin ang pagsesermon ulit ni Mommy.








'Sorry Ma. But my Kathryn badly needs me right now.








Nagmadali akong magdrive at nakarating naman agad ako sa bahay nila. At hindi nga ako nagkamali. Si Kath ay walang tigil sa pag iyak habang yakap ni Nadine at ni Julia.








"Baby." Nagmamadali akong lumapit sa kanila at niyakap ko din siya. Bawat hikbi niya ramdam ko ang sakit at bigat ng pakiramdam niya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapaiyak din.









"Ssshhh. Nandito na kami. Go on. Just cry." Tinatapik tapik ko yung likod niya. Pasimple kaming nagtinginan nila Nadz at Julia.









'Hindi ko din alam kung anong ipapayo ko sayo, Kath.








"Baby. Ang sakit sakit. Hindi ko alam na magagawa niya sa akin yun. Hindi ko akalain." Nagsimula na naman siyang umiyak.









Two World's Collide BOOK 2 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon